konitsiwa!!!

I'll be back...soon.

Monday, August 22, 2011

/Təˈɡɑːlɒɡ/



            “you are not a canadian or an american, neither italian nor dutch, 
but a filipino.”


-yfc speaker


held up high!
            Malinaw, gustong iparating ng nagsasalita na ang mga nakikinig sa kanya ay pinoy. Yan ang nabungaran ko ng minsan akong magbukas ng t.v. At mapatapat sa isang religious network. Naiitindihan ko naman ang gusto nyang sabihin, kaya lang bakit nga ba lagging kailangan sa english pa natin sabihin ang mga bagay-bagay? Malaking kasalanan ba sa mundo kung magtatagalog ka sa harap ng kapwa mo pinoy? Mas “cool” ba kung english ang gagamitin mo? O baka naman, talagang  hindi marunong umintindi ng tagalog ang mga pinoy? Iba talaga ditto sa pinas...

            Nauunawaan ko, kailngan natin gumamit ng “english” para makausap ang ibang lahi sa labas ng ating bansa, pero kung andito ka lang sa pinas, at pinoy lang din ang kausap mo, maarri bang magtagalog nalang tayo? Kapwa mo pinoy ang kausap mo kapatid, hindi kano “ rock on”, aleman, frances “oui” o ingles “muffin?”.

            Matatawa ka nga sa mga halp-pinoy-halp-german-shepherd na pilit nag tetegeylog, masabi lang na pinoy, kahit barok sila magtagalog. Walang iba sa mga pure pinoy coño na kung mag-tegeylog ay parang banyaga ditto sa bansa. Mas fluent pa nga ata mag tagalog sa kanila si sakuragi...pakingan mo.

            Pero hindi rin naman ako bilib sa mga half-pinoy na umuwi sa bansa para lamangan ang mga native nating kababayan, kung tunay silang magaling dun sila sa bansa nilang pinagmulan gumawa ng pangalan. Tignan mo nlang si benjie paras, nag resign bigla sa pba, dahil puro na daw halp-pinoy at import ang manlalaro. Tinawag pa natin all-filipino conference league....ayus!

            Kung talagang magagaling sila, dun sila sa bansang pinagmulan nila gumawa ng pangalan, tas pakibati nalang ang bansang pilipinas. Wag na silang gumay kay brandon vera na sinusuka na ng ufc, sayang hanga ako sa kanya dati, kaso sa 10 fights nya 12 ang talo.



            “kaya ang mga player natin lagging talo, inuuna pa ang interview kesa practice.”


-tatay


            Hanepasyet naman talaga, puro nalang ata interview ang azkals ang nakikita ko. Masyado ng naka-focus ang pinoy kung anong ginagawa ng mga to, kesa kamusta na ang practice. Nauubos na ang oras sa interview, pag-gawa ng commercial, tv guesting. Mabuti pa nung di pa nakikilala, iisa lang ang aim, ang manalo, ngayun ang mainterview na ata. Pansini mo si mp, lagging lagari, bawat laban, pag commercial maliligo, iinum ng alaxan, magte-txt, kakain, iinum ng alak...sikat!


            Hindi naman lahat puro papogi, may ilan na talagang gumagawa ng pangalan.


            Jerome fontillas            -           swithchfoot
            Kirk hammet               -           mettalica
            Mark munos                -           ufc
            Jabbawockeez               -           alam mo na
            Super creu                    -           ganun din
            Arnel pineda                 -           journey

pinoy pride

               
            Ilan lang yan, idagdag mo sila batista, tia carerre, rob schneider, death angel at ilan pa na patuloy na gumagawa ng pangalan sa labas ng bansa, hindi ditto, para agawan ng trabaho ang kababayan mo.


            Pambansang kamalayan, pambansang kakulangan.


            Pansinin mo ang mga hapon, kahit sa mga international  interview nila, wika parin nila amng kanilang gamit. Pride? Sa mga debate, wala kang maririnig kundi “bakero!”. Kahit sa mga billboard nila, letra parin nila ang makikita mo, kaya naimbento ang logo ng mga fastfood, hindi nila pedeng baguhin ang letra, font, kulay ng kanilang pangalan, copyright ika nga, sa logo nalang sila pinagbabatayan. Ang kapatid ko sa japan, tinuturuan ang half-pinoy-halp-japanese nyang mga anak ng tagalog para makausap ko.

