konitsiwa!!!

I'll be back...soon.

Tuesday, November 15, 2011

Crash and Burn…


may helmet...wala namn lisensya.






       
            Republic Act No. 10054 – Motorcycle Helmet Act:


                        Republic Act No. 10054, also known as the “Motorcycle Helmet Act” was signed into law on 23 March 2010.  Under this new law –

            All motorcycle riders, including drivers and back riders, are required to wear standard protective motorcycle helmets at all times while driving, whether long or short drives, in any type of road and highway.  Standard protective motorcycle helmets are appropriate types of helmets for motorcycle riders that comply with the specifications issued by the Department of   Trade and Industry (DTI).

            Any person caught not wearing the standard protective motorcycle helmet will be punished with a fine of P1,500.00 for the first offense, P3,000.00 for the second offense, P5,000.00 for the third offense, and P10,000.00 plus confiscation of the driver’s license for the fourth and succeeding offenses.
            Tricycle drivers are exempted from complying with the mandatory wearing of motorcycle helmets.

            -Lex Fori Philippines

            Yan ang kabuuran ng paborito ng mga 2-wheel motorcycle driver na helmet law, kung saan, lingid sa alam ng karamihan, ang nasabing batas ay hindi lamang utos ng lto, mmda, ka pulisan at misan pati mga brgy. Tanod, kung hindi, isang pambansang batas na pinag-isipan ng matatalinong tao yan…kaya sundin nating mga bobo yan.

            Ang helmet law ay isang batas para sa sariling kaligtasan ng nakasakay sa mga two-wheel na sasakyan, kadalasan ay ulo ang nagtatamo ng pinaka malalang tama mula sa isang disgrasya. Bukod pa sa mga reflective gears at crash gear, helmet na siguro ang pinaka mahalagang gamit ng isang motorist at  paboritong iwan sa bahay ng karamihan, kahit ako tinatamad sa bagay na ito. Mag-hehelmet ka gayung sa palenke lang punta mo kung san 30kph ang maximum na andar sa loob ng aming bayan. Helmet law ang isa sa pinaka paboritong sawayin ng aking kababayan.

gusto ko nito,,,,,
            Pano ka nga naman susunod sa batas kung mismong nagpapatupad nito sumusuway ditto. Ang mga pulis walang helmet, yung meron walang rehistro “galling sa nakaw?”, at sa pag-kaka alala ko, bawal ang naka helmet sa bayan ko, san naman kami lulugar sa gusto ng mga hinayupak na ito?

            Recently, nag baba ng utos si PNP Chief Nicanor Bartolome ng paghihigpit sa bawat naka motor, dahil umano sa nakawan na nagaganap gamit ang motor, petty crime with a style.  Batay umano sa utos na ito, bawat ahensya ng kapulisan ay nag-conduct ng checkpoint sa bawat parte, oras, pagkakataon na matripan nila, depende sa panganga-ilangan. Bigla-bigla ang “para”, minsan ng pumunta pa kami sa majayjay isang braso na may baby armalite ang bigla nalng pumara samin mula sa dilim, checkpoint pala, wala manlang warning device, samantalng ipinagbabawal ng batas ang checkpoint na walang ilaw.

            Sa areza “pagsanjan, laguna” ay madalas ang “para” ng kapulisan ng pagsanjan, hindi sa papasuk sa kanilang bayan, kundi yung mga palabas. Ayus sa olright, kung may iniiwasan silang bahong lumabas sa bayan nila ay hindi ko lang alam. Kaya dapat may helmet ka para wag kang parahin ng mga ito.

            Bawal ang walang helmet, walang side mirror, nakatsinelas, may colored transparent protector ang plaka, naka short, walang rehistro at walang lisensya, nasa side ang plaka, walang plaka, at higit sa lahat bawal ang open pipe ditto sa laguna…pero kung ilan ang mismong nadisgrasya dahil umano sa mga nasabing bawal ay hindi ko lang alam.

            Sige, sabihin mo nga, ilan ang nabanga dahil walang lisensya? Ilan ang nabasag ang mukha dahil naka tsinelas? May sumalpak na ba sa kasalubong dahil wala syang side mirror? Ilan na nga ba ang nadisgrasya dahil sya ay naka open pipe? Tila yata naabuso na ang batas mula sa kanilang kalokohan.

crash...

            Bukod sa batas ito na dapat sundin, dapat natin alamin natin san ba ito dapat paganahin. Parang isang katatawanan naman kung mamalenke ka lang may helmet ka pa, kung isasagot mong mag lakad ka nalang, eh gago, tumahimik ka nalang jan. hinuhili ditto samin ang naka full helmet, bawal ito dahil di mo nga naman kita ang nasa loob nito kung bigla itong mamaril, kaya pag pasok mo sa bayan namin, hubarin mo na helmet mo, pero malas mo pag may HIGHWAY PATROL o kaya ay LTO, dahil bawal ang walang helmet. Sa San Pablo City, pinagbabawal ang may helmet dahil sa death treat ng kanilang alkalde, pero pag wala kang helmet huhulihin ka rin nila, gulo ano? kaya pag nagpunta ka dun, dapat may helmet ka……sa siko. Sa Los Banos, dapat naka helmet, pero pede na tsinelas at short, sa majayjay, bawal open pipe, pede walang helmet. Hirap ano….

violation?
          
