may helmet...wala namn lisensya. |
Republic Act No. 10054
– Motorcycle Helmet Act:
Republic Act No. 10054, also known as the “Motorcycle Helmet Act” was
signed into law on 23 March 2010. Under
this new law –
All motorcycle riders, including
drivers and back riders, are required to wear standard protective motorcycle
helmets at all times while driving, whether long or short drives, in any type
of road and highway. Standard protective
motorcycle helmets are appropriate types of helmets for motorcycle riders that
comply with the specifications issued by the Department of Trade and Industry (DTI).
Any person caught not wearing the
standard protective motorcycle helmet will be punished with a fine of P1,500.00
for the first offense, P3,000.00 for the second offense, P5,000.00 for the
third offense, and P10,000.00 plus confiscation of the driver’s license for the
fourth and succeeding offenses.
Tricycle drivers are exempted from
complying with the mandatory wearing of motorcycle helmets.
-Lex
Fori Philippines
Yan ang kabuuran ng paborito ng mga
2-wheel motorcycle driver na helmet law, kung saan, lingid sa alam ng
karamihan, ang nasabing batas ay hindi lamang utos ng lto, mmda, ka pulisan at
misan pati mga brgy. Tanod, kung hindi, isang pambansang batas na pinag-isipan
ng matatalinong tao yan…kaya sundin nating mga bobo yan.
Ang helmet law ay isang batas para
sa sariling kaligtasan ng nakasakay sa mga two-wheel na sasakyan, kadalasan ay
ulo ang nagtatamo ng pinaka malalang tama mula sa isang disgrasya. Bukod pa sa
mga reflective gears at crash gear, helmet na siguro ang pinaka mahalagang
gamit ng isang motorist at paboritong
iwan sa bahay ng karamihan, kahit ako tinatamad sa bagay na ito. Mag-hehelmet
ka gayung sa palenke lang punta mo kung san 30kph ang maximum na andar sa loob ng
aming bayan. Helmet law ang isa sa pinaka paboritong sawayin ng aking
kababayan.
gusto ko nito,,,,, |
Pano ka nga naman susunod sa batas
kung mismong nagpapatupad nito sumusuway ditto. Ang mga pulis walang helmet,
yung meron walang rehistro “galling sa nakaw?”, at sa pag-kaka alala ko, bawal
ang naka helmet sa bayan ko, san naman kami lulugar sa gusto ng mga hinayupak
na ito?
Recently, nag baba ng utos si PNP
Chief Nicanor Bartolome ng paghihigpit sa bawat naka motor, dahil umano sa
nakawan na nagaganap gamit ang motor, petty crime with a style. Batay umano sa utos na ito, bawat ahensya ng
kapulisan ay nag-conduct ng checkpoint sa bawat parte, oras, pagkakataon na
matripan nila, depende sa panganga-ilangan. Bigla-bigla ang “para”, minsan ng
pumunta pa kami sa majayjay isang braso na may baby armalite ang bigla nalng
pumara samin mula sa dilim, checkpoint pala, wala manlang warning device,
samantalng ipinagbabawal ng batas ang checkpoint na walang ilaw.
Sa areza “pagsanjan, laguna” ay
madalas ang “para” ng kapulisan ng pagsanjan, hindi sa papasuk sa kanilang
bayan, kundi yung mga palabas. Ayus sa olright, kung may iniiwasan silang
bahong lumabas sa bayan nila ay hindi ko lang alam. Kaya dapat may helmet ka
para wag kang parahin ng mga ito.
Bawal ang walang helmet, walang side
mirror, nakatsinelas, may colored transparent protector ang plaka, naka short,
walang rehistro at walang lisensya, nasa side ang plaka, walang plaka, at higit
sa lahat bawal ang open pipe ditto sa laguna…pero kung ilan ang mismong
nadisgrasya dahil umano sa mga nasabing bawal ay hindi ko lang alam.
Sige, sabihin mo nga, ilan ang
nabanga dahil walang lisensya? Ilan ang nabasag ang mukha dahil naka tsinelas?
May sumalpak na ba sa kasalubong dahil wala syang side mirror? Ilan na nga ba
ang nadisgrasya dahil sya ay naka open pipe? Tila yata naabuso na ang batas
mula sa kanilang kalokohan.
crash... |
Bukod sa batas ito na dapat sundin,
dapat natin alamin natin san ba ito dapat paganahin. Parang isang katatawanan
naman kung mamalenke ka lang may helmet ka pa, kung isasagot mong mag lakad ka
nalang, eh gago, tumahimik ka nalang jan. hinuhili ditto samin ang naka full
helmet, bawal ito dahil di mo nga naman kita ang nasa loob nito kung bigla
itong mamaril, kaya pag pasok mo sa bayan namin, hubarin mo na helmet mo, pero
malas mo pag may HIGHWAY PATROL o kaya ay LTO, dahil bawal ang walang helmet.