            Ang mga bansa sa paligid natin, pinapadala ang kanilng mga kabataan para ditto mag-aral ng english language, bragging rights? Dahil ata sa sobrang conscious natin sa lengwahe ng mga kano ay nagging english language learning centre na ata tayu ng mundo. Bukod sa fluent tayu, ay mura ang singil natin. Alam ko, dahil nagging english teacher ako sa isang korean community, 6yrs. Ago. At isa lang ang masasabi ko, pag-sila sila lang ang magkakausap, lengwahe nila ang gamit nila, hindi ingles. Idagdag mo p jan ang mga call-center at online english teacher, kaunti nalang makukuha na natin sa india ang titulo ng call cenetr capital of the world.

            Nung panahon pa ni erap, may spoke-person sya na lagging sinasabing ang gamitin natin sa pakikipagusap ay tagalog o ang wika nating mag pinoy. Jose pardo ata ang pangalan nya. Kahit daw saan o kahit sa kahit anong oras ng pakikipagusap. Kaya lang, sa lahat ng interview nya, hindi ko sya narinig magtagalog ni minsan. Hypocrite?

            Minsan matatawa  ka rin dun sa mga “di-perdibleng-pinoy”. Yung mga aktibista naagalit sa kano, puro makabansang kamalayan ang gusto, matatas mag-tagalog, malalim pa sa balon kung bumuo ng kataga. Puro hamon sa gobyerno ay pagbabago. Pag pinakingan mo, aakalain mo si rizal, kaso pag tinignan mo tatak ng damit tribal. Galit-na-galit kay obama, pero ang buong pamilya ay nasa america. Matatalinong langaw, hindi alm na si tipaklong nasa new zealand, nagpapahinga. Uyyy....may almonds pa!

prime suspect
In 1937, tagalog was selected as the basis of the national language of the philippines by the national language institute. In 1939, manuel l. Quezon named the national language "wikang pambansâ" ("national language"). Twenty years later, in 1959, it was renamed by then secretary of education, josé romero, as pilipino to give it a national rather than ethnic label and connotation. The changing of the name did not, however, result in acceptance among non-tagalogs, especially cebuanos who had not accepted the selection.
In 1971, the language issue was revived once more, and a compromise solution was worked out—a "universalist" approach to the national language, to be called filipino rather than pilipino. When a new constitution was drawn up in 1987, it named filipino as the national language. The constitution specified that as the filipino language evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing philippine and other languages. However, more than two decades after the institution of the "universalist" approach, there seems to be little if any difference between tagalog and filipino.

           
-wiki “paborito” pedia.org


            Wala akong ibang makuha na right-up tungkol sa kung pano nagging national language natin ang tagalog, lahat puro ingles, kung tatagalugin ko naman to, baka tapos na ang “buwan ng wika” eh, hindi ko pa rin tapos ito.

            Sinasabing si pareng quezon ang may pakana ng lahat ng ito, porke ata taga-southern-tagalog si mokong at ka-chokarat nya ang ilan sa mga dating bayani ay ito na ang ginawa nyang pambansang lengwahe kahit na hindi naman talaga majority ng pinoy ay nagtatagalog. Bias ata ang nagging decision. Pero ayus lang dahil tagalog ako. Dahil ata ito sa malaking sakop by means of land area ng souther tagalong, kami lang ata ang region ditto sa pinas na hati pa sa dalawa calabarzon/mimaropa.
alibata

            Hindi nga naman patas na tagalong ang nagging pambansang wika natin, pano ang mga kapampangan, ilokano, visaya, waray, bikolano, tausug at ilan pa na hindi na ata napansin ng ibaba ang deklirasyon ni pareng quezon. Bias.

            Mahirap pilitin ang ilang kababayan natin na magtagalog lalo na at lumaki sila sa lugar kung san madalang pa sa tulong ng gobyerno ang pag-gamit ng tagalog. At, mas mahirap ipagamit ang salitang tagalog sa matatandang mataas pa sa eiffel tower ang ihi. Pambansang kamalayan, pinaglalaban ang wikang tagalong ngayun, pero hindi naisip dialect ng karatig probinsya.

            Ilan sa mga post ko din sa blog na to, matatagpuan mo sa ingles, bukod sa mahirap ng isatagalog ang ilang salita, eh kawawa naman yung mga taga ibang bansa na nagbabasa ng gawa ko. Oo, nasabi ko na rin dati ito. May isang tao sa malaysia ang nag babahagi ng mga gawa ko sa bansa nya, ang problema pinagkaka-kitaan nya ang gawa ko. Pero sa last na tsek ko sa site nya, wala na yung mga blog namin, siguro my nagkaso na.


            Pambansang kamalayan, sino nga ba ang tunay na mamayan?


            Red tape, massive un-employment, druglords, kotong, kurakot, kris aquino, sino pa nga ba ang gustong maging pinoy kung puro ganito ang makikita at maririnig mo sa t.v. Ilan lang ang mga yan kung bakit maraming sumpang-sumpa sa bansang ito. Ang hustisya kayang bilhin, ang artista politico, ang politico sila-sila mismo at ang mga kamag-anak ng politico ay abusado. Habang ang mga pinoy sa loob ng bansa ang sukang-suka sa bansang ito, may ilan sa labas ng bansa ang taas noong gumagawa ng pangalan para sating mga pinoy.