  Pinatutupad ngayun ng MMDA ang pag gamit ng “yakult helmet”, yung helmet na kadalasan ginagamit ng mga nagbibike. Di patong at bunbunan mo lang ang may proteksyon. Sa ganitomg paraan daw makikita ng madla kung sino ang sakay kung sakaling barilin si chairman Tolentino. Malamang huli na ako sa mga ito, kung makikita mo helmet ko.



            Pinag helmet pa ako kung pang yakult lang pala isusuot ko. Pano kung mukha ko ang bumagsak sa semento, Kung panga ko ang humataw sa harang na kongkreto, at labi ko ang makipaghalikan sa mainit na aspalto? Pinaghelmet mo pa ako, kaligtasan pala ng iba ang iniisip mo.

            Trabaho ng LTO at HIGHWAY PATROL ang hulihin ang mga driver na sasaway  sa batas ng kalsada “hindi trapiko”. Pero kung bakit puro 2-wheel motorcycle ang hinuhuli, malamang ay dahil sa madaling pagkakitaan ang mga ito, at kung pumalag man, madaling gawan ng kaso, tsk, kawawang pobre.

            Bawal ang walang side mirror, gayung marami akong nakakasabay na hindi marunong gumamit ng side mirror, sarap hatawin ng helmet sa panga. Alam kong, ang purpose nito ay para makita mo ang nasa kanan at kaliwang likuran mo, at para wag mangawit ang leeg mo kaka tingin sa likod. Pero kung ito ay isang bagay na hindi alam gamitin, palagay ko, tangalin nalang natin ito at hayaan na mangawit ang mga leeg nyo.

may mas maingay pa dito....
            Bukod sa helmet at side mirror ang  isa pang all time favorite parahin ng LTO ay ang mga naka open pipe. Maingay daw ito sa gabi, pero kung bakit sa umaga at hindi sa gabi sila nang huhuli, eh malay ko sa kanila. Nang minsan akong lumuwas sa manila, karamihan sa motor ay naka opn pipe, yung iba sobrang katikot pa, kaya tangal ang kaluluwa mo pag ng revolution ito, pero wala ni isa na nakitang kong hinuli dahil dito.kung tutuusin nga, pabor pa ako sa mga naka open pipe, malayu pa, rinig mo ng may parating, hindi tulad ng stock pipe na nasa likod mo na di mo pa alam. At bakit nga ba big deal ang open pipe, gayung kung sa ingay ay panalo ang 2-stroke na mga motor, hindi mo na kailangan ng open pipe, harangan mo lang ng piso yung dulo ng tambutso, mamumura ka na sa ingay ng tunog nito…at may nabanga na ba dahil sa open pipe?

            Ang mga tulad ng short, tsinelas, helmet at side mirror ay dapat pang sariling pagdedesisyon na. higit sa malasakit ng otoridad, dapat siguro ay mas pag tuunan ng pansin ang mas malalalim na usapin. Ang kaso ng OR CR at lisensya ay ibang bagay na ukol sa kaligtasan ng nag mamay-ari  mula sa pag ka nakaw ng knilang sasakyan, pero ang lisensya kung san babayaran mo lang ay ang id at ilang oras na pagdadaldal ng mga kawani ng LTO, palagay ko, dapat ay isantabi na ang lisensya o bawasan ang singil ditto. Over pricing ang lisensya, tila kukuha ka ng lisensya sa PRC, daig pa ang tagal sa proseso, at kung mamalasin ka, may mauuna pa sayu kahit 4hrs ka na sa pila at sila kakarating lang. kaya di mo maiiwasan na yung iba sa recto nalang kumukuha, mura na mabilis pa, total wala naman gadget ang mga ito para I tsek kung totoo o peke ang lisenya mo, at kung tutusin, mas maraming tangang mag drive na may lisensya kesa sa mga wala. Mabagal ang proseso sa opisina ng LTO, walng drivinf test, may bayad ang exam, ang fixer wala sa labas, para san pa ang restriction code kung di ka naman nila papanuorin mag-drve.

            Kahit ang rehistro  ng sasakyan ay mahal, kung para san ito, o kung 1k ang bayad sa sticker at ang iba ay sa bulsa, malamang kaya lumabas sa kanilang system ay maraming unregistered na sasakyan. Magtataka ka pa ba bakit takot sa HIGHWAY PATROL at LTO ang mga motorist. Mahal magka sasakyan, mahal mag paganda ng sasakyan, mahal mag maytena ng sasakayan at mahal magbayad sa mga kawatan ng bayan.


