konitsiwa!!!

I'll be back...soon.

Tuesday, August 16, 2011

Last chapter.

fucking operation review
            
  

            Siguro last chapter na ito sa kwento ng kabalbaalan ng store ko..kahit papano, may napatunayan ang mcdonalds sa’min. Oras na para baguhin ang persepsyon ukol sa trabaho ko, sa kumpanya ko. Hindi rin pala lahat kami ay makasarili. Salamat sa mga nakasama ko.

            Finally natapos din ang FOR (full operation review) ng store namin. Matapos ang ilang araw na patayang schedule, pinturang naubos, kamay na nasugatan, pagkain nalipasan..eto na kami, tapos at umaasa na higit sa passing rate ang rating. Pasado naman kami, kaso dapat dilang basta passing rate..at maipagmamalaki ko na hindi kami basta pumasa, ramdam kong mataas kami sa cleanliness! Pagod, puyat, kulang pa para maisalarawan ang ginawa namin para lang maihanda ang aming store sa nasabing pangyayari.

            Natanung ako ng isang katrabaho, bakit daw pursigido akong mag-pull-out gayung tinitira ko din naman daw ang store, ang mga bulok at baho. Plastic? Siguro eto ang nasaisip mo, kaya lang, sa personal kong opinion, ang baho ng store ay baho ko din. Hindi ako tulad nila joma sison na puro kontra sa gobyerno pero walang inihahain na solusyon, mayron man, pang kasarilan lang, wag nalang. Isang magandang halimbawa si mirriam defensor sa bagay na ito. Paborito?

            Kung bumagsak ang 234, hindi naman si S’ Rey lang ang mapapahiya, hindi lang naman 234 ang mukhang baluga, hindi lang yung mga kupal na manager ang tamad...lahat tayu kahiya-hiya. Oo, ako mismo ang nagsabi na tayung mga crew ang nagpapakahirap, pero management team ang nakikinabang, pero ibang bagay muna ito, lahat tayu damay ditto, lahat tyu mapupulaan, lahat tayu parte nito.
things do change...

            Kahit pagod at puyat na kami, pilit namin tinatapos ang mga dapat tapusin, sabagay kung tutuusin, hindi kayang tapusin sa loob ng 3nights ang dapat ginagawa buong taon. May pagkukulang ang manager, kapabayaan ng mga maintenance, kabalasubasan ng crew, kabaratan ng may-ari at katusuhan ng iba,sino nalang ba ang walang sala?Si chammar na makatarungan? Kung patuloy kaming magiging masipag kapag malapit na ang FOR, malamang na magpapaulit-ulit lang ang ganitong eksena sa trabaho. Matanda na ang mga equipment namin, di naman siguro to literal na “built to last”. Siguro, bukod sa proper maintenance, kailangan din ng gamit namin ng malasakit, kahit na walang malasakit ang mga hinayupak samin mga crew.

            Paminsan-minsan makikita mo rin naman ang malasakit ng crew-sa-kapwa-nya-crew. Isang magandang halimbawa ditto ang pagmamalasakit i-uwi ang mga naiwang bull cap at apron. Kung panong ang mga payong na naiwan ng katrabaho ay itinatago sa bag. Malasakit.

fuck!fuck!fuck!
            Last chapter na to, pero di ibig sabihin titigil na ko sa mga sinasabi ko, na magiging mabait na ako sa sa pagkakataon na ito. Hindi, dahil ang paperl ng blog na ito ay magsalita para sa mga piping katrabaho ko na nakukuntento nalang sa pag-uusap sa dilim sa likod ng mga halimaw at minsan sa kapwa nya hypocrite.

            Sayang, maganda ang ginawa ntin nung FOR, personal tayung kinakausap ng mga manager para sa dapat gawin, ng pumasa tayu “di ko kasi to natapos nung unang gawin ko ito”, mga tropa nalang ang tinawagan para pasalamatan. Paking-syet, sa hirap sama-sama nanaman tayu, sa ginhawa, kayu-kayu lang.

            Hangat may crew na malakas sa loob, palagay ko malabong gumanda ang shift natin.

            Nag-trainig si marvin para sa bagong CHX-FILLET, pero ayaw gawing CHX-EXPERT.

            Pasok sa oras si carrel sa OJT, pero pag Sunday lang sya naka OJT SHIFT.

            Hangat bawal ma-xtend ang mga tropa, hanagat bawal mag close ang mga punyeta,           hangat my tsu-tsu na sa atin ay nagbebenata, malayu parin tayu sa sinasabi ni liza na global standard,

            May crew-chief tayu, pero wala tayung team-leader

            May lsm rally tayu, pero wala tayung team building

            May rap-session tayu kung san pili lang pede mong sabihin.

            Wala tayung open forum, laglagan session meron.

what the fuck!
            Nito lang, naalglag ang flag-sign natin kay darwel, salamat daw at si darwel lang ang nalaglaggan. Tama ba yon? Sino nga ba ang may sala, si ian na nag lock ng mga screw? O kami na hindi siniguradong tama ang kabit ni ian?
           
            Team work 101 : lahat tayu ilagay sa I.R. “si ian ang may sala”, yan ang team work.

No comments:

Post a Comment