Sa San Pablo City, pinagbabawal ang may helmet dahil sa death treat ng kanilang
alkalde, pero pag wala kang helmet huhulihin ka rin nila, gulo ano? kaya pag
nagpunta ka dun, dapat may helmet ka……sa siko. Sa Los Banos, dapat naka helmet,
pero pede na tsinelas at short, sa majayjay, bawal open pipe, pede walang
helmet. Hirap ano….
violation? |
Pinatutupad ngayun ng MMDA ang pag gamit ng “yakult helmet”, yung helmet na kadalasan ginagamit ng mga nagbibike. Di patong at bunbunan mo lang ang may proteksyon. Sa ganitomg paraan daw makikita ng madla kung sino ang sakay kung sakaling barilin si chairman Tolentino. Malamang huli na ako sa mga ito, kung makikita mo helmet ko.
Pinag helmet pa ako kung pang yakult
lang pala isusuot ko. Pano kung mukha ko ang bumagsak sa semento, Kung panga ko
ang humataw sa harang na kongkreto, at labi ko ang makipaghalikan sa mainit na
aspalto? Pinaghelmet mo pa ako, kaligtasan pala ng iba ang iniisip mo.
Trabaho ng LTO at HIGHWAY PATROL ang
hulihin ang mga driver na sasaway sa
batas ng kalsada “hindi trapiko”. Pero kung bakit puro 2-wheel motorcycle ang
hinuhuli, malamang ay dahil sa madaling pagkakitaan ang mga ito, at kung
pumalag man, madaling gawan ng kaso, tsk, kawawang pobre.
Bawal ang walang side mirror, gayung
marami akong nakakasabay na hindi marunong gumamit ng side mirror, sarap
hatawin ng helmet sa panga. Alam kong, ang purpose nito ay para makita mo ang
nasa kanan at kaliwang likuran mo, at para wag mangawit ang leeg mo kaka tingin
sa likod. Pero kung ito ay isang bagay na hindi alam gamitin, palagay ko,
tangalin nalang natin ito at hayaan na mangawit ang mga leeg nyo.
may mas maingay pa dito.... |
Bukod sa helmet at side mirror ang isa pang all time favorite parahin ng LTO ay
ang mga naka open pipe. Maingay daw ito sa gabi, pero kung bakit sa umaga at
hindi sa gabi sila nang huhuli, eh malay ko sa kanila. Nang minsan akong
lumuwas sa manila, karamihan sa motor ay naka opn pipe, yung iba sobrang
katikot pa, kaya tangal ang kaluluwa mo pag ng revolution ito, pero wala ni isa
na nakitang kong hinuli dahil dito.kung tutuusin nga, pabor pa ako sa mga naka
open pipe, malayu pa, rinig mo ng may parating, hindi tulad ng stock pipe na
nasa likod mo na di mo pa alam. At bakit nga ba big deal ang open pipe, gayung
kung sa ingay ay panalo ang 2-stroke na mga motor, hindi mo na kailangan ng
open pipe, harangan mo lang ng piso yung dulo ng tambutso, mamumura ka na sa
ingay ng tunog nito…at may nabanga na ba dahil sa open pipe?
Ang mga tulad ng short, tsinelas,
helmet at side mirror ay dapat pang sariling pagdedesisyon na. higit sa
malasakit ng otoridad, dapat siguro ay mas pag tuunan ng pansin ang mas
malalalim na usapin. Ang kaso ng OR CR at lisensya ay ibang bagay na ukol sa
kaligtasan ng nag mamay-ari mula sa pag
ka nakaw ng knilang sasakyan, pero ang lisensya kung san babayaran mo lang ay
ang id at ilang oras na pagdadaldal ng mga kawani ng LTO, palagay ko, dapat ay
isantabi na ang lisensya o bawasan ang singil ditto. Over pricing ang lisensya,
tila kukuha ka ng lisensya sa PRC, daig pa ang tagal sa proseso, at kung
mamalasin ka, may mauuna pa sayu kahit 4hrs ka na sa pila at sila kakarating
lang. kaya di mo maiiwasan na yung iba sa recto nalang kumukuha, mura na
mabilis pa, total wala naman gadget ang mga ito para I tsek kung totoo o peke
ang lisenya mo, at kung tutusin, mas maraming tangang mag drive na may lisensya
kesa sa mga wala. Mabagal ang proseso sa opisina ng LTO, walng drivinf test,
may bayad ang exam, ang fixer wala sa labas, para san pa ang restriction code
kung di ka naman nila papanuorin mag-drve.