            Tama si bob ong ng sabihin nya sa kalat nya na bakit baliktad ang mga pilipino, “ang mga mayayaman gustong maging espanyol, ang mahihirap gustong maging kano, ang mga nasa labas ng bansa nagiging asyano.”. Walang gustong maging pinoy, wwalang gusto sa bulok na bansang ito, kung nasisikmura nila ang konsptong to ay hindi ko lang alam.

i wish it was in tegeylog...
            Pinoy ako, hindi dahil saw ala na akong magagwa o pagtyatyagaan ko nalang ito...kundi dahil ako ito. Kung sarili ko ng pagkato ikakahiya ko, sinong gago ka ang gagalang sa bansang ito? Palagay ko, isa sa dahilan ng pagiging 3rd world coutry natin ay ang kakulangan sa pagmamahal sa sariling bayan. Walang nagmamahal sa sariling bayan ang nagtatapon ng basura kung saan-saan, nangongotong, nagnanakaw sa kaban ng bayan at nangagago ng kababayan. Nahihiyang maglagay ng watawat ng pinas sa labas ng bahay, nahihiyang maglagay ng kanang kamay sa kaliwang dibdib sa pag-awit ng lupang hinirang...asan ang pambansang kamalayan? Hindi ako nagmamalinis, ilan ditto ay guilty ako, foul, pero ang itangi na pinoy ako, teka, di pa ako bangag tulad mo.

            Hindi naman lahat ng tungkol sa pinas ay puro badnews, makikita mo parin yan sa mga taxi driver na nagsosoli ng naiwang mahahalagang gamit sa kanilang pasahero, yung iba ayaw pa magpakilala. Mga taong sumusunod sa batas trapiko, gurong piniling humulma sa kamalayan ng kabataas sa lugar mo...kudos sa mga taong ito!




Pambansang kamalayan, pambansang kahalayan.
Patuloy tayung nabubuhay sa kamangmangan.



            My English mass na sa Roman Catholic. para ito sa mga pilipinong hindi marunong mag tagalog at mga pinoy na hindi maka-intindi ng tagalog. ayus ano! bukod sa English mass, naisipan narin nilang 2x mag offering. tumataas na daw ang bilihin at labas na ko sa bagay na ito.


            A priest knelt down before his god and prayed, for blessing, compassion and forgiveness. Silently he weeps for his country. He talked to his god, in Anglo-American’s native tongue. He was fluent, and he smiled at that thought. Days passed, and a news was laid before his ears and it shocked him. All of his prayer were cast down on Obama’s country, madden, he rushed towards the church altar and shouted on his god, asking him on what happened, why the hell all his prayer was given not to his poor country?

            Didn’t you hear my solemnest prayers? He asked.

 Then, his god answered:

             My son, I heard all your prayers and I love you, are you not happy with my gifts for your country?

            My country? It was Obama’s, not mine! He murmured back.

            Wait, aren’t you an American? His god asked. 

Looking down on him, his god was shocked.

             My bad, his god said... you were so fluent that I thought you were an American.





(Whosoever knows not how to love his native tongue. 
Is worse than any beast or evil smelling-fish.)


-Gat. Jose Rizal

Tuesday, August 16, 2011

Last chapter.

fucking operation review
            
  

            Siguro last chapter na ito sa kwento ng kabalbaalan ng store ko..kahit papano, may napatunayan ang mcdonalds sa’min. Oras na para baguhin ang persepsyon ukol sa trabaho ko, sa kumpanya ko. Hindi rin pala lahat kami ay makasarili. Salamat sa mga nakasama ko.

            Finally natapos din ang FOR (full operation review) ng store namin. Matapos ang ilang araw na patayang schedule, pinturang naubos, kamay na nasugatan, pagkain nalipasan..eto na kami, tapos at umaasa na higit sa passing rate ang rating. Pasado naman kami, kaso dapat dilang basta passing rate..at maipagmamalaki ko na hindi kami basta pumasa, ramdam kong mataas kami sa cleanliness! Pagod, puyat, kulang pa para maisalarawan ang ginawa namin para lang maihanda ang aming store sa nasabing pangyayari.

            Natanung ako ng isang katrabaho, bakit daw pursigido akong mag-pull-out gayung tinitira ko din naman daw ang store, ang mga bulok at baho. Plastic? Siguro eto ang nasaisip mo, kaya lang, sa personal kong opinion, ang baho ng store ay baho ko din. Hindi ako tulad nila joma sison na puro kontra sa gobyerno pero walang inihahain na solusyon, mayron man, pang kasarilan lang, wag nalang. Isang magandang halimbawa si mirriam defensor sa bagay na ito. Paborito?

