konitsiwa!!!

I'll be back...soon.

Sunday, November 7, 2010

Pandora’s Box...



            Si Norman B. Larsen, founder ng Rocket Chemical Company, ay isang chemist na mahilig umimbento ng mga bagay na kapakipakinabang sa araw-araw na pamumuhay. Maraming trial and error bago nya makuha ang isang perpektong bagay. Isa sa magandang halimbawa nito ay ang water-displacing spray number 40 o water-displacement 40th  attempt. Matapos ang mahabang proseso ng paaaral at pagtuklas ay dumating din sya sa tamang solusyon ng kemikal para miwasan o matangal ang mga kalawang at pag-kaagnas. ang nasabing solusyon ay pasa-hangang ngayun ang inaasahan ng maraming tao sa pag-tangal kalawang at proteksyon sa pag kaagnas . Kahit ang NASA ginagamit to. Water-displacement 40th ateempt o mas kilala sa tawag na WD40. “Parang monstar88 lang ano? Pang 88 din na pangalan nila yan.”

            



           Ayon  kwento sa griyegong mitolohiya, si Pandora “ibig sabihin ay likas na pinag-pala” ay ang kaunaunahang babaeng nilalang ditto sa mundo. Sa utos ni Zeus ka Hephaestus, ginawa nya ito sa pamamagitan ng tubig at lupa, habang biniyayaan pa ng ibang mga diyos ng kanilng mga likas na katangian ang babaeng nilalang. Matapos nakawin ni Prometheus ang apoy sa Bundok ng Olympus, hinabol sya ni Zeus sa lupa ng may paghihiganti habang inawanan nay sa pangangalaga ni Epimetheus si Pandora kasama ang iwang malaking banga. Dahil sa kyuryusidad, binuksan ng huli ang banga at naglabasan ang lahat ng kasamaan ng mundo na laman ng banga maliban sa isa...

       

         


                  “Somewhere in this darkness there’s a light that I can’t find. Maybe it’s too far away or maybe I’m just blind.”
                                                                               - 3 doors down
           
     


       Pag-asa, isang bagay na kailnman ay hindi makukuha ng kahit sinuman mula sayo. Isang bagay na nasasa-iyo lang kahit anong mangyari. Nasa puso mo lang to,kung papakingan mo lang. Naiintindihan ko na minsan sa punto ng mga buhay natin ay parang nawawal na’to. Pakiramdam mo nalalakad ka patungo sa isang lugar na masalimuot, madilim at nakakatakot.tila ba patungo ka sa isang lugar na nakakatakot sa pelikula..subalit wag mong kalimutan na kahit ang mga horror movies may magandang ending padin sa dulo, kahit na ilang sequel p yan. Isipin lng natin na may magandang bukas para sa lahat. Kahit na malamok wag kang mawalan ng pagg-asa. Sa kahit anong sitwasyon, kahit kelan o punto ng iyong buhay. Tandaan mo kahit anong problem o pag-subok pa yan, may solusyon lahat ng bagay. Kung pag-asa nalang mawawala pa sayo, ano pang silbi ng buhay mo? huwag kang malumgkot sa mga bagay na hindi mo pa makamit. May mga sadyang bagay na hindi pa oras para mahawakan mo, yung mga hindi para sayu, labas na ko sa mga bagay na yon. 
                        
                                
     
           Kahit na ilang beses ka madapa, bumangon ka padin. Kasalanan mo na kung mananatili ka nalang na nakaratay sa kinalalagyan mo at hahayan na tapakan ka ng tadhana. Ikaw ang magdedesisyon, kasama nito ang pag-kilos. Pansinin mo ang mga bata, nadadapa sila at umiiyak pero patuloy parin silang bumabangon, lumalakad at sumusulong.


                  
         “but I know I must go on, although I’m hurt I must be strong, because inside I know that many feels this way.”


                                                                                                                        - Creed

No comments:

Post a Comment