konitsiwa!!!

I'll be back...soon.

Monday, August 20, 2012

Bakit Part 2



look!







-          Lightning doesn’t strike at the same place…twice.


Pero kung titignan mo ang nangyari sa ilang bayan dito sa laguna at mga karatig probinsya, tila yata medyo sablay ang pananaw na ito. Kayu man ang malubog nanaman sa baha…nanaman, tignan natin kung hindi ka ma temeng.

Sa pangalawang pagkakataon sa loob ng tatlong taon muli ay nalubog nanaman kami. Hindi man sa putik, mapurwisyong tubig naman. Malansa, mabaho, madumi. Amoy palang masusuka ka na.

August 7, 2012 ng literal na malubog ang ilang bayan di lang ditto sa laguna, kundi sa mga kalapit probinsya at ilang syudad sa ka-maynila-an. Sa paulitulit na pagkakataon, lumutang ang mga sasakyan, may nawalan ng tirahan, sinalpok ng basura at kung anu-ano pang pwedeng ilutang ng baha. Kung iisipin mo, bakit nga ba tayu binabaha? San galing ang tambak ng basura sa manila bay pagkatapos ng unos? At bakit mo nga ba binabasa ang post na ito.

scene from a window
3yrs, matapos kaming malubog sa putik, nakabangon na kami. Pero ang nakakatawa lumipat kami ng bahay, sa lugar kung san geographically ay mas mababa pa sa dati naming tinitiran. July pa lang lubog na yung ibang lugar sa santisima cruz “isang brgy. Ditto sa santa cruz”. Sobrang aga ng pag-baha. Pag pasuk ng august lubog na kung tabi ng bahay. August 5, lubog na ang harapan. August 6, ga binti na ang tubig. Late na ako nakapasok, undertime pa dahil patuloy ang taas ng tubig. Mabuti nalang may mga trustworthy akong mga tropa na pedeng tawagin anytime. 630pm natapos kaming maghakot. 7pm literal na nalubog sa tubig ang bahay na tinitiran namin. Sa ngayon, pati ang bahay sa santo anghel may tubig na. taas-baba lang ang tubig. Bumababa pag naulan, at nataas kapag maiinit. Ayus sa olrayt!

water world
Habang ginagawa ko ang post na ito, lubog pa din ang bayan ko. Samantalang dati, flash flood lang. wala ng tubig, kung nayroon man, mataas lang ang tubig sa ilog. Minsan naiisip ko tuloy, pati pala baha, pinupulitka na. ang tulong ng mga NGO,s napupulitika, at asan na ang mga ROTC natin?

Nakakatawang isipin na andami natin ROTC graduates, pero ilan sa kanila ang napakinabangan natin nug baha? Sa bagay hindi sila sinanay para ditto,para sag era kung san ang praktisan ay ang kanyang kapwa kababayan. Anung silbi? Anung saysay? Mas kailangan natin ng mga taong tutulong sa oras ng kalamidad. Kaysa riffle at about face ang ginagawa natin, mas kailangan natin ng pala, braso, kamay sa pagtulong. kayo, nasasainyo na pano tangapin ang punto kong ito, muli ito ay opinion lang ng may akda.

14th month na to!
Di umabot ng isang lingo, dumating din sa bayan ko ang mga tulong ng nga NGO’s, mga politico at nangangarap maging politko. Iba talaga ang nagagwa ng media, pero di ko manlang nakita sab aha ang mayor naming. Sayang, nakamayan ko sana. May namigay ng bigas, ang iba mga damit, yung iba plastic bag ng ibat-ibang can goods. Lahat may ibinibigay na tulong, pero kung may nakarating talaga sa mga nangangailangan ng tulong, hindi ko lang alam. Sayang, hindi ko na-litrahuhan yung mokong na kapatid nung taga munisipyo. Nakatambay sa store, may apat na plastic bag ng  GMA7 kapuso, ang malupit yung kapatid nya bumalik pa. %$#*inang yan, nagkakupalan pa. tulong na sa mahihirap, ninakaw pa. simpleng tulong mo para sa mga kapos, ninakaw pa. kaya ang iba, ayaw padaanin sa gobyerno ang tulong, sa 10 tulong na bininigay mo, 12 dito binulsa ng mga gago.

maximize the situation!
Kahit sa trabaho matatawa ka, tinanong pa kaming kung gano kalaki oh kamahal yung damage sayu nung baha, sagutan naman kami. Ako nialagay ko, house totally submerged in water. About Php. 20,000 worth of property had been damaged. Ang natangap naming isang lata ng biscuit, 4 na moo, 4 na plus…grape flavour pa…yummy! at take note, malamg may 14th nanaman ang mga manager, taas ng benta ah, Pabor pa sa kanila ang pagkakalubog ng santa cruz at nasa harap namin ang palenke. maniwala ka.