            Kung bumagsak ang 234, hindi naman si S’ Rey lang ang mapapahiya, hindi lang naman 234 ang mukhang baluga, hindi lang yung mga kupal na manager ang tamad...lahat tayu kahiya-hiya. Oo, ako mismo ang nagsabi na tayung mga crew ang nagpapakahirap, pero management team ang nakikinabang, pero ibang bagay muna ito, lahat tayu damay ditto, lahat tyu mapupulaan, lahat tayu parte nito.
things do change...

            Kahit pagod at puyat na kami, pilit namin tinatapos ang mga dapat tapusin, sabagay kung tutuusin, hindi kayang tapusin sa loob ng 3nights ang dapat ginagawa buong taon. May pagkukulang ang manager, kapabayaan ng mga maintenance, kabalasubasan ng crew, kabaratan ng may-ari at katusuhan ng iba,sino nalang ba ang walang sala?Si chammar na makatarungan? Kung patuloy kaming magiging masipag kapag malapit na ang FOR, malamang na magpapaulit-ulit lang ang ganitong eksena sa trabaho. Matanda na ang mga equipment namin, di naman siguro to literal na “built to last”. Siguro, bukod sa proper maintenance, kailangan din ng gamit namin ng malasakit, kahit na walang malasakit ang mga hinayupak samin mga crew.

            Paminsan-minsan makikita mo rin naman ang malasakit ng crew-sa-kapwa-nya-crew. Isang magandang halimbawa ditto ang pagmamalasakit i-uwi ang mga naiwang bull cap at apron. Kung panong ang mga payong na naiwan ng katrabaho ay itinatago sa bag. Malasakit.

fuck!fuck!fuck!
            Last chapter na to, pero di ibig sabihin titigil na ko sa mga sinasabi ko, na magiging mabait na ako sa sa pagkakataon na ito. Hindi, dahil ang paperl ng blog na ito ay magsalita para sa mga piping katrabaho ko na nakukuntento nalang sa pag-uusap sa dilim sa likod ng mga halimaw at minsan sa kapwa nya hypocrite.

            Sayang, maganda ang ginawa ntin nung FOR, personal tayung kinakausap ng mga manager para sa dapat gawin, ng pumasa tayu “di ko kasi to natapos nung unang gawin ko ito”, mga tropa nalang ang tinawagan para pasalamatan. Paking-syet, sa hirap sama-sama nanaman tayu, sa ginhawa, kayu-kayu lang.

            Hangat may crew na malakas sa loob, palagay ko malabong gumanda ang shift natin.

            Nag-trainig si marvin para sa bagong CHX-FILLET, pero ayaw gawing CHX-EXPERT.

            Pasok sa oras si carrel sa OJT, pero pag Sunday lang sya naka OJT SHIFT.

            Hangat bawal ma-xtend ang mga tropa, hanagat bawal mag close ang mga punyeta,           hangat my tsu-tsu na sa atin ay nagbebenata, malayu parin tayu sa sinasabi ni liza na global standard,

            May crew-chief tayu, pero wala tayung team-leader

            May lsm rally tayu, pero wala tayung team building

            May rap-session tayu kung san pili lang pede mong sabihin.

            Wala tayung open forum, laglagan session meron.

what the fuck!
            Nito lang, naalglag ang flag-sign natin kay darwel, salamat daw at si darwel lang ang nalaglaggan. Tama ba yon? Sino nga ba ang may sala, si ian na nag lock ng mga screw? O kami na hindi siniguradong tama ang kabit ni ian?
           
            Team work 101 : lahat tayu ilagay sa I.R. “si ian ang may sala”, yan ang team work.

Wednesday, August 10, 2011

The root of all evil...

go away!




Lfo:

            Darwin : ano ba naman yang ingay na yan? Pang dimonyo!
            Ako : pakirmdam siguro ni darwin nasa impyerno na sya.
            Al-john: ngisi! Bakit darwin pakiramdam mo nasa impyerno ka?
            Ako : hehehehe


