Nang mag crew assembly kami...sang katutak na hugas kamay ang nangyari.laging sisi saming mga crew ang kasalanan, clang mga mas-mataas ay lagging tama, magaling, perpekto at hindi nagkakamali. Kung katas ito ng ugali ng mga romano na nag-huhugas kamay ng patayin nila si kristo ay hindi ko lang alam. Marami ang nagulat ng gabing yon, nauna kaming mag opinion survey (pagkakataon mong sabihin lahat ng mali) bgo sila nagsalita ng kanilang mga magaling na litany. Tuso. Kung inuna lang sana nila ang litany bgo ang laglagan, di sana sila ang nayari hindi kami ang nayari.
Likas na daw sa tao ang manisi. Kahit sa bibiliya nakatala ito.
Nang dumating si God sa hardin ng eden, tinanong nya si adan:
“adan, kinain mo ba ang pinag-babawal na bunga?”
“si eva po kasi pinakain ako!” genesis 3:11-13
Toinks...kita mo na. Sablay ang sagot. Biblically maninisi na tayung mga tao. Higit pa yan sa mga historical accounts na pd mo mabasa. Kung kasing kitid nang pick ko ang utak ko, malamang iisipin ko na namana natin ito mula kay adan.
Ito ang mahirap sa tao, madalas kasama natin cla sa sarap, pag dating sa hirap iiwanan ka na sa ere..ang masaklap..ibebenta ka pa nila. Sa trabho, may mga taong nagpapayo sakin tungkol sa mga taong dapat mong iwasan..yun pala sila yung nanlalaglag sayu.badtrip. akala mo tutulungan ka nila...hindi.
Tanda ko pa, ako lagi ang buntunan ng sisi, pang kalang lagi ang pangalan ko sa lahat ng kabalbaln ng mga tropa ko. Kaya yung mga magulang masama ang tingin nila sakin, nabaliktad na ang storya. Hindi manlang naisip na sinasamahan ko lang yung anak nilang mga ulupong. Binabantayn nab aka gumawa ng kung anung ka-dimonyohan. Di ka na napasalamatan..na sisi ka pa...
No comments:
Post a Comment