“you are not a canadian or an american, neither italian nor dutch,
but a filipino.”
-yfc speaker
held up high! |
Malinaw, gustong iparating ng nagsasalita na ang mga nakikinig sa kanya ay pinoy. Yan ang nabungaran ko ng minsan akong magbukas ng t.v. At mapatapat sa isang religious network. Naiitindihan ko naman ang gusto nyang sabihin, kaya lang bakit nga ba lagging kailangan sa english pa natin sabihin ang mga bagay-bagay? Malaking kasalanan ba sa mundo kung magtatagalog ka sa harap ng kapwa mo pinoy? Mas “cool” ba kung english ang gagamitin mo? O baka naman, talagang hindi marunong umintindi ng tagalog ang mga pinoy? Iba talaga ditto sa pinas...
Nauunawaan ko, kailngan natin gumamit ng “english” para makausap ang ibang lahi sa labas ng ating bansa, pero kung andito ka lang sa pinas, at pinoy lang din ang kausap mo, maarri bang magtagalog nalang tayo? Kapwa mo pinoy ang kausap mo kapatid, hindi kano “ rock on”, aleman, frances “oui” o ingles “muffin?”.
Matatawa ka nga sa mga halp-pinoy-halp-german-shepherd na pilit nag tetegeylog, masabi lang na pinoy, kahit barok sila magtagalog. Walang iba sa mga pure pinoy coño na kung mag-tegeylog ay parang banyaga ditto sa bansa. Mas fluent pa nga ata mag tagalog sa kanila si sakuragi...pakingan mo.
Pero hindi rin naman ako bilib sa mga half-pinoy na umuwi sa bansa para lamangan ang mga native nating kababayan, kung tunay silang magaling dun sila sa bansa nilang pinagmulan gumawa ng pangalan. Tignan mo nlang si benjie paras, nag resign bigla sa pba, dahil puro na daw halp-pinoy at import ang manlalaro. Tinawag pa natin all-filipino conference league....ayus!
Kung talagang magagaling sila, dun sila sa bansang pinagmulan nila gumawa ng pangalan, tas pakibati nalang ang bansang pilipinas. Wag na silang gumay kay brandon vera na sinusuka na ng ufc, sayang hanga ako sa kanya dati, kaso sa 10 fights nya 12 ang talo.
“kaya ang mga player natin lagging talo, inuuna pa ang interview kesa practice.”
-tatay
Hanepasyet naman talaga, puro nalang ata interview ang azkals ang nakikita ko. Masyado ng naka-focus ang pinoy kung anong ginagawa ng mga to, kesa kamusta na ang practice. Nauubos na ang oras sa interview, pag-gawa ng commercial, tv guesting. Mabuti pa nung di pa nakikilala, iisa lang ang aim, ang manalo, ngayun ang mainterview na ata. Pansini mo si mp, lagging lagari, bawat laban, pag commercial maliligo, iinum ng alaxan, magte-txt, kakain, iinum ng alak...sikat!
Hindi naman lahat puro papogi, may ilan na talagang gumagawa ng pangalan.
Jerome fontillas - swithchfoot
Kirk hammet - mettalica
Mark munos - ufc
Jabbawockeez - alam mo na
Super creu - ganun din
Arnel pineda - journey
pinoy pride |
Ilan lang yan, idagdag mo sila batista, tia carerre, rob schneider, death angel at ilan pa na patuloy na gumagawa ng pangalan sa labas ng bansa, hindi ditto, para agawan ng trabaho ang kababayan mo.
Pambansang kamalayan, pambansang kakulangan.
Pansinin mo ang mga hapon, kahit sa mga international interview nila, wika parin nila amng kanilang gamit. Pride? Sa mga debate, wala kang maririnig kundi “bakero!”. Kahit sa mga billboard nila, letra parin nila ang makikita mo, kaya naimbento ang logo ng mga fastfood, hindi nila pedeng baguhin ang letra, font, kulay ng kanilang pangalan, copyright ika nga, sa logo nalang sila pinagbabatayan. Ang kapatid ko sa japan, tinuturuan ang half-pinoy-halp-japanese nyang mga anak ng tagalog para makausap ko.