            Madamiung uri ng musika. May classical “para sa matatalino, tulad mo”, pop “para sa maka bago”, rock “para sa tulad ko”, hip-hop “para sa mga walang pangarap”, jazz “trip ko ngayun”, instrumental at kung ano-ano pang mga klase ng musica na maari mong madinig. At, lahat yan ay may kanya-kanyang sub-genre pa. Kahit sa pagtotono may pinagiba pa din ang dalawang panig ng mundo “eastern/western” sa pamamaraan ng pagtotono, ang tanging pinagtagpuan nila, ang frequency level na 440h, o mas kilala sa tawag na La o ang A note. Ang mga ginagamit ngayun ng mga musikero na electronic tuner ay naka-program parin sa 440h, kaya hindi ka magkakamali sa tono anu mang tono ang gagawin mo... Wag mo lang pag-pilitan patunugin ng sobrang baba ang gitara mo, “kaya may drop 6 na gitara ang yamaha” o pilitin tug-tugin ang linkin-park sa standard drop-d tuning, dahil magmumukha ka lang gago, naka drop c# sila o mas mabuting sabihin na nakatono sila sa pagitan ng 385h – 400h”. O “pilitin kapain pa ng standard tuning ang iris, dahil sasabog lang ang kulangot mo”.

disbanded
            Music soothes our empty soul; it washes our sorrow together with grief and comforts our heart from its everyday struggle, it gives us a piece of sanity and at times a ray of light.

-kuto

             Ano man ang pinapakingan mo, sigurado may uri ng musika na nagpapagaan sa pakiramdam mo. Ang mga “broken hearted” ay may “emo”, ang mga “gangster” ay may “rap”, nakikisalo ang mga “pekeng-emo” (mga emo na mag bf/gf)  sa “lovesong” ng mga “lovers”, at ang mga adik daw ay “rock”.

           
            Science 101: decibel

            The decibel (db) is a logarithmic unit that indicates the ratio of a physical quantity (usually power or intensity) relative to a specified or implied reference level. A ratio in decibels is ten times the logarithm to base 10 of the ratio of two power quantities.[1] a decibel is one tenth of a bel, a seldom-used unit.

            The decibel is used for a wide variety of measurements in science and engineering, most prominently in acoustics, electronics, and control theory. In electronics, the gains of amplifiers, attenuation of signals, and signal-to-noise ratios are often expressed in decibels. The decibel confers a number of advantages, such as the ability to conveniently represent very large or small numbers, and the ability to carry out multiplication of ratios by simple addition and subtraction.

goodbye! nice to know you!
            The decibel symbol is often qualified with a suffix, that indicates which reference quantity or frequency weighting function has been used. For example, dbm indicates that the reference quantity is one milliwatt, while dbu is referenced to 0.775 volts rms.



            The definitions of the decibel and bel use logarithms to base 10. The neper, an alternative logarithmic ratio unit sometimes used, uses the natural logarithm (base e).




            The decibel originates from methods used to quantify reductions in audio levels in telephone circuits. These losses were originally measured in units of miles of standard cable (msc), where 1 msc corresponded to the loss of power over a 1 mile (approximately 1.6 km) length of standard telephone cable at a frequency of 5000 radians per second (795.8 hz), and roughly matched the smallest attenuation detectable to an average listener. Standard telephone cable was defined as "a cable having uniformly distributed resistance of 88 ohms per loop mile and uniformly distributed shunt capacitance of .054 microfarad per mile" (approximately 19 gauge).


            The transmission unit (tu) was devised by engineers of the bell telephone laboratories in the 1920s to replace the msc. 1 tu was defined as ten times the base-10 logarithm of the ratio of measured power to a reference power level. the definitions were conveniently chosen such that 1 tu approximately equaled 1 msc (specifically, 1.056 tu = 1 msc). in 1928, the bell system renamed the tu to the decibel. along with the decibel, the bell system defined the bel, the base-10 logarithm of the power ratio, in honor of their founder and telecommunications pioneer alexander graham bell. the bel has seldom been used, as the decibel was the proposed working unit.

theatrics 
            The naming and early definition of the decibel is described in the nbs standard's yearbook of 1931.


-wikipedia.org

            Decibel, eto yung sukat ng lakas ng tunog na naririnig natin. Ang pangkaraniwang usap ay may 50-70db. Ang pinakamahinang tunog ay maaring may 0db habang ang bulong ay may tinatayang 30db. 95db ang maximum na level na kayang tangapin ng ating mga tainga.. Kapag humigit pa ditto ay hindi na kayang tangapin ng ating mga tainga at maaring magresulta sa pagka-bingi. Ang motor ay may 100db, ang dumadaan na subway train ay saktong 95db at ang isang rock concert ay may 490db “ nadidinig mo pa ba ako? Joke lang, nasa 115db lang naman tayu, kaya wag kang mag-alala. Pero walang tatalo sa rap conert na pumapalo ng 995db. 950db ditto ay mula sa “boooooo” nang nabwisit na attendees,at yung natitirang 45db ay mula sa paos na rapper. Joke lang ulit.




