Putik, lintik na putik talaga yan..matapos kaming malubog sa baha nung bagyong ondoy, ay binalahura naman kami sa putik ng bagyong. Hindi ata nakunteto si inang kalikasan sa parusa sa mga tampalasan nyang mamaya. Akala naming, sapat ng sakuna ang dinulot ni ondoy saming bayan, yun pala ay inihanda nya lang pala kami para sa kanyang one-night-devastating-asault. Hindi pa manlang nauubos ang baha ditto sa Santa Cruz, Laguna nalubog nanaman kami, this time ang saya may mud. Lahat, ultimo ang national highway anmin ay nagmistulang irrigation dahil sa taas at lakas ng daloy ng tubig baha. Lahat kami nasalanta, lahat kami nalubog sa putik, ang hindi ko lang alam kung lahat kami nawalan ng pag-asa.
Hindi lang naman kaming mga taga-capital ang nasalanta, almost 80% ng laguna ang dumanas ng poot ni Gaea. Mula sa naputol na tulay ng luisiana, sumabog na dam ng majayjay, nasirang kalsada ng pagsanjan, putik na lumamon ng buo sa Santa Cruz hangang sa bay na nalubog din sa tubig mula sa lawa ng laguna, At hindi lang laguna ang minalas mapalo, pati mga karatig probinsya ditto sa CALABARZON ay kasama naming gumulong sa putik. Kung tatanungin mo ako tungkol sa SM papanga ay din a kita masasagot, bukod sa alam kong nalubog din ito sa baha, ay wala na, labas na sa jurisdiction ko yan. Bukod pa yung nangyari sa Marikina at iba pang lugar sa maynila, at kung iisipin mo panung pati ang baguio ay nalubog, eh baka maubos na oras ko sa kaka-review at research...sa ngayun focus muna tyu sa laguna, particular sa’king bayan.
Sira ang tulay ng santo anghel central, ang palenke nalipat sa plaza, toni-toniladang putik, nasirang istasyon ng mga bumberong intsik, black-out ng ilang buwan “pero may electric-bill” padin, maga nasirang bahay, at ang proyekto ni egay na nagging dahilan pa ng tuluyang pagbaha. Mga panindang nag mud-bath, bahay na imagos sa ilog. Lahat na na-frustrate sa nangyari saming bayan. Lahat bumagsak halos ang kabuhayan, maliban sa mga food chain, tricycle driver at bulante na nakinabang sa pagkakalipat ng palenke sa plaza.
Hupa na ang bagyo ng nakauwi ako sa bahay. Puro putik nalang at alikabok ang natira. Madaming tao sa kalsada, naglilinisn nagwawalis, nag-aalis ng hinayupak na putik. Naghintay pa akong umayus ang pakiramdam bago kumilos pauwi, “ na dali kasi ako ng hi-fever habang binabagyo tyu”. Yung ilang kong nakaksalubong ngtatawanan, yung iba problemado na, yung iba namangha sa itsura ng ilog sag awing hilaga, wala na kasi ang tulay ng santo anghel sa kanyang kinalalagyan, natangay ito sa biglang bulusok ng putik dahil sa pag-sabog majayjay at calumpang dam..at dinamay pa nito ang bahay bumbero. Si ama, umaga nadin nakauwi, inabot sila sa bus pa-uwi galing Los Banos. Pero ganu nga ba kami nasalanta?
Ako mismo, maraming gamit ko ang nasalanta, damit, appliances, bahay, furniture, at kung anu-anu pa. Nalungkot ako, pero mas nalungkot ako ng makita kong nalubog ang mga collection ko. Hillsong cd’s, Pulp magazines, guitar edge, metal at kung anu-anu pang music magazines na kinokolekta ko. Dun talaga ako nasakatan, garabe ko sila ingatan, lumuluwas pa ko ng manila just to purchase the latest coppies...ang malupit, yung mga cover sleeves ng mga cd’s ko. Tsk.idagdag mo pa ang tribal gear shirts ko na naligo sa putik. Salanta ang napala ko. Ang nasa isip ko lang nung mga oras nay un, bibilhin ko lahat ulit ng unti-utni ang nalubog kong collection...sabi ng x ko, yun daw talaga ako, perceptive.
