konitsiwa!!!

I'll be back...soon.

Monday, November 22, 2010

Stay...









































       Pag-masdan mo ang mga larawan. Kahit kupas na, pilas o sira na, ay patuloy paring nakangiti ang mga tao sa loob nito. Patuloy na mag-kakasama. Minsan, na-isip ko, sana ganito din tayung mga tao. Yung tipong kahit anong hirap ang dumating, kahit anong sakit, yun tipong kahit anong pagsubok ang harapin, parang pelikula na hangang sa huli, mag-kakasama padin. Sweet. Maxadong malayu nga lang sa katotohanan.

            Matapos ata ang isang taon, muling pumasok sa isip ko ang bagay na ito, dapat nga ba tayung maging tulad-ng-mga-larawan? Kung sira na ang lahat, kung wala na ang pundasyon ng samahan, dapat pa ba tyung manatili at piliting ngumiti? Mahirap na ata ito. Para kayung namamangka ng pasalubong sa  malakas na agos. Kahit anung pilit nyo, mapapagod at mapagod din kayu..kalaunan, matatangay na din kayu sa lugar na iniwasan nyo. Naiintindihan ko, napapanatili nito ang saya sa imahe ng mahabang panahon, kahit na dumaan ang hindi mabilang na mga taon, patuloy parin ito sa pag-ngiti, kahit na ang lahat ay sira na. Minsan, may mga bagay na hindi nakikita ng mata, at kadalasan ay nabubulag tayu ng mga bagay na ating nakikita.

            Ewan ko. Pero sa palagay ko, ‘wag na tyung gumaya sa mga litrato. Kung hindi na tayu masay, sira na ang tiwala. Huwag nating itali ang sarili natin sa bagay na hindi na tayu napapasaya. Gamitan na kung gamitan, pero hindi dapat tayu mabuhay sa habang buhay na utang-na-loob. Huwag nating ikulong ang sarili natin sa mundong hindi na tayu makahinga. Mahirap yan. Parang alak lang yan, mas pinatagal mo, mas malakas ang tama. Nothing is constant but changes and everything is forgotten in the passing of time. Walang masama sa paglisan, basta siguraduhin mo lang na mas magiging maayus ka sa lugar na iyong lilipatan. ‘wag nating pigilan ang sarili, kung hindi talaga tugma, wag nang ipilit.

            Lagging nasa huli ang pagsisisi, kung may oras pa para bumaba sa banking sinasakyan mo, bumababa ka na. Kung kinakailangan mong tumalon para lang maka-alis, gawin mo. sumugal ka. Walang nakaka-alam sa kung anung epde nitong kahinatnatan. Pero kung hahayann mong tangayin ka nalang ng hindi mapigil na agos patungo sa isang nakakamamatay na talon, para mo na ring inalis ang sarili mong desisyon. ‘ wag mong hayyang panahon ang mag-desisyon. Hindi kapit ng tadhana ang hinaharap mo, pakingan mo ang iyong puso, at sundin ang iyong isip. Ikaw lang ang tanging magdedesisyon. Tandaan, Hindi mo na kayang pigilan ang tae mo kung nakaupo ka na sa bowl, pag nagawa mo  to, hahalikan ko ang tumbong mo. Pangako.
 
            Habang ginagawa ko to, aksidenteng nakita ko ang litratong ito. Nakakatawa, dahil sa dami nga naman ng tao sa mundo, hindi malabong magkaperahas nag nararamdaman nyo, ang pedeng maging pananaw nyo. Ang magiging pinag-iba lang, ay kung sinong may bayag para sundin ang pananaw nya.





            

No comments:

Post a Comment