            Rnb, kung nabubuhay ka sa panahon ngayun, malamang ang alam mong ibig sabihin nito ay rap and ballad “tsk...boring”. Mga rapper na tad-tad ng bling-bling na walang alam sa pagawa ng mtv kundi mga halos hubad ng babae, gayung ang mukha nman nung rapper ay matino lang ng kaunti sa obnoxious. tulad nila usher na pilit gumagawa ng lovesong mula sa rap, sabagay ito ang patok sa mga negro ngayun. idagdag mo pa sila Justine bibe, malapit na talaga ang end of the world. Oo na, kanina ko pa tinitira ang rap. Nakikinig din naman ako sa kanila..at ginagalang ang ilan. Si Marshall Matter kahit nagmumura ay may semse ang sinasabi, ang late king of rap ng pinas na si master francis ay tinawagan nang patriotic rapper, dahil sa patuloy nyang pagawa ng kantang nagmamalaki tungkol sa bansang tinawag nyang 3 stars and a sun. Si gloc 9, karl roy, ian tayao, jamir garcia na nag merge ng rap sa rock at ilang rap-metal na humahabol sa pagawa ng mga piyesang may-say-say, bukod sa kanila, puro na ata mura pera, sex ang alam sabihin ng iba. Subukan mong manuod ng flip-top!

3 stars and a sun.
            Babaeng halos hubad na, alak, kotse na naka lowered, bling2, san mo pa ba ito makikita ng sama-sama at paulit-ulit. Minsan naisip ko kung eto lang ba talaga ang alam nilang concept o sadyang mabenta ang idea na ito. Bastos na salita, puro mura, bastos na pakikisalamuha sa babae, ano pa nga ba ang aasahan mong pananaw sa mga nihilista? Magtataka ka pa ba bakit hindi si andre e. Ang master rapper?



Dahil sa pangungulila habang nasa isang lakbay-dagat na byahe noong February 2009, naisulat nila Brooklyn natives Angela Hunte and Jane't "Jnay" Sewell-Ulepic ang kantang “empire state of mind”, isang sikat na Kanata na matapos silang tangihan ng ilang tagakinig at naka tangap ng ilang pangit na reaksyon, isang taga EMI record ang nag suhestion sa kanila na ipadala nila kay Shawn Corey Carter, isang rapper/record producer/entrepreneur at mas kilala sa tawag na Jay-Z dahil ito daw ay tila isang omen. Matapos mapakingan ang kanta, agad ni-record ni Jay-z ang kanta. Binago lahat ng lyrics subalit itinira ang hook at groove ng mismong kanta. Sa naunang usapan si hunte mismo dapat ang kakanta ng parte ng mismong awit, subalit ng tanungin ang dalawang compositor kung may iba pa silang nasa isip na maaring kumuha ng parte, si Alicia keys ang sinuhestyon ni hunte. Nagging suhestyon din si mary j bilge, kaso dahil sa keys sa part ng chorus, si Alicia ang napili

            Narinig mo na ang kantang yan, kahit ako nagagandahan sa areglo nito. Napapakanta sa chorus, at napapa tango sa tyempo, kaya lang ng mapa kingan ko mismo ang rap ni kalbo, may isang parte na nakaka- insult, saying, magandang musika, kaso nakaka-ungas ang binibitawang salita, sap unto palang na ito, wala na ata talagang pag asa ang hip-hop sa munado...kaunti lang.

ozzy
            20hz-20,00hz ang kayang madinig na frequency ng tao. Habang ang aso ang 40hz-60,00hz at ang mga paniki ay 60hz-120,00hz. Ang tawag na sa mga mga ito ay ultra sonic. Kaya yung mga pilit umiintindi ng salita ng mga aso sa palagay ko ay gifted. Sila yung may mga mapag-kumbabang puso, biruin mo, tayung mga tao ang pinakamataas na uri ng nilalang ditto sa lupa, imbis na sya ang abutin ng mas mababa ay lumalayu na tayu sa topic ko.hehehe

            Hindi naman lahat ng basura ay rap, mga 90% lang! Yung natitirang 10% ay pinagsalu-saluhan nina april boy, ai-ai delas alas, salbakuta, piolo sam milbi at echo. Di ko lubos maisip pano nagkaron ng album ang mga yan eh ni wala nga atang tino sa katawan ang mga yan. Si april boy, makikipagpatayn para sa isang kanta na ninakaw nya lang sa mga hapon. Si ai-ai ang kumanta ng “tanging ina nyo”. Isang bwisit na kantang patok kahit sa mga matatanda. Nakakatawa, habang pinagbabawal ng matatanda ang kantang halik ni hudas, pinapayagan nilang kumanta ang apo nila ng “tang-ing-na-nyo!”, bawal ang saydie, pero pinapayagan nila yung “bakla nalang ang aking iibigin...erick?”. Ayus sa olrayt! Ang masasabi ko lang kay ai-ai...mo rin!
            Para sa mga matatanda ang rock music ang musika ng mga dimonyo, sa conservative baptist ang drums ang instrument ng dimonyo. Kung sino mang mga praning na suminghot na isang kilong breader ang nakaisip nito, malamang, wala sa bara kung kumumpas to...epol? Pano pa pag nadinig ng mga ito pumalo si jed? Kung dahil sa distorted na gitara, halimaw na boses na minsan growl, o sa halimaw na palo ng drums kaya nila nasabi ito, malamang walang pamaypay sa pupuntahan nila.