            Inilabas na ng Laguna Government  ang bagong sticker for the Clean Laguna Motorcycles, katulong ang kapulisan ng buong probinsya, pinag-iigting nila ang kamppanya laban sa mga nakaw na motor. Isang motorista ang nag post ng ganito sa http://motorcyclephilippines.com/forums/index.php:






            "sino na sa inyo nadikitan nito? kanina kasi nacheck point kame ng kasama ko sa famy laguna on our way to lucban mababait naman yung pulis hiningi lang or/cr (orig) kelangan orig para bigyan ng sticker libre lang naman tapos madikitan pipicturan ka with our mc (parang sa LTO) ang dami nameng dinaanang check point police at military ayos naman di na kame hinarang nung nakita yung sticker.. ang dami daw kasing bumabyahe dun na walang papeles ang motor kaya sila may hakbang na ganun. 



            Ayos ito, talagang iwas abala ka, lagpas ka na sa walang kamatayang check-point sa bawat bayan na dadaanan mo. Kaso, paano kung ang motor mo ay may sticker na at nanakaw, hindi na ito paparahin dahil may stiker na ito...tsk, tama si manong danny, binibigyan mo lang ng kalayaan ang mga magnanakaw na nakawin lalo ang sasakyan mo.

            Mas maraming pasaway na kotse, kaskaserong bus, walang lisensyang driver ng suv at mga kolorum na jeep, pero bakit puro motor ang hinuhili? Mas maraming bumabangang bus, nalalaglag na jeep sa tulay, at lasing na driver ng kotse, pero bakit puro motor ang hinuhili? Hindi kaya bias na ang nangyayaring ito, at bakit nga ba sa motor lang sila naka tingin, gayung wala namang na rape dahil sa walang helmet, walang batang adik dahil sa naka tsinelas mag motor ang tatay nya, may proyekto naba ng gobyerno ang hindi natuloy dahil saw ala akong side mirror? May mangagakaw bang congressman dahil walang rehistro ang motor ko? Masydaong mainit ang mata ng lahat sa naka motor, pero walang pumapansin sa cancer ng lipunan ng mga politico.

            Ang mga holdaper kung wala sa jeep nasa bus, ang tulak naka suv ang pokpok nasa hotel, ang mga magnanakaw naka barong at naka upo lang sa kamara. Pero mas masarap hulihin ang motor. Masayadong pina iigting ang batas tungkol sa pagsusuot ng helmet, pero yung batas sa droga, kung san mas maraming namamatay ay hindi pinag iigting, bakit? Eh gabi gabi tambay padin ang mga adik at tulak sa labas naming. Lahat ng alagad ng batas may diskarte sa pang huhuli ng naka motor, pero walng gumagawa ng paraan para mahuli ang mga kapwa nila higad. Puro motor, wala ng nahuling pusher, rapist, at mga arroyo. Sayang…

            Kung sususmahin, maganda naman ang hangarin ng gobyerno sa ting mga mamayan, pero palagay ko, kung ayaw ng tao mag pants and shoes papuntang isdaan eh walang basagan ng trip. Pangit naman sigurong mag helmet kung alam mong pinagbabawal ng mayor mo dahil my treat na ang buhay nya, hidni naman siguro tama na di ka makapag open pipe dahil maingay ito sa gabi gayung wala pang 8pm garahe na ang motor mo.

            Tsk, wala ngang patutunguhan ang byahe ni juan, dahil paparahin lang sya ng LTO dahil sa violation ng kanyang sasakayn, habang ang mayayaman na kawatan kahit walang rehistro ang sasakyan, sasaluduhan  at dirediretso lang sa daan.

find the flaw.
            

Monday, September 26, 2011

I am my own worst enemy...


the choice is always yours.




      Kaya mo bang pigilan ang tae mo kung nakaupo ka na mismo sa toilet-bowl? Or kaya mo bang tangihan ang isang bagay na ikaw mismo ang nagadala sa sarili mo sa ganyang sitwasyon? Wag kang hypocrite...temeng.

          Alam ko, para sayo nakaka-adwa nanaman nag example ko.la ako magagawa. Pananaw mo yan. Ginagalang ko.pero manahimik ka nalang muna. Blog ko to.

          Paulit-ulit ko ng sinasabi, hindi mo na kayang pigilan ang sarili mo sa isang bagay na ikaw mismo ang may kagagawan.para kang tumayo sa isang cliff at hinayaang itulak ng sarili na magpatihulog sa kawalan at sinong sisihin mo, ang hangin na bumulong sa taenga mo? Kahibangan.  Wala tayung pinag-iba nito sa mga taong sinisisi ang diyos kung bakit sya mahirap, gayung ayaw nya magtrabaho. Pugay kamay!

          Minsan makulit din tayung mga tao. Masarap daw ang bawal, kung sino man ang naka-isip nito, malamang batay to sa karanasan nya. Kung masarap saksakan ng dogiesaur sa puwet at mag kasakit,,,eh bahala na silasa bagay na ito.

          Nung high-school pa ko ilang beses din akong napatgawag sa guidance-office. (wag mo nalang itanong kung anu-anong mga kaso) tanda ko pa kung anu yung sinabi ng councillor ng araw na gumawa akong ng pinakamatinding katarantaduhan sa buhay ko.