Ang mga bansa sa paligid natin, pinapadala ang kanilng mga kabataan para ditto mag-aral ng english language, bragging rights? Dahil ata sa sobrang conscious natin sa lengwahe ng mga kano ay nagging english language learning centre na ata tayu ng mundo. Bukod sa fluent tayu, ay mura ang singil natin. Alam ko, dahil nagging english teacher ako sa isang korean community, 6yrs. Ago. At isa lang ang masasabi ko, pag-sila sila lang ang magkakausap, lengwahe nila ang gamit nila, hindi ingles. Idagdag mo p jan ang mga call-center at online english teacher, kaunti nalang makukuha na natin sa india ang titulo ng call cenetr capital of the world.
Nung panahon pa ni erap, may spoke-person sya na lagging sinasabing ang gamitin natin sa pakikipagusap ay tagalog o ang wika nating mag pinoy. Jose pardo ata ang pangalan nya. Kahit daw saan o kahit sa kahit anong oras ng pakikipagusap. Kaya lang, sa lahat ng interview nya, hindi ko sya narinig magtagalog ni minsan. Hypocrite?
Minsan matatawa ka rin dun sa mga “di-perdibleng-pinoy”. Yung mga aktibista naagalit sa kano, puro makabansang kamalayan ang gusto, matatas mag-tagalog, malalim pa sa balon kung bumuo ng kataga. Puro hamon sa gobyerno ay pagbabago. Pag pinakingan mo, aakalain mo si rizal, kaso pag tinignan mo tatak ng damit tribal. Galit-na-galit kay obama, pero ang buong pamilya ay nasa america. Matatalinong langaw, hindi alm na si tipaklong nasa new zealand, nagpapahinga. Uyyy....may almonds pa!
prime suspect |
In 1937, tagalog was selected as the basis of the national language of the philippines by the national language institute. In 1939, manuel l. Quezon named the national language "wikang pambansâ" ("national language"). Twenty years later, in 1959, it was renamed by then secretary of education, josé romero, as pilipino to give it a national rather than ethnic label and connotation. The changing of the name did not, however, result in acceptance among non-tagalogs, especially cebuanos who had not accepted the selection.
In 1971, the language issue was revived once more, and a compromise solution was worked out—a "universalist" approach to the national language, to be called filipino rather than pilipino. When a new constitution was drawn up in 1987, it named filipino as the national language. The constitution specified that as the filipino language evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing philippine and other languages. However, more than two decades after the institution of the "universalist" approach, there seems to be little if any difference between tagalog and filipino.
-wiki “paborito” pedia.org
Wala akong ibang makuha na right-up tungkol sa kung pano nagging national language natin ang tagalog, lahat puro ingles, kung tatagalugin ko naman to, baka tapos na ang “buwan ng wika” eh, hindi ko pa rin tapos ito.
Sinasabing si pareng quezon ang may pakana ng lahat ng ito, porke ata taga-southern-tagalog si mokong at ka-chokarat nya ang ilan sa mga dating bayani ay ito na ang ginawa nyang pambansang lengwahe kahit na hindi naman talaga majority ng pinoy ay nagtatagalog. Bias ata ang nagging decision. Pero ayus lang dahil tagalog ako. Dahil ata ito sa malaking sakop by means of land area ng souther tagalong, kami lang ata ang region ditto sa pinas na hati pa sa dalawa calabarzon/mimaropa.
alibata |
Hindi nga naman patas na tagalong ang nagging pambansang wika natin, pano ang mga kapampangan, ilokano, visaya, waray, bikolano, tausug at ilan pa na hindi na ata napansin ng ibaba ang deklirasyon ni pareng quezon. Bias.
Mahirap pilitin ang ilang kababayan natin na magtagalog lalo na at lumaki sila sa lugar kung san madalang pa sa tulong ng gobyerno ang pag-gamit ng tagalog. At, mas mahirap ipagamit ang salitang tagalog sa matatandang mataas pa sa eiffel tower ang ihi. Pambansang kamalayan, pinaglalaban ang wikang tagalong ngayun, pero hindi naisip dialect ng karatig probinsya.