Ilang buwan din kaming nagtiis sa pagkakalubog sa putik, aminin man ng mga taga ditto at hindi, iba ang nagging epekto nito sa bawat isa. Kung napansin mo kahit san ka magpunta lahat sasabihin, walang pera dahil sa baha, pero ang laki ng benta naming ng mga panahon na’yun. Pati pasko at bagong taon non matamlay, walang kinita ang mga bata, noche Buena naming patay na bata..na trauma at ang aking mga kababayan. Malungkot, pero eto ang katotohanan. Walang ni isang nakapaghanda sa sakuna. Sinong dapat sisihin, ang maganda lang alam ng tao na bagsik ito ng ina, kaya walang magagawa.
Matapos ang isang taon mula sa pangit naming karanasan, kita ko saking mga kbabayan ang pag-bangon at pagnanais na ibaon sa limo tang nasabing trahedya. Hindi maipagkakaila ang nagging pagbabago sa ugali, pananaw ng mga kababayan ko. Hindi nila hinayaan na magmukmok nalang sa putik, kung andito ka ng magkasunod na pasko, malamng nakita mo ang pagbabago, pagbabago na may progreso, mula sa capitolyo na tunay naming pinaganda ni gov. E.R. hangang sa plaza naming ngayun na buhay na buhay. Kahit ang mga bata na namasko ngayun ay nagsasabing malaki ang kanilang nagging papasko bukod pa sa masasarap pagkain na nilantakan nila. Wala na halos bahid ng trahedya, kung mayron man, itong tulay nalang ng santo anghel. Kung mayron mang hidni nagbago, siguro ay ang gobyerno.
San ka naman nakakita na isang taon na hindi padin nasisimulan gawin ang tulay naming, samantalang ang ibang mga nasalntang tulay, dam, kalsada at poste sa ibang bayan kinaumagahan palng kinabukasan ay ginawa na. Iniisip namin baka si Mayor Magcalas ang problema, hindi lang pala sya, hindi lang si Mayor Panganiban o si Congressman Egay, pti din pala mga ka-brgy ko may sira sa ulo. San ka naman nakakita ng slogan/billboard na nagpapasalamat na kagad sa mga politico na wala pang ginagawa. tsk
Sa ngayun, unti-unti ko ng nababawi ang mga nawala kong gamit, ang kwarto mukha na ulit nasabugan ng tino. Higit pa sa inaasahn kong pagbangon ang nagawa namin, determinasyon lang talaga. Kahit ang mga katrabaho/ kaibigan nakabawi narin ata, si Erwin my motor na, si jemai my jowa na, sila jc may bahay na, si benok napa-ayus na ang nasirang bahay, sila nene may linya na ng kuryente, si Ingrid tuwid na ang buhok, si epol may motor na rin, si rose lalo ng nagpaka-tanga, si galle lalong humangin daw, pero tingin ko mas lumalim sya, si ivy may ibinahay ng lalaki, si nhiel may sarili ng computer at si jojo dinagdagan pa ang kinokolekta..walang kiti-kiti dahil hindi kami nagging stagnant
Buhay na ulit ang bayan ng Santa Cruz, hind man ganun ka bilis ang nagging progreso, maipagmamalaki ko na hindi kami nakuntento. Hindi lang kami basta nadapa, sumubasob kami, sugatan. Hindi lang kami nagmumok at nanisisi, bumangon kami. Hindi man kasama ang gobyerno, mamayan mismo ang kumilos. Kudos mamayan ng santa cruz.
salamat...
some photos here are courtesy of: the frame
http://blogs.sacbee.com/photos/2009/10/philippines-worst-flooding-in.html
No comments:
Post a Comment