all must turn to dust |
Naranasan nyo na ba masunugan? Yung literal na masunugan ng bahay? May na-isalba ka ba? May nakuha ka pa ba kahit isang pantalawal lang, o kasama ng panagarap mo ay natupok din ng nagbabagang apoy?
Waaaaaaaaannnnggggggggggg!!!!!! Ang biglang sirena ng truck ng fcymaa, may sunog nanaman ang nasabi ko. San kaya yun? Malapit lang ba o malayu? Malas....yun siguro ang masasabi ng taong nasunugan. Nag-post pa ko sa wall ni jojo “bfp-scl” kung san ang sunog, yun pala katrabaho ko ang nasunugan. Nakakalyungkot, peor minsan kapabayaan din ang dahilan. Anut-anu man, talo ang masunugan. Sabi nga ng matatanda...di bale ng manakawan wag lang masunugan, kaya kalimitan sa ninankawan nung panahon nila, pinapapatay.
an animosity |
Nakaklungkot isipin na katrabaho “ o mas mayus sabihin na kaibigan/sangang dikit” mo ang nasunugan. Sa dami naman ng pedeng malasin sila pa. Sabi nga ni tito ed “ wala na nga sila’ lalo pa silang nag-hirap.”. Malas talaga. Kahit na second hand story lang nag nakarating sakin, ramdam ko ung lungkot sa bawat letra ng binitawang salita. Kahit na sabihin kong ramdam ko yung lungkot at sakit, alam ko iba parin yung pakiramdam nung ikaw talaga masunugan,..at hindi ako magpapa-ka-hypocrite para sabihin na nauunawan ko ang nararamdaman ni tito ed, pero may kakayahan ako na magsalita ng pananaw ko.
Siguro iniisip mo, para san pa nga ba ang blog na to, at bakit ganito ang title ko at napahinayupak ko talaga, bakit mga nakatawa pa ang litrato sa unahan nito. Gago kasi ako.
burned up |
Tapus na yung sunog, may naisalba man o wala, ang mahalaga siguro kumpleto ang pamilya para bumangon ulit. At anung silbi ng kaibigan kung hindi nila ito tutulungan. Naiinis ako dahil ramdam ko walang kilkilos samin sa 234 para tulungan si tito ed, ilan kami din, di namn siguro ganun kabigat sa bulsa para tulungan naming si tito ed. Sakin personally, tambak ako nang babayaran ngayun swelduhan, naka sanla pa mga cp ko,laki na nang utang ko sa globe... Pero mas nangangailangan ng tulong namin si tito ed. Isantabi mina natin ang personal; na pangangailnagn, tulunagn muna naming si ed, higit pa to sa namatayan, dahil, lahat tayu mamatay sa pagtanda.
Sa maraming pagkakataon, lagging huli ang bumbero ng pagsanjan, minsan maaga silang rumisponde, kaya lang walang tubig ang fire truck. Hindi to basta speculations at accusations lang. Bumbero si jojo kaya nai-kukuwento nya sakin ang mga ito..and let us not forget the incident where i was one of those who rush to their local fire station only to find an empty room. Think about this, may tinatawag ang mga bumbero na fire level, kadalasan malaki ang sunog kaya pati ang kalapit bayan ay rumirisponde rin, pero bakit nga ba? One word....late. Kung duda ka sa sinasabi ko, obserbahan mo, sunugin natin yung fire station nila...then you’ll see, wala ni isang mamatay sa kanila, kasi wala ni isa sa kanila ang nasa loob nito.

Gaanu man kalaki yung apoy, ganu man karami yung nasunog na pangarap...may mas makapang-yarihan pa dun. Ganu man kalungkot o kasakit ang sitwasyon, may bagay paring mag-papagaan n gating loob, bukod sa pag-asa na kailan man ay hindi nawawala, wag natin kalimutan ang pag-mamahal namin sa kaibigan. Sa paulit-ulit na pag-bitaw ko sa mga salitang ito, isa lang lagi ang pinupunto ko, “ di man kita matulungan, di naman kita iiwan.” Kumilos ka 234...
we are one |
No comments:
Post a Comment