“huwag maging dayuhan sa sariling bayan!” Ika ni dating PTA chairman Dick Gordon. Maglibot tayu, ditto mismo sa sarili nating bayan. Maraming magagandang tanawin na mismomg mga banyaga ang dumadayo pa para lamang sa’ting bansa ay mamangaha. Mula sa rice terraces natin sa hilaga, hangang sa dinadayong white-sand ng boracay sa ibaba ay taas noo nating maipag-mamalaki na sagana tayu sa gandang pisikal, ditto palang ay hindi na natin maipagkakaila na maganda talaga ating bansa. Pero kung tatanungin kita, ilan na sa mga pamosong tourist spot n gating bansa ang napuntahan mo na?
Ako mismo taga ditto lang sa laguna ay hindi pa nakaka-punta sa sikat na Pagsanjan falls, kahit isa lang sa 7 lakes ng San Pablo di ko pa nakikita, hindi ko alam kung san matatag-puan ang hidden spring ng alaminos, isang beses ko palng narrating ang tay-tay falls, ang underground cemetery sarado nung pinuntahan ko, hindi na nasundan ang pag bisita ko sa bahay ni rizal, at nakakahiya man aminin, Japanese garden lang ata ang alm kong puntahan, hindi lang dahil sa mura ang entrance, kundi libre pa ang bata. Pero bakit nga ba nag-kaganito? Yung mga taga malalayung lugar ay dumadayo pa ditto samin para lang masilayan ang mga nasabing atraksyon kahit saglit lang, habang kaming mga taga ditto ay hindi manlang magawa?
Wala na atang lugar na mapupuntahn mo’ng libre sa panahon na ito, lahat may bayad. Kahit ang pam-publikong palikuran may tong na din. Hanepashit no! Panu kung sa-sabog na ang pantog mo at wala kang 5 pesos? Kaya dumadami ang eskenitang salat sa sariwang hangin...tsk. kahit san ka magpunta may entrane fee, pag minamalas ka talaga, pati sasakyan mo may entrance fee na, may parking fee pa, sabihin mong di mo naranasan sa tagytay yan...mga BNP. Eh, pano ka hindi magiging dayuhan nyan kung ang mga lugar nayan ay pinagkaka-kitaan ng ilang pribadong sector at minsan ng mismong gobyerno. Gustuhin ko man, salat naman ako sa pera para makapunta jan, punyetang buhay yan. Andito nga ako malapit lang sa mga ito, pero ako mismo dayuhan dahil sa ktarantaduhan ng iilan.
Para san ba nag lintik na mge entrance fee nay an, pang-sweldo sa mga tauhan? Pang-maintain? O pinagkakakitaan lang talaga. Hangat hindi binubuksan ang mga ito sa sa publiko patuloy na magiging dayuhan ang mga tulad ko sa sarili kong bayan, to think na 5km lang ang layu ng pagsanjan sa bayan ko...fucking-shit. Hangat hindi natin tinatama ang manipulasyon na to kung san, dapat kang magbayad para Makita ang mga bagay na ginawa ng Diyos ay walang patutunguhan ang bana nating ito. Bakit hindi natin gawing libre ito sa mga tag ditto talaga. Pansinin mo ang pagsanjan lodge, 50% off ang entrance fee nila sa mga taga pagsanjan talaga. Kung mauunawan lang sana ito ng mga taga gobyerno na nagsusulong ng mapang-asar na slogan sa unahan ng post na ito..di sana walang tulad ko na dayuhan sa sariling bayan.
Japanese garden |
Kung ating pagbubulay-bulayan, hindi lahat ng sisi ay dapat ibuntong sa gobyerno. Kadalasan, nasa ating mga mamayan din ang problema. Kulang na sa suporta, atin pang binabalahura, eh malamang ito nga satin ay isasara. Patuloy ang pag-daloy ng panahon,at tulad nito ang disiplina sa sarili ay patuloy ding dumadaloy patungo sa kawalan. Hangat hindi tayu natututong magmalasakit sa kapaligiran,hangat ang alam lang natin linisin ay bahay natin at iasa sa gobyerno ang ating mga kalsada, walang magyayaring pag-asenso.
Hangat ginagawa nating kahalili ng basurahan ang lansangan, hangat ginagawa nating palikuran ang mga kalye, pader at minsan ay nakaparadang sasakyan palagay ko malayung buksan ng libre sa tao ang mga nasabing pasyalan. Naalala ko sabi ng isang pilosopo, malalaman mo daw na matalino ang mga tao sa isang lugar kapag tinangal mo na ang batas ay may kaayusan padin. Pansinin mo, habang umuunlad ang isang lugar, mas dumadami ang batas... batas nga ba ang kailangan natin o disiplina lang sa katawan?
No comments:
Post a Comment