may you rust in peace. |
Hindi ko alam kung anong
klaseng kanta o musika ang pinapakingan nitong tao na ito, at hindi ko rin
kilala ang mismong gumawa ng post na nabasa ko, pero hindi naman ibig sabihin
nito ay hahayaan ko nalang ang mga mapanirang salita nya laban sa matabang
musika ng mga pinoy. Kung ang nagging batayan sa akda nya ay ang hindi paglabas
ng bagong Kanta nila ai-ai delas alas, piolo pascual, marian rivera at dingdong
dantes, eh hindi ba masyado namang bias para mga musikerong pinoy na gumagawa
ng kalidad na musikang maipagmamalaki ng ating lahi. Kung ano man ang nakita
nyang problema sa pinoy music scene, malamang tinignyan nya lang ito at hindi
pinakingan.
Wala ako sa music
industry na tulad ng iba ay pinagkukuhanan ng kabuhayan, kumbaga taga kinig
lang ako, at sapat na ang tenga namin na taga kinig para sabihin sayu sir leloy
na mali ka sa nakikita mo, mukhang kay jay Contreras ka nakatingin nung sinabi
mong patay na ang OPM, sabagay kahit si jay mismo baka inakalang patay na ang
OPM pag nakita nya sarili nya. Pero sana subukan mo muna silang pakingan.
Sa bagay na sinasabi mo na
hindi makatotohan ang pagpapakalat ng musika ng mga indie band gamit ang internet,
mali ka ditto sir, madaming banda ang nakikilala dahil ditto, kahit ang
dreamtheater manomano pang namimigay dati ng demo tapes nila para makilala,
walang taong ng umpisa sa rurok ng tagumpay, maliban siguro sa paborito mong
bee gees na mapepera kaya nabili ang kasikatan. Pero teka nga lang, nakikinig
ka nga ba ng OPM, o nakikita mo lang sila? Sinubukan mo na bang bumili ng mga
indie band self-released/financed/produced cd? O puro maskulados at mocha girls
lang ang pinapakingan mo?
Nauunawaan ko ang
pinupunto mo tungkol sa mga walang-kamatayn na revival/rendition ng mga unang
kanta para magkapangalan ang nagpupumilit maging musikero, pero napuna mo rin ba
na puro artista lang ang gumagawa nito at kung sino mang banda yung nag revive
ng kanta ni Michael w. smith, eh sila yung mga sinasabi mong pumapatay sa
industriya.
Oo maraming kanta sa
pinas basura, pero siguro mas masasabi kong patay na ang OPM kung patuloy na
kakanta si Jericho Rosales at Gabby Conception, idagdag mo pa ang anak nito na
si kc, eh malamang patay na talaga ang OPM.
Madaming magaling na
musikerong Pilipino, kahit na pangit ang record deal sa mga recording company
kaya napipilitan silang maging independent o’ indie. Sinubukan mo na ba silang
paking? Sinubukan mo na bang dumaan sa tower of doom? Ang yosha napakingan mo
na ba? Mataba at malusog ang musikang pinoy, bukod kay Rico Blanco, nasubukan
mo na ba pakingan si Ebe Dancel? Ang Typecast, VOC, urbandub, wolfgang, o sig glock
9? Ang Tanya markova, slapshock o ang greyhoundz napakingan mo na? O baka si
L.A. lopez lang ang nadinig mo? Ah, nakalimutan ko si dennis trillo ang
pinapakingan mo. At dapat ko pa bang sabihin sayu ang mga nagawa ng ilan nating
kababayan na pinoy sa industriya ng musika sa labs n gating bansa?
Sobrang dami ng magaling
na musikerong Pilipino, at ilan ba ang kilala mo? O nakuntento ka na sa
kakatingin sa litrato nila sa pulp magazine at inakalang kasing dumi ng itsura
nila ang tugtugan ng mga bagong banda?
Oo naiitindihan ko,
matindi ang manipulasyon ng media ditto sa bansa, pero hindi lahat nakukuntento
sa ganitong pakulo. Tama ka, kahit na puro basura ang napapakingan ng mahihirap
na pinoy, hindi lahat ng pinoy ay patuloy na magiging tanga, maganda sa ang
gusto mong sabihin, pero nakalimutan mo ang mga numero unong gumagawa ng
basurang musika, hindi ba o mga de kalidad na rapper, kadalas mga artista na
nagpupumilit ngumawa.
Ang ganitong manopolyo ay
hindi lamang ditto sa pinas, masyado mo naman tyung binabagsak, nasubukan mo na
bang bumili ng cd ni Paris Hilton, Russel Crow at marami pang iba.patunay lang
na hindi lang ditto nag factory ng basura. Para ka naman wala sa media, kundi
mo malalaman ang bulok na sistema, sabi nga na kamikaze sa dati nilang interview
sa pulp magazine “I think it was sept 2005 issue” ang gusto ng mga record label
ay yung mga dede, wala sa musikero ang problema. Saka bago mo punahin ang
musika, bakit hindi mo muna subukan tigan nag mga basurang teleserye ng mga tv
station. sabagay, maraming musikero ang papogi nalang ngayun, pero wag mu sanang lahatin.
Sayang, maganda sana ang
sentimyento mo, pero di mo masabi ang ugat ng kamalian, media. Oo, nakuntento
na sa pagpapakalat sa mga networking site ng mga bagong banda para ipakalat ang
kanila musika, eh kung imbis na nag-post ka ng tungkol sa Kamatayan ng OPM eh,
gumawa ka nalang ng makabuluhang article tungkol sa mga pilipinong musikero? Sayang,
may bayag ka para magsalita, kaya lang wala kang bayag para tumulong sa mga
musikerong nagpapakahirap gumawa ng kalidad na musika. Tama ka, puro basura ang
natatangap ng pinoy, tulad ng gawa mo. Basura.
No comments:
Post a Comment