yeah!
            Rock 101:

            Rock music is a genre of popular music that developed during and after the 1960s, particularly in the united kingdom and the united states. It has its roots in 1940s and 1950s rock and roll, itself heavily influenced by rhythm and blues and country music. Rock music also drew strongly on a number of other genres such as blues and folk, and incorporated influences from jazz, classical and other musical sources.
may sayad talaga to!

            Musically, rock has centred around the electric guitar, usually as part of a rock group with bass guitar and drums. Typically, rock is song-based music with a 4/4 beat utilizing a verse-chorus form, but the genre has become extremely diverse and common musical characteristics are difficult to define. Like pop music, lyrics often stress romantic love but also address a wide variety of other themes that are frequently social or political in emphasis. The dominance of rock by white, male musicians has been seen as one of the key factors shaping the themes explored in rock music. Rock places a higher degree of emphasis on musicianship, live performance, and an ideology of authenticity than pop music.


            By the late 1960s a number of distinct rock music sub-genres had emerged, including hybrids like blues-rock, folk rock, country rock, and jazz-rock fusion, many of which contributed to the development of psychedelic rock influenced by the counter-cultural psychedelic scene. New genres that emerged from this scene included progressive rock, which extended the artistic elements; glam rock, which highlighted showmanship and visual style, and the diverse and enduring major sub-genre of heavy metal, which emphasized volume, power and speed. In the second half of the 1970s, punk rock both intensified and reacted against some of these trends to produce a raw, energetic form of music characterized by overt political and social critiques. Punk was an influence into the 1980s on the subsequent development of other sub-genres, including new wave, post punk and eventually the alternative rock movement. From the 1990s alternative rock began to dominate rock music and break through into the mainstream in the form of grunge, britpop, and indie rock. Further fusion sub-genres have since emerged, including pop punk, rap rock, and rap metal, as well as conscious attempts to revisit rock's history, including the garage rock/post punk revival at the beginning of the new millennium.

pinoy pride!
            Rock music has also embodied and served as the vehicle for cultural and social movements, leading to major sub-cultures including mods and rockers in the uk and the "hippie" counterculture that spread out from san francisco in the us in the 1960s. Similarly, 1970s punk culture spawned the visually distinctive goth and emo subcultures. Inheriting the folk tradition of the protest song, rock music has been associated with political activism as well as changes in social attitudes to race, sex and drug use, and is often seen as an expression of youth revolt against adult consumerism and conformity.
            Wikipedia.org

            Pinaniniwalaan na isa sa pinagmulan ng musikang rock ay ang tinatawag na blues, isang sub-genra ng rock na namula sa mga negrong nagmula sa africa. Mula ditto, sumulpot ang ibat-ibang genra pa at sub genra na kinalaunan ay may fusion pang tinatawag. Pero, lahat ata kaming gitarista, kahit san magpunta ay bumabagsak sa iisang scale pag kailangan nanamin mag-aral ng basic foundation at yun ang blues.

animals as leaders
            Kung susumahin, napakaraming genra pa ng rock para maipagkumpoara mo silang lahat. May metal “bullet for my valentine”, nu-metal “linkin park”, punk “billy idol”, punk-pop “green day”, alternative “ r.e.m.”, heavy metal “ iron maiden”, goth-rock “evanescence”, blues “eric clapton”, electronic “incubus”, psychedelic “hendrix”, prog-metal  “dream theater”, shred “vai”, emo “story of the year”, scremo “silverstein”, grunge “nirvana”, thrash-metal “death angel”, glam “ skid row”, theatrics “kiss”, christian-rock “collective soul” at kung ano-ano pang mga sub-genre.

             At syempre, kung may foreign act, may pantapat sa mga yan ang pinoy : metal “valley of chrome”, alternative “stone free”, nu-metal “slapshock” psychedelic “rj jacinto” hehehe (oo, lam ko blues yang ago nay an, kaso lakas trip yan, marami kasing pera.) At kung sino sino pang pinoy rockband na gumagawa ng matinong pangalan. Ang wolfgang nag ost sa final fantasy, ang greyhounds sa the ring eng. Version. Ang slapshock nakasama na ng ibat-ibang sikat na rockband sa mundo, panuorin mu nalang ang dubai rock fest. wala pa jan ang urbandub na hindi makategorize dahil malupit talaga at ang bamboo na watak na rin...hijo?