Kahit ang rehistro ng sasakyan ay mahal, kung para san ito, o
kung 1k ang bayad sa sticker at ang iba ay sa bulsa, malamang kaya lumabas sa
kanilang system ay maraming unregistered na sasakyan. Magtataka ka pa ba bakit
takot sa HIGHWAY PATROL at LTO ang mga motorist. Mahal magka sasakyan, mahal
mag paganda ng sasakyan, mahal mag maytena ng sasakayan at mahal magbayad sa
mga kawatan ng bayan.
Inilabas na ng Laguna Government ang bagong sticker for the Clean Laguna Motorcycles, katulong ang kapulisan ng buong probinsya, pinag-iigting nila ang kamppanya laban sa mga nakaw na motor. Isang motorista ang nag post ng ganito sa http://motorcyclephilippines.com/forums/index.php:
"sino na sa inyo nadikitan nito? kanina kasi nacheck point kame ng kasama ko sa famy laguna on our way to lucban mababait naman yung pulis hiningi lang or/cr (orig) kelangan orig para bigyan ng sticker libre lang naman tapos madikitan pipicturan ka with our mc (parang sa LTO) ang dami nameng dinaanang check point police at military ayos naman di na kame hinarang nung nakita yung sticker.. ang dami daw kasing bumabyahe dun na walang papeles ang motor kaya sila may hakbang na ganun.
Inilabas na ng Laguna Government ang bagong sticker for the Clean Laguna Motorcycles, katulong ang kapulisan ng buong probinsya, pinag-iigting nila ang kamppanya laban sa mga nakaw na motor. Isang motorista ang nag post ng ganito sa http://motorcyclephilippines.com/forums/index.php:
"sino na sa inyo nadikitan nito? kanina kasi nacheck point kame ng kasama ko sa famy laguna on our way to lucban mababait naman yung pulis hiningi lang or/cr (orig) kelangan orig para bigyan ng sticker libre lang naman tapos madikitan pipicturan ka with our mc (parang sa LTO) ang dami nameng dinaanang check point police at military ayos naman di na kame hinarang nung nakita yung sticker.. ang dami daw kasing bumabyahe dun na walang papeles ang motor kaya sila may hakbang na ganun.
Ayos ito, talagang iwas abala ka, lagpas ka na sa walang kamatayang check-point sa bawat bayan na dadaanan mo. Kaso, paano kung ang motor mo ay may sticker na at nanakaw, hindi na ito paparahin dahil may stiker na ito...tsk, tama si manong danny, binibigyan mo lang ng kalayaan ang mga magnanakaw na nakawin lalo ang sasakyan mo.
Mas maraming pasaway na kotse,
kaskaserong bus, walang lisensyang driver ng suv at mga kolorum na jeep, pero
bakit puro motor ang hinuhili? Mas maraming bumabangang bus, nalalaglag na jeep
sa tulay, at lasing na driver ng kotse, pero bakit puro motor ang hinuhili?
Hindi kaya bias na ang nangyayaring ito, at bakit nga ba sa motor lang sila
naka tingin, gayung wala namang na rape dahil sa walang helmet, walang batang
adik dahil sa naka tsinelas mag motor ang tatay nya, may proyekto naba ng
gobyerno ang hindi natuloy dahil saw ala akong side mirror? May mangagakaw bang
congressman dahil walang rehistro ang motor ko? Masydaong mainit ang mata ng
lahat sa naka motor, pero walang pumapansin sa cancer ng lipunan ng mga
politico.
Ang mga holdaper kung wala sa jeep
nasa bus, ang tulak naka suv ang pokpok nasa hotel, ang mga magnanakaw naka
barong at naka upo lang sa kamara. Pero mas masarap hulihin ang motor.
Masayadong pina iigting ang batas tungkol sa pagsusuot ng helmet, pero yung
batas sa droga, kung san mas maraming namamatay ay hindi pinag iigting, bakit?
Eh gabi gabi tambay padin ang mga adik at tulak sa labas naming. Lahat ng
alagad ng batas may diskarte sa pang huhuli ng naka motor, pero walng gumagawa
ng paraan para mahuli ang mga kapwa nila higad. Puro motor, wala ng nahuling
pusher, rapist, at mga arroyo. Sayang…
Kung sususmahin, maganda naman ang
hangarin ng gobyerno sa ting mga mamayan, pero palagay ko, kung ayaw ng tao mag
pants and shoes papuntang isdaan eh walang basagan ng trip. Pangit naman
sigurong mag helmet kung alam mong pinagbabawal ng mayor mo dahil my treat na
ang buhay nya, hidni naman siguro tama na di ka makapag open pipe dahil maingay
ito sa gabi gayung wala pang 8pm garahe na ang motor mo.
Tsk, wala ngang patutunguhan ang
byahe ni juan, dahil paparahin lang sya ng LTO dahil sa violation ng kanyang
sasakayn, habang ang mayayaman na kawatan kahit walang rehistro ang sasakyan,
sasaluduhan at dirediretso lang sa daan.
find the flaw. |
No comments:
Post a Comment