          “walang dapat sisihin sa nangyari kung hindi sarili mo mismo. Walang tumakot, pumilit o nagsabi sayo na gawin mo ang mga bagay na ito.”
          Tama sya. Kasalanan ko ang lahat. Kahit na man takutin ako ng kung sino kapag hindi ko ginawa ito, ako padin ang magdedesisyon, ako pa din ang kikilos. Anu man ang mangyari sa buhay ko, lahat to desisyon ko.

          Kaso, ginusto mo iwasan ang isang bagay na ikaw ang lagging kumukuha. Ayaw mo na sa lugar nayun pero lagi ka pa din napunta para silipin ito.  Wala itong pinag-iba sa nagrereklamong nauuhaw na sya, samantalanag kanina pa sya naka-tubog sa isang malinis na batis.

          Addiction is not a crime, it’s a disease. At walang ibang makaka-gamot sa’yo kundi ang sarili mo. Tulungan mo ang sarili mo, reklamo ka ng reklamo na nauuhaw ka na gayung nasa gitna ka ng isang batis na malinis, kanina pa.

no one but i..will make my way!
          Hindi ako naniniwal sa tadhana o fate, kung mabubuhay ako na umaasa ditto, patuloy kong lolokohin na lahat ng bagay ay dadating sa tamang panahon ng wala ka manlang ginagawa. Tila ba bibilis ang daliri ko, gayung hindi na ako nag-gigitara. Parang gagaling ako sa isang gawain na hindi ko alam gawin. Ayus!

          Malaking katarantaduhan ang sabihin na kung ano ang puno, sya ang bunga. Dahil una, hindi naman tayu halaman. Ispin mo nalang ito, ang mansanas ay isang mansanas dahil mansanas ang pinagmulan nya na nanggaling sa isang mansanas na bunga ng isang mansanas.....baka di na ako matapos. Kung gago ka, yan ay dahil sag ago ang tatay mo, gago ang lolo mo, ang lolo mo sa tuhod, lolo mo sa talampakan at lolo mo sa singit. Kung bobo ka, wag ka ng umasa na magiging matalino kahit isang araw lang ang magiging ka-apo-apohan mo, dahil bago pa ikaw, bobo na ang lahi mo. Hmmm, kaya pala supot ang mga kano?

          Magulang mismo ang humuhubog sa katauhan ng kanilang mga anak, kung  may ilan mang traits tyung namamana, eh bukod sa third eye, wala ng mas big deal pang pede mong makuha bukod sa apilyido.

are you gonna go my way?
          Tayu at wala ng iba ang gumawa ng kwento ng buhay natin, yung ibang kupal, sinasabi na diyos daw nila ang  pintor ng buhay nila, pero pag tinanong mo kung sa paanung paraan, puro kaututan lang isasagot sayu. Kaya hangang ngayun wala akong bilib sa mga head ng simbahan. Walang kwentang pastor ang hindi marunong magpakumbaba. Pilit mong tinataasan ang lipad mo, hindi mo na napansin, pilit ko ring inaabot pababa ang kamay ko para makamayan mo.



-god’s will. Their god, not mine.



          Isang dating kaibigan ang nagsabi sa pulipito ng aming sambahan ang nagsabi na maganda daw yung inaaplayan nya. God’s will daw na mapunta sya dun, after ng final interview at bumagsak sya, hindi daw yun ang kaloob para sa kanya. May ibang nakalaan daw para sa kanya...paksyet! ayus sa palusot!

                   Tinatawag nilang ama yung diyos nila, pero wala silang tiwala para sa mangyayari sa buhay nila. Wala naman sigurong tatay ang papakitaan ka ng lollipop at pagkatapos ay hindi pala ibibigay sayu, tinatakam ka lang. Tsk, sayang, mga butas na pananampalataya. Hindi na naisip na may hanganan ang mga bagay. Tsk.

an acquaintance...
          Patuloy nating sinisisi sa tadhana at kapalaran ang mga nangyayari satin, samantalang tayu ang may kasalanan kung bakit tayu nagkakaganito. It was your call, and always had been. If destiny and fate do exist, then we must abolish the word freewill, your privacy that you can’t practice no more, maybe we should erase it from our dictionaries.

          Eto pananaw ko sa bagay nayan. Tayong mga tao ay dinadala lang sa harap ng isang intersection, tayu parin ang magdedesisyon kung aling daan ang tatahakin natin. Highway, service road, tarmac, street o avenue, ikaw ang pipili.

           Naiihi ka ba o natatae, alam mo alin sa dalawa talaga ang nararamdaman mo, takot ka lang aminin na isa ditto ang tunay mong nararamdaman. Kung sakali man  na dumating ang punto na hindi mo na kayang pigilan ang tae mo dahil nakaupo ka na sa bowl, siguro isabog mo nalang sa sahig. Makalat, parusa, pero mas ayus na to, kesa isabog mo sa bowl na bawal mo palang taihan.