            Kadalasan, 4-pice o quartet ang mga rock band “led zeppelin” na my heavily distorted guitars at tight jeans “gnr”. Kadalasan, nagfo-focus ang isang rock music sa isang mabigat na solo ng lead guitar. Sabi ng isang music mag na nabasa ko dati, sa solo lead mo daw malalaman kung sino ang bata at matured na sa tugtugan.

            Solo lead tips : call and answer... Bahala ka na mag isip anu yan.

is this the beginning of our last dance?
            Pero hindi lang rap ang may sayad sa pag-gawa ng music video, dahil pag rock ang gumawa, mamili ka na sa ditto kunbg alin makikita mo: tight jeans, sobrang itim na make up, mosh-pit o basta doomsday na tema.

            Angst, hate, end of the world, animosity, emo, anti christ...yan na ata ang mga kadalasang lyrics ng mga rock music. Reflecting on our entire mistake, kaya lang hindi talaga maintiundihan ng matatanda. Hindi rin naman ako pabor sa mga anti-christ na puro si satan nalang ang alam sambahin. Sila yung mga nasasayang na tupa.

hell yeah!
              Hindi naman lahat ng kantang rock ay malungkot, minsan gumagawa rin sila ng mga matitinong lyrics, ang  mettalica may “nothing else matters”, may “stay together for the kids” ang blink 182 at “the kids aren’t allright” ang offspring. Marami pang rock band ang minsan ay gumagawa ng saysay sa kanilang lyrics..yan l;ang pinapakingan mo, kung mauunawan mo lang ang lahat ng sinasabi nila, maingay pero may kabuluhan.

            At kakalimutan ko pa ba ang mga christian contemporary rock band na hindi mo napapansin na may tinatanim na sa puso.

                         Who am i?
                        That the lord of all the earth,
                        Would care to know my name,
                        Would care to feel my hurt.
                        Who am i?
                        That the bright and morning star,
                        Would choose to light the way,
                        For my ever wandering heart.

             Isa ang casting crowns sa mga cristian bands na matagumpay sa larangan ng musikang tinatawag na contemporary o sa madaling salita ay popular ngayun. Minsan nadinig ko sila sa fm radio na pinapakingan ng nasakyan kong jeep. May ilang sumasabay pa sa pagkanta nito. Nakakatuwa din naman malaman na nakakapasuk na sila sa ganitong mundo.

take all of me.
            I am a flower quickly fading,
            Here today and gone tomorrow,
            A wave tossed in the ocean,
            A vapor in the wind.
            Still you hear me when i'm calling,
            Lord, you catch me when i'm falling,
            And you've told me who i am.
            I am yours.
            I am yours.






                At hindi lang sila ang nakapsuk sa mundo ng musila sa mundo, dahil kahit ang kilala mong switchfoot ay christian-rock-band din. 12 stones, skillet, flyleaf at ihabol na rin natin ang gumawa ng kinakanata mong “never say never” na the fray. Nga pala, ang sikat na si mc hammer isang born-again-christian, nabasa ko sa lumang edition ng readers digest.
                       
            Hindi ko talaga maisip bakit galit na galit ang ilan sa mga rock music, dahil ba sa ingay nito, o di lang talaga nila trip ang musika ko? Hindi ka pedeng making ng megadeath, pero ayus lang kung si elvies, diba nila alam na minsan sinabi ni elvies na sya mismo si big d? Di ka pede making ng kamikaze pero kumakanta sila ng pyramid ni charrice, gayung alam ng mundo na kanta ng pagan na ang awiting ito.
           
huh?
            Stereotyping ang nangyayari sa tuwing iisipin natin na pang dimoyo ang rock music, gayung hindi rin naman. And just for the record, music was made by lucifer himself. Kahit ako sa ginagawa kong pag-balankas sa iisang patern ang mga rapper ay stereotyping “kiss my ass”. Hindi na ata ito mawawala sa ating lipunan, tinitignan lang natin ang gusto natin at pinapakingan ang maganda sa tainga natin. Pero kahit kelan di nyo pedeng sabihin na kapag maingay sa dimonyo na. kahit ang cmybals ng dums may iba-ibang tawag at gamit.

            Kung napanuod mo sa pelikulang “little nicky” yung part kung san pinipilt nung dalawang gago i-back-mask yung kanta, pinakita ni adam sandler na yung kantang sikat ng Chicago ang mas magandang i-back mask.



            -If it’s too loud, you’re too old.