Ang tulay ng santo anghel central, hangang ngayun putol parin, inunang tapusin yung tulay sa dulo. Ayus, maganda ang pagkakagawa. Pero di magamit, dahil 2story ang lalim ng baha, siguro yung mga isda sa umbo yang nagamit natawid papuntng norte.

callios pa lang yan...
Pero bakit nga ba nalubog kami? Bakit ayaw bumaba ng tubig? Bakit sa manila after ng ragasa ng tubig, nawala kagad ang baha? Sabi ng erpat ko, iisa daw ang sagot jan. politika na sasanga sa tinatawg nilang “mangahan floodway” isang device na ginawa noong 1986 para maiwasan ang pagbaha sa metro manila, ang sole purpose nito ay paagusin ang labis na tubig sa pasig river papuntang laguna lake at kung sakaling mas mataas ang tubig ng lake, magsilbi itong  flood way papuntang manila bay ng tubig ditto. Idagdag mo pa ang  Napindan Hydraulic Control System (NHCS).  Kung san ay nagreregulate ng tidal flow sa pagitan ng manila bay at laguna de bay. Ang lupit ano! Biruin mo may nanagawa palng maganda ang pamahalaan. Kudos san aka-isip nito! Kaya langa….wala ring saysay, dahil sarado, ayaw buksan, baka malubog ang mga informal settlers sa mga tabing ilog ng maynila. Punyeta…lubog na kami. Mahaba din ang pakikipag talo ng tatay ko sa bagay na ito, mahirap daw maging maalam. Sayang, walang pera ang tatay ko para paniwalaan ng karamihan.

bawal malubog sa baha.

Atin-atin lang to ha, usapang mag-kakaututang dila. Alam mo ba kung nasan ang Malacañang Palace? Nasa tabi ito ng Pasig River. Isipin mo to ha, bakit nanaisin ng Pangulo mo na Paganahin ang NPHS kung lulubugin ang palasyo? Hayaan nalang natin malubog ang mga mahhihirap? Pero bakit nga ba walang nakaka-alam ng mga ito, topsecret nanaman ba ito? Buti pa ang sexlife ni chris Aquino kahit walang kinalaman ang bayan, binabalita at pinaguusapan ng bawat Pilipino. Idagdag mo pa yung anak ni Gloria na kinasal nung panahon nya, may napal ba tayu? Bukod sa wala akong napala kundi bugnot at asar, dahil lahat ng chanel sa T.V. ito ang palabas.


Hindi mo naman kailangan ng utak ni Mendel, Aristotle o kahit ni Darwin para maunawan ang daloy ng kalikasan. Ang ulan na bumabagsak ay dumadaloy sa ilog, patungo sa mas malaking katawan ng tubig, patungo sa dagat hangang sa karagatan. Pero ditto sa pinas, ang tubig ulan, na dumadaloy sa ilog, binabalik sa mas mababang uri ng ilog, para malubog ang mahihirap na Pilipino.

care to swim?
Nakakalungkot isipin na dahilsa kawalangyaan ng iilan ay nagdudusa ang karamihan, sa katangahan ng iilan, lumulubog sa baha ang karamihan. Tulong na sa nawalan, ninanakaw pa ng mga hinayupak na lintang sumisipsip sa progreso n gating bayan. Hangat hindi natin naitatama ang pagkakamali ng mga nauna, patuloy tayung lulubog sa tubig, putik, at minsan sa dagat ng katangahan dulot ng kasakimaan ng mga tao sa pamahaalan. Hangat hindi nakakrating ang tulong sa mga nawalan, hangat sinasanay natin ang mga kabataan makipagpatayan sa Mindanao kaysa tumulong sa nabahaan, hangat may mga taong pan-sarili lang ang inaatupag, palagay ko malayo pa tayo sa tuwid na landas na hinahanap ng pinuno nitong bansa. Para lang tayung nagpapaikot-ikot sa tsubibo ng tadhana, nakatanga, nakatungangasa gagawin ng pamahalaan..sayang, walang silbi ang tatas sa pagsasalita, kung wala naman Makita sa gawa. Kahit ang mga batam kayang magsalita.