...go with the flow.


ride the lightning 
          Minsan mali din kasi ang pantaha ng mga tao, tila mga barko sa gitna ng isang malaking bagyo. imbis na salubungin at harapin ito, tinatakasan kundi ba naman gago. isipin mo, may nakita kang bagong papunta sayu, aatras ka bigla, eh di lalo ka lang nagtagal dahil ang mang-yayari magkakasabay kayu dahil parehas na kayu ng direction. ayus diba...iba talaga mag-isip ang kapwa natin.



-think before you click...o yeah!


          Narinig mo nayan, nabasa at nakita sa isang stasyon ng TV. Responsible use of social-media ang gusto nila. Maliwanag, isipin mo muna ang gusto mong sabihin kung makakasakit ito o hindi, dahil lahat ng ilalagay mo sa msa ito ay pang habang buhay, kung hindi mo kayang sabihin sa personal wag mong sabihin sa social-networking-sites. Assholes!

think before you click...hell yeah!

          Sa punto palang na ito, tinatarantado na kagad tayu. Isipin muna natin, pero hindi nila naiisip yung panic-attack na binibigay nila tuwing pinapalala nila ang isang flue-outbreak. Responsible-media ang mga programa nila ben, raffy at erwin na minumura lahat ng may kasalanan.  Pinag-isispan nilang mabuti na hindi tamang i-exgerate ang balita kaya nung panahon ng duenge, lagging headline ay yyung mga namamatay sa nasabing sakit. Think-before you click propaganda simply states one thing here, we are not free to express our selves due to some reason that is called “we are not media”. Do I have to exert here the contribution of mel tianko on the famous luneta grandstand hostage taking? Fuck yeah! This is responsible media!


          Isang  south-african photo-journalist si kevin carter, isang Pulitzer-prize. Ang kanyang obra, ang litrato na kilala natin sa tawag na "starving in sudan". isang batang ang dahan-dahang namamatay mula sa gutom at inaabangan ng buwitre na mamatay upang kainin mula sa isang liblib na nayon sa sudan. maganda ang pagkakakuha  at naging topic sa ibat-ibang conference tungkol sa media-ethics. Nag-tagumpay sya, kinilala ng ibat-ibang nasyon, media at press ang nsabing larawan. sa isang interview, sinabi nyang inabot sya ng 20minuto bago nakunan ang tamang pagkakataon at angulo para lumabas ang damdamin sa litrato. Bago binugaw ang buwitre. Nadala naman “daw” nya sa hospital ang bata. Kaya lang walang makapagsabi san.responsible media!

hands down, this responsible media.
          Isang dyaryo ang nagsabi kay carter ng ganito : "The man adjusting his lens to take just the right frame of her suffering, might just as well be a predator, another vulture on the scene."

          Matapos ang isang taon mula sa kanyang pagkakapanalo, kinitil nya ang kanyang sariling buhay dala ng sobrang depresyon. Sa isang liaham-pamamaalam ito ang kanyang sinabi :

 "I am depressed ... without phone ... money for rent ... money for child support ... money for debts ... money!!! ... I am haunted by the vivid memories of killings and corpses and anger and pain ... of starving or wounded children, of trigger-happy madmen, often police, of killer executioners ... I have gone to join Ken [recently deceased colleague Ken Oosterbroek] if I am that lucky."

Sayang, nanalo nga sya sa isa sa pinagpipitaganang patimpalak sa larangan ng media, kaya lang, nawala naman respeto ng ibang tao sa kanya, dahil nung oras nay un pinili nyang kuhanan ang namamatay na bata kaysa ito’y tulungan.
            

         

          You see, kahit sa pagbebenta ng isang kaibigan, kailangan mo parin magdesisyon kung mananatili kang tapat sa pack or ititindi sila na tila malansang isda sa bang-bang.

          Kahit yung lasing mong kaibigan na pinagnanasahan mo, disiyon parin kung titirahin mo sya o hindi, swerte ka pang nakuha mo kung hindi, tawag ditto respeto.



          Yung pang-gugulang mo sa kaibigan mo, pantutuso sa katrabaho mo, pag-ihi sa kanto, pag-boso kay manong, pag hipo sa kanyang su__, lahat yan desisyon mo, kaya tigilan mo na ang kakasisi sa lolo mo kung bakit ka gago.


          Life is like a game where, you always have an option, an option to make things easier or the other way around. Life is full of decisions, no one else but you must decide on it, sink or swim, the choice is always yours.


                ....time will come when we have to choose between what is right,
And what is easy.

-Gandalf, the white



Thursday, September 1, 2011

The Pharisee


........



There in the dark, they stand,
Like a wolf waiting for its prey.
Waiting for the mistake,
Praying for the greatest err.

They stood self righteous amidst the crowd
Condemning others, while praising their ass.
Head held up high, looking down on us,
They’ve become the sons of god.

Lurking behind our back,
Wishing for our greatest splash.
All they want is our fall,
All they think is your fall

I for one have become one,
Condemning others with these fiery eyes.
Casting dismay behind their minds,
I throw stones to drag them down.
waiting....