Ilan sa mga post ko din sa blog na to, matatagpuan mo sa ingles, bukod sa mahirap ng isatagalog ang ilang salita, eh kawawa naman yung mga taga ibang bansa na nagbabasa ng gawa ko. Oo, nasabi ko na rin dati ito. May isang tao sa malaysia ang nag babahagi ng mga gawa ko sa bansa nya, ang problema pinagkaka-kitaan nya ang gawa ko. Pero sa last na tsek ko sa site nya, wala na yung mga blog namin, siguro my nagkaso na.
Pambansang kamalayan, sino nga ba ang tunay na mamayan?
Red tape, massive un-employment, druglords, kotong, kurakot, kris aquino, sino pa nga ba ang gustong maging pinoy kung puro ganito ang makikita at maririnig mo sa t.v. Ilan lang ang mga yan kung bakit maraming sumpang-sumpa sa bansang ito. Ang hustisya kayang bilhin, ang artista politico, ang politico sila-sila mismo at ang mga kamag-anak ng politico ay abusado. Habang ang mga pinoy sa loob ng bansa ang sukang-suka sa bansang ito, may ilan sa labas ng bansa ang taas noong gumagawa ng pangalan para sating mga pinoy.
Tama si bob ong ng sabihin nya sa kalat nya na bakit baliktad ang mga pilipino, “ang mga mayayaman gustong maging espanyol, ang mahihirap gustong maging kano, ang mga nasa labas ng bansa nagiging asyano.”. Walang gustong maging pinoy, wwalang gusto sa bulok na bansang ito, kung nasisikmura nila ang konsptong to ay hindi ko lang alam.
i wish it was in tegeylog... |
Pinoy ako, hindi dahil saw ala na akong magagwa o pagtyatyagaan ko nalang ito...kundi dahil ako ito. Kung sarili ko ng pagkato ikakahiya ko, sinong gago ka ang gagalang sa bansang ito? Palagay ko, isa sa dahilan ng pagiging 3rd world coutry natin ay ang kakulangan sa pagmamahal sa sariling bayan. Walang nagmamahal sa sariling bayan ang nagtatapon ng basura kung saan-saan, nangongotong, nagnanakaw sa kaban ng bayan at nangagago ng kababayan. Nahihiyang maglagay ng watawat ng pinas sa labas ng bahay, nahihiyang maglagay ng kanang kamay sa kaliwang dibdib sa pag-awit ng lupang hinirang...asan ang pambansang kamalayan? Hindi ako nagmamalinis, ilan ditto ay guilty ako, foul, pero ang itangi na pinoy ako, teka, di pa ako bangag tulad mo.
Hindi naman lahat ng tungkol sa pinas ay puro badnews, makikita mo parin yan sa mga taxi driver na nagsosoli ng naiwang mahahalagang gamit sa kanilang pasahero, yung iba ayaw pa magpakilala. Mga taong sumusunod sa batas trapiko, gurong piniling humulma sa kamalayan ng kabataas sa lugar mo...kudos sa mga taong ito!
Pambansang kamalayan, pambansang kahalayan.
Patuloy tayung nabubuhay sa kamangmangan.
My English mass na sa Roman Catholic. para ito sa mga pilipinong hindi marunong mag tagalog at mga pinoy na hindi maka-intindi ng tagalog. ayus ano! bukod sa English mass, naisipan narin nilang 2x mag offering. tumataas na daw ang bilihin at labas na ko sa bagay na ito.
A priest knelt down before his god and prayed, for blessing, compassion and forgiveness. Silently he weeps for his country. He talked to his god, in Anglo-American’s native tongue. He was fluent, and he smiled at that thought. Days passed, and a news was laid before his ears and it shocked him. All of his prayer were cast down on Obama’s country, madden, he rushed towards the church altar and shouted on his god, asking him on what happened, why the hell all his prayer was given not to his poor country?
Didn’t you hear my solemnest prayers? He asked.
Then, his god answered:
My son, I heard all your prayers and I love you, are you not happy with my gifts for your country?
My country? It was Obama’s, not mine! He murmured back.
Wait, aren’t you an American? His god asked.
Looking down on him, his god was shocked.
My bad, his god said... you were so fluent that I thought you were an American.
(Whosoever knows not how to love his native tongue.
Is worse than any beast or evil smelling-fish.)
-Gat. Jose Rizal
No comments:
Post a Comment