Manggahan Floodway
From Wikipedia, the free encyclopedia
Coordinates: 14°3130N 121°0810E
Manggahan Floodway

Country     Philippines
Region      Metro Manila, Rizal
Source      Marikina River
 - location  Pasig City, Metro Manila
 - coordinates     14°3556N 121°0525E
Mouth      Laguna de Bay
 - location  Taytay, Rizal
 - coordinates     14°3130N 121°0810E

Length      10 km (6 mi)

Pasig-Marikina River basin with the Manggahan Floodway shown in cyan.
flooded floodway
The Manggahan Floodway is an artificially constructed waterway in Metro Manila, the Philippines. The floodway was built in 1986, [1] with the cost of 1.1 billion pesos, in order to reduce the flooding along the Pasig River during the rainy season, by diverting the peak water flows of the Marikina River to the Laguna de Bay which serves as a temporary reservoir. In case the water level on the lake is higher than the Marikina River, the floodway can also reverse the flow.

By design, the Manggahan Floodway is capable of handling 2,400 cubic meters per second of water flow, although the actual flow is about 2,000 cubic meters per second. To complement the floodway, the Napindan Hydraulic Control System (NHCS) was built in 1983 at the confluence of the Marikina River and the Napindan Channel of the Pasig River to regulate the tidal flow of saline water between Manila Bay and the lake, and to prevent the intrusion of polluted water into the lake.

It has a fully gated diversion dam at its head and was designed with a width of 260 meters (850 ft). Over 40,000 households are situated along the floodway's banks  and these shoreline slums have reduced its effective width to 220 meters (720 ft). Kangkong is cultivated extensively in the floodway as well.

Environmental concerns:

By carrying flood waters to Laguna de Bay, the Manggahan Floodway lessens flood conditions in Metro Manila but contributes to flooding of the coastal areas of Taguig, Taytay, and other towns in Laguna and Rizal along the lake. Incidents of severe floods became more frequent and lasted longer in these areas since its construction.[1] An unusual large flood occurred in October/November 1986, lasting for 2 months and resulting in high mortality and morbidity rates due to gastroenteritis and other water-borne diseases.

alam mo naman siguro ito...
Furthermore, pollution and sediments carried by the floodway will jeopardize the existing and potential uses of the lake. The sedimentation rate of the lake is estimated at 1.5 million m³/year with the Marikina River as a major contributor of silt to the lake through the Manggahan Floodway. Additional pollution comes from the shoreline settlers, living in slums up to 5 rows deep, whose waste goes directly into the floodway.
[edit]2009 Flood



Aerial view of Manggahan floodway a day after Tropical Storm Ketsana hit the National Capital Region, leaving massive flooding in its wake.

On September 26, 2009, at about 6:00 pm PST, the 50-mph "Tropical Storm Ketsana" (called "Ondoy" in the Philippines) hit Metro Manila and dumped one month's rainfall in less than 24 hours, causing the Marikina River system, including the Manggahan Floodway, to burst its banks very rapidly. It is thought that blocked pipes and a poorly maintained sewer system, along with uncollected domestic waste, were major contributory factors in the speed with which the flood waters were able to engulf the surrounding area. The illegal settlers especially were blamed for flooding since their houses reduce the effective width and blocked the flow of the floodway. During the height of the storm, the Marikina River had a flow of about 3000 m³/s (106,000 ft³/s), and the head of the UP National Hydraulic Research Center stated that the floodway could have handled this flow without overflowing if there were no settlers on its banks.

Consequently, in February 2010, President Gloria Macapagal-Arroyo revoked Proclamation 160 that reserved 20 parcels of land along the floodway for 6700 urban poor families, and ordered the forcible relocation of the illegal settlers whose houses were blocking the waterway to Laguna de Bay.

    

No comments:

Post a Comment