I construct fiery words to fog their eyes,
Like a riffle I shot right through their heart and mind.
Better not make a mistake,
Better not make me hate

I’ll tear you apart,
I’ll break you apart.
I’ll make you regret,
I’ll make you hate.

I for one have become one,
Condemning others, like I was the anointed one.
Under this sheep’s skin we hide,
Watching, waiting for you to die.

Forever we will be,
Pretending, like a Pharisee,
Acting upon our society,
Covering your eyes with our travesty.




We’ll cast anchors of dismay,
Here in this sea of haze.
Forever we will be,
A Pharisee, pretending not to be.




















           
            

Fragments of Sorrow...




no air to catch his fall...
            He was standing on a cliff, contented on what he has, smiling on the decision they had. Living in a world they built from trust and promises, living far from others dream. yet his eyes gaze upon a lovely nymph from down below. Such beautiful scenery no man can explicate, her eyes, glimmering from the rays of the parting father sun and her hair, dancing from Aeolus might.

            He said hi, she made a smile. Seems like, Gaea stops for a while, to buy them some time from harsh reality.

            Day after day, he’d waited, for her to stop at the bottom, to cast her beauty upon his mortal soul. Glancing at her from those cliffs, feeling contented on what’s laid just before his eyes. Seems like, pain sets on a different horizon each time he sees her smile. Slowly they become acquainted, feeling happy on what they knew they had. From strangers they became friends. They’ve become part of each others life. Sharing its others thoughts, keeping ones secret.

            Time goes by for the two souls, and one of them happened to fall for the other. Without thinking anything else but to be with her, he rushed towards the cliff. To fall at the bottom, be with her till eternity. Bonds where cut, oaths were deserted. He was in-love... he’ll leave everything behind.

            Just before reaching her, she shouted something:


                        “I can’t catch you.”


            Fuck, too late to go back, to rephrase what has been done. He was soaring....down. He can see the sadness in her eyes; Tears flowed out from his eyes. No bonds to hold him back, to save him from this hurting.  He slammed; face down. Crashing with agony, embracing pain, his sorry heart was foreign to this kind. His dream was shattered as he collides with her massive lies.

            Fragments of his dream scattered on the ground, shinning from the setting suns ray of light. No love to ease the pain, no comfort to end his pain. He was still breathing, how he wished that, she’ll stop the killing.
            

Monday, August 22, 2011

/Təˈɡɑːlɒɡ/



            “you are not a canadian or an american, neither italian nor dutch, 
but a filipino.”


-yfc speaker


held up high!
            Malinaw, gustong iparating ng nagsasalita na ang mga nakikinig sa kanya ay pinoy. Yan ang nabungaran ko ng minsan akong magbukas ng t.v. At mapatapat sa isang religious network. Naiitindihan ko naman ang gusto nyang sabihin, kaya lang bakit nga ba lagging kailangan sa english pa natin sabihin ang mga bagay-bagay? Malaking kasalanan ba sa mundo kung magtatagalog ka sa harap ng kapwa mo pinoy? Mas “cool” ba kung english ang gagamitin mo? O baka naman, talagang  hindi marunong umintindi ng tagalog ang mga pinoy? Iba talaga ditto sa pinas...

            Nauunawaan ko, kailngan natin gumamit ng “english” para makausap ang ibang lahi sa labas ng ating bansa, pero kung andito ka lang sa pinas, at pinoy lang din ang kausap mo, maarri bang magtagalog nalang tayo? Kapwa mo pinoy ang kausap mo kapatid, hindi kano “ rock on”, aleman, frances “oui” o ingles “muffin?”.

            Matatawa ka nga sa mga halp-pinoy-halp-german-shepherd na pilit nag tetegeylog, masabi lang na pinoy, kahit barok sila magtagalog. Walang iba sa mga pure pinoy coño na kung mag-tegeylog ay parang banyaga ditto sa bansa. Mas fluent pa nga ata mag tagalog sa kanila si sakuragi...pakingan mo.

            Pero hindi rin naman ako bilib sa mga half-pinoy na umuwi sa bansa para lamangan ang mga native nating kababayan, kung tunay silang magaling dun sila sa bansa nilang pinagmulan gumawa ng pangalan. Tignan mo nlang si benjie paras, nag resign bigla sa pba, dahil puro na daw halp-pinoy at import ang manlalaro. Tinawag pa natin all-filipino conference league....ayus!

            Kung talagang magagaling sila, dun sila sa bansang pinagmulan nila gumawa ng pangalan, tas pakibati nalang ang bansang pilipinas. Wag na silang gumay kay brandon vera na sinusuka na ng ufc, sayang hanga ako sa kanya dati, kaso sa 10 fights nya 12 ang talo.



            “kaya ang mga player natin lagging talo, inuuna pa ang interview kesa practice.”


