senglot. |
May nag
sabi na kapag mahirap daw ang isang bagay, ditto na daw tinatamad ang mga
pinoy, tila computer games na dapat novice o easy lang dapat ang difficulty
level. Sabagay, kahit ako pag mahirap ang sinisipra ko, tinitigilan ko muna,
pag kalmado na ang utak at malinaw na ulit ang tenga, saka ko sinisimulan ulit
pakingan, at ibang bagay ito. May isa naman nag sabi na sa oras palang, kita ng
tamad tayo, kaya siguro nagawa ang salitang FILIPINO TIME, kung kasama na to sa
Webster dictionary ay hindi ko pa lang alam.
hep-hep? |
Pero ano
nga ba ang katamaran, at ano nga ba ang kasipagan. Medyo ilang araw ko na din
itong tanong sa sarili bago ko pa ginawa ang post na ito. Siguro kung ang
tanong o statement na “tamad si juan” ay hindi sakin nagmula at galing sa bibig
nang isang bunganga ng banyaga, malamang worldwar3 na at sinisimulan na natin
mag punas nang sariling puwet kaka paliwanag at bigay ng halimbawa ng pagiging
masipag ng mga pinoy.
Madaming
Pilipino ang nagiibang bansa para magtrabaho, nagsasakripisyo para umasenso ang
buhay ng kanyang pamilya, Masipag! Mga tatay na naglalagare sa trabaho para may
pagkain na ihahain sa lamesa..ayos diba. Kung sa ganitong aspeto natin
titignan, masisipag talaga nag mga pinoy! Pero ito ba talaga ang kasipagan?
Kung sakaling walang sweldo ang trabaho, palagay mo ba may magtatrabaho pa ba?
Sa
personal kong opinion, hindi lang ditto ito nasusukat. Ang kasipagan ay isang
malawak na aspeto na hindi natin pedeng limitahan lang sa pagtatrabaho.
Kasipagan sa kalinisan, kasipagan sa katarungan, kasipagan sa kaayusan, tila
yata masyado na talagang nagging tamad ang mga pinoy.
Nagawa ang
ATM para maiwasan na ang mahabang pila sa mga bank teller, ang pulley para
mapagaan ang mga binubuhat, ang remote control para wag na tayung mapagod sa
pag tayo para ilipat ang estasyon na pinapanood. Ang email ