Mahilig ako sa balita. Manood, makinig o magbasa nito ay nagawa ko na. Madalas. Kahit ano, basta may matutunan ako ay ayus sakin. Mahilig din ako sa mga knowledge channel kung tawagin. Siksik, liglig at nagu-umapaw ang inpormasyon na matutunan mo sa mga ito. Mga magazines, o kahit pa female mag yan ay pinatulan ko na.Magandang bgay kasi ito para sa mga tao. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit pati ang balita natin dito sa ‘pinas ay ganito. Lahat, sama-sama sa loob ng isang oras. May krimen “aray”, sports “shoot”, showbiz “paborito”, politika “no-comment”, at sulyap sa ibang bansa na sulyap lang talaga ang nangyayari. Naiinitindihan ko yung mga knowledge channels na maxadong maraming segment, pero, hear me here, pero hindi ito sa loob lang ng isang oras..magkakaiba ito ng slot. Ang T3 ay sa gadgets, FHM sa mga Sex enthusiast, Pulp para sa mga musikero sa puso, star studio sa mga bading, at may mga pocket-book para sa mga walang pangarap, anu man ang trip mo, ayus nadin basat nasiguro mo na may nadagdag na kaalaman sa utak mo.
Bakit nga ba kailangan pagsama-samahin ang lahat ng uri ng balita sa isang programa? Nakaka-adwa. Ano bang meron sa ganitong palabas? Sa sobrang dami, hindi na mapgtuunan ang dapat, minsan kung alin yung tatabo sa rating, sya ang pinagtutu-unan ng pansin. Pero para san nga ba ang mala-buffet na balita? Kailanagan ba lagging halo-halo ang balita? Yung tipong- buy one take one? Maxado na atang nagtitipid. Hindi pedeng isa lang, kailangan lagging may free. Parang windows lang, multi-tasking. Kumbaga sa kapasidad, jack of all trade tayu, Tignan mo si kris Aquino, host na commentator pa. Yari ka jan. Si erap, president na, mascot pa ng bansa..anung ating napala? Pambansang kahihiyan?
Bakit nga ba kailanagn nating ng ganito? Si pacman ay isa ng mambabatas, si Richard guitierez (di ko alam spelling) artista na host pa, eh pugay kamay...may natutuwa ba sa pagiging host nya ng survivor? I mean, oo, gawapo na sya. Tama nay un, pero wala syang talento sa pagiging host. Mas ok pa si paolo bediones. Simple, hindi lagging galit-na-galit-ang-boses na parang hindi matae! Si Claire dela fuente...union na artista. Si marc abaya, korni umarte. Bakit nga ba natin kailanagan ang ganitong uri ng mga taong mala buffet ang katangian... jack of all trade, Pinoy nga talaga. Isanag magandang katangian nito ay si ano....naisip ko lang gumagawa din kaya sila ng sirang relo?
Nasasayang ang oras sa balita tunkol kay wille revillame, kadalasan mas pinag-tutuunan ng pansin yung bangaan sa edsa kesa sa progreso ng ating bansa. Mag-balita nga ng maganda, mas mahaba naman ang komento ni kris Aquino. Sa ch. 7 pansinin mo ang title ng panghapon na palabas. “ ina kasusuklaman ba kita?”, “ang babaeng hinugot saking tadyang”, matalinong mga tao ang nasa likod ng mga to, alam nilang mga damatnds ang karamihan ng nanunuod sa ganitong oras, mas korni, mas bonga. Punyetang buhay to! Isa lnga ibig sabihin nito, eto ang demand, eto ang hinahanpo ng mga pilipno, sabi nga, kung bakit daw nahilig ang pinoy sa mga basura ay hindi natin alam. ‘Wag na tayu pumunta pa sa bagyo para sa mga ukay-ukay..dahil jan palang sa tabitabi ay andami na,mula sa mga gamit ng sunadalo hangang sa mga banyagang manlalaro, lahat puinaglumaan, lahat basura. Minsan nga iniisip ko, bakit may import tayu lagi sa PBA, samantang walang importr na pinoy sa NBA.
No comments:
Post a Comment