Hindi sa lahat ng pagkakataon masusunod ang gusto natinn. Lalo na at tayo lang ang may gusto. Paano namn yung gusto nya? Yung gusto nila? Mahirap ipag-pilitan ang bagay na ikaw lang ang makikinabang, tandaan mo pano naman sila? Kung lagi mo pagpipilitan yung sayo, wala ka din pinag-iba sa politikong kinakamkam ang pera ng bayan, bulsa nya lang ang yumayaman.
Minsan kailangan nating mag-sakripisyo. Hindi para sa kanya o sa sarili mo, kundi para sa inyo. Walang say-say ang sakripisyong walang nakikinabang. Kasama ng saripisyo ang salitang sakit, oo naiitindihan ko, nasasaktan ka. Subalit hindi nito ibig-sabihin na hindi sya nasa-saktan. Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Hindi lang ikaw ang nahihirapan. Dumating lang kayu sap unto kung san kailangan mamili. Kaligayahan nyo o ang kinabukasan nya? Sounds familiar. Hindi pede lagi ang gusto natin, kahit ang “apir” o “high-five” kailangan ng dalawang kamay para magawa. Hindi ka pede pumalakpak ng isang kamay lang. Kahit sa holding hands. Kailangan hawakan nnya din ang kamay mo para mas matibay ang grip.
Naiintindihan ko, masakit, malungkot. Pero hindi lang ikaw ang nakakaramdam nyan. Dalawa kayu. Alam ko pakiramdam mo unti-unti dumidilim na ang paligiid para sayu. Napapalitan na ng lungkot ang dati nyong masayang mundo. Alin nga ba ang dapat, yung madali o yung tama. Ikaw na ang mag-sabi. Sob.
galing..! 2 thumbs up..! super like kumabag! ka relate isang daang porsiyento!
ReplyDeletesalamat....may nakkbasa pl ng mga gawa ko....salamat
ReplyDelete