-tatay


            Hanepasyet naman talaga, puro nalang ata interview ang azkals ang nakikita ko. Masyado ng naka-focus ang pinoy kung anong ginagawa ng mga to, kesa kamusta na ang practice. Nauubos na ang oras sa interview, pag-gawa ng commercial, tv guesting. Mabuti pa nung di pa nakikilala, iisa lang ang aim, ang manalo, ngayun ang mainterview na ata. Pansini mo si mp, lagging lagari, bawat laban, pag commercial maliligo, iinum ng alaxan, magte-txt, kakain, iinum ng alak...sikat!


            Hindi naman lahat puro papogi, may ilan na talagang gumagawa ng pangalan.


            Jerome fontillas            -           swithchfoot
            Kirk hammet               -           mettalica
            Mark munos                -           ufc
            Jabbawockeez               -           alam mo na
            Super creu                    -           ganun din
            Arnel pineda                 -           journey

pinoy pride

               
            Ilan lang yan, idagdag mo sila batista, tia carerre, rob schneider, death angel at ilan pa na patuloy na gumagawa ng pangalan sa labas ng bansa, hindi ditto, para agawan ng trabaho ang kababayan mo.


            Pambansang kamalayan, pambansang kakulangan.


            Pansinin mo ang mga hapon, kahit sa mga international  interview nila, wika parin nila amng kanilang gamit. Pride? Sa mga debate, wala kang maririnig kundi “bakero!”. Kahit sa mga billboard nila, letra parin nila ang makikita mo, kaya naimbento ang logo ng mga fastfood, hindi nila pedeng baguhin ang letra, font, kulay ng kanilang pangalan, copyright ika nga, sa logo nalang sila pinagbabatayan. Ang kapatid ko sa japan, tinuturuan ang half-pinoy-halp-japanese nyang mga anak ng tagalog para makausap ko.

            Ang mga bansa sa paligid natin, pinapadala ang kanilng mga kabataan para ditto mag-aral ng english language, bragging rights? Dahil ata sa sobrang conscious natin sa lengwahe ng mga kano ay nagging english language learning centre na ata tayu ng mundo. Bukod sa fluent tayu, ay mura ang singil natin. Alam ko, dahil nagging english teacher ako sa isang korean community, 6yrs. Ago. At isa lang ang masasabi ko, pag-sila sila lang ang magkakausap, lengwahe nila ang gamit nila, hindi ingles. Idagdag mo p jan ang mga call-center at online english teacher, kaunti nalang makukuha na natin sa india ang titulo ng call cenetr capital of the world.

            Nung panahon pa ni erap, may spoke-person sya na lagging sinasabing ang gamitin natin sa pakikipagusap ay tagalog o ang wika nating mag pinoy. Jose pardo ata ang pangalan nya. Kahit daw saan o kahit sa kahit anong oras ng pakikipagusap. Kaya lang, sa lahat ng interview nya, hindi ko sya narinig magtagalog ni minsan. Hypocrite?

            Minsan matatawa  ka rin dun sa mga “di-perdibleng-pinoy”. Yung mga aktibista naagalit sa kano, puro makabansang kamalayan ang gusto, matatas mag-tagalog, malalim pa sa balon kung bumuo ng kataga. Puro hamon sa gobyerno ay pagbabago. Pag pinakingan mo, aakalain mo si rizal, kaso pag tinignan mo tatak ng damit tribal. Galit-na-galit kay obama, pero ang buong pamilya ay nasa america. Matatalinong langaw, hindi alm na si tipaklong nasa new zealand, nagpapahinga. Uyyy....may almonds pa!

prime suspect
In 1937, tagalog was selected as the basis of the national language of the philippines by the national language institute. In 1939, manuel l. Quezon named the national language "wikang pambansâ" ("national language"). Twenty years later, in 1959, it was renamed by then secretary of education, josé romero, as pilipino to give it a national rather than ethnic label and connotation. The changing of the name did not, however, result in acceptance among non-tagalogs, especially cebuanos who had not accepted the selection.
In 1971, the language issue was revived once more, and a compromise solution was worked out—a "universalist" approach to the national language, to be called filipino rather than pilipino. When a new constitution was drawn up in 1987, it named filipino as the national language. The constitution specified that as the filipino language evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing philippine and other languages. However, more than two decades after the institution of the "universalist" approach, there seems to be little if any difference between tagalog and filipino.

           
-wiki “paborito” pedia.org


            Wala akong ibang makuha na right-up tungkol sa kung pano nagging national language natin ang tagalog, lahat puro ingles, kung tatagalugin ko naman to, baka tapos na ang “buwan ng wika” eh, hindi ko pa rin tapos ito.

            Sinasabing si pareng quezon ang may pakana ng lahat ng ito, porke ata taga-southern-tagalog si mokong at ka-chokarat nya ang ilan sa mga dating bayani ay ito na ang ginawa nyang pambansang lengwahe kahit na hindi naman talaga majority ng pinoy ay nagtatagalog. Bias ata ang nagging decision. Pero ayus lang dahil tagalog ako. Dahil ata ito sa malaking sakop by means of land area ng souther tagalong, kami lang ata ang region ditto sa pinas na hati pa sa dalawa calabarzon/mimaropa.
alibata

            Hindi nga naman patas na tagalong ang nagging pambansang wika natin, pano ang mga kapampangan, ilokano, visaya, waray, bikolano, tausug at ilan pa na hindi na ata napansin ng ibaba ang deklirasyon ni pareng quezon. Bias.

            Mahirap pilitin ang ilang kababayan natin na magtagalog lalo na at lumaki sila sa lugar kung san madalang pa sa tulong ng gobyerno ang pag-gamit ng tagalog. At, mas mahirap ipagamit ang salitang tagalog sa matatandang mataas pa sa eiffel tower ang ihi. Pambansang kamalayan, pinaglalaban ang wikang tagalong ngayun, pero hindi naisip dialect ng karatig probinsya.

            Ilan sa mga post ko din sa blog na to, matatagpuan mo sa ingles, bukod sa mahirap ng isatagalog ang ilang salita, eh kawawa naman yung mga taga ibang bansa na nagbabasa ng gawa ko. Oo, nasabi ko na rin dati ito. May isang tao sa malaysia ang nag babahagi ng mga gawa ko sa bansa nya, ang problema pinagkaka-kitaan nya ang gawa ko. Pero sa last na tsek ko sa site nya, wala na yung mga blog namin, siguro my nagkaso na.


            Pambansang kamalayan, sino nga ba ang tunay na mamayan?


            Red tape, massive un-employment, druglords, kotong, kurakot, kris aquino, sino pa nga ba ang gustong maging pinoy kung puro ganito ang makikita at maririnig mo sa t.v. Ilan lang ang mga yan kung bakit maraming sumpang-sumpa sa bansang ito. Ang hustisya kayang bilhin, ang artista politico, ang politico sila-sila mismo at ang mga kamag-anak ng politico ay abusado. Habang ang mga pinoy sa loob ng bansa ang sukang-suka sa bansang ito, may ilan sa labas ng bansa ang taas noong gumagawa ng pangalan para sating mga pinoy.

            Tama si bob ong ng sabihin nya sa kalat nya na bakit baliktad ang mga pilipino, “ang mga mayayaman gustong maging espanyol, ang mahihirap gustong maging kano, ang mga nasa labas ng bansa nagiging asyano.”. Walang gustong maging pinoy, wwalang gusto sa bulok na bansang ito, kung nasisikmura nila ang konsptong to ay hindi ko lang alam.

i wish it was in tegeylog...
            Pinoy ako, hindi dahil saw ala na akong magagwa o pagtyatyagaan ko nalang ito...kundi dahil ako ito. Kung sarili ko ng pagkato ikakahiya ko, sinong gago ka ang gagalang sa bansang ito? Palagay ko, isa sa dahilan ng pagiging 3rd world coutry natin ay ang kakulangan sa pagmamahal sa sariling bayan. Walang nagmamahal sa sariling bayan ang nagtatapon ng basura kung saan-saan, nangongotong, nagnanakaw sa kaban ng bayan at nangagago ng kababayan. Nahihiyang maglagay ng watawat ng pinas sa labas ng bahay, nahihiyang maglagay ng kanang kamay sa kaliwang dibdib sa pag-awit ng lupang hinirang...asan ang pambansang kamalayan? Hindi ako nagmamalinis, ilan ditto ay guilty ako, foul, pero ang itangi na pinoy ako, teka, di pa ako bangag tulad mo.

            Hindi naman lahat ng tungkol sa pinas ay puro badnews, makikita mo parin yan sa mga taxi driver na nagsosoli ng naiwang mahahalagang gamit sa kanilang pasahero, yung iba ayaw pa magpakilala. Mga taong sumusunod sa batas trapiko, gurong piniling humulma sa kamalayan ng kabataas sa lugar mo...kudos sa mga taong ito!




Pambansang kamalayan, pambansang kahalayan.
Patuloy tayung nabubuhay sa kamangmangan.



            My English mass na sa Roman Catholic. para ito sa mga pilipinong hindi marunong mag tagalog at mga pinoy na hindi maka-intindi ng tagalog. ayus ano! bukod sa English mass, naisipan narin nilang 2x mag offering. tumataas na daw ang bilihin at labas na ko sa bagay na ito.


            A priest knelt down before his god and prayed, for blessing, compassion and forgiveness. Silently he weeps for his country. He talked to his god, in Anglo-American’s native tongue. He was fluent, and he smiled at that thought. Days passed, and a news was laid before his ears and it shocked him. All of his prayer were cast down on Obama’s country, madden, he rushed towards the church altar and shouted on his god, asking him on what happened, why the hell all his prayer was given not to his poor country?

            Didn’t you hear my solemnest prayers? He asked.

 Then, his god answered:

             My son, I heard all your prayers and I love you, are you not happy with my gifts for your country?

            My country? It was Obama’s, not mine! He murmured back.

            Wait, aren’t you an American? His god asked. 

Looking down on him, his god was shocked.

             My bad, his god said... you were so fluent that I thought you were an American.





(Whosoever knows not how to love his native tongue. 
Is worse than any beast or evil smelling-fish.)


-Gat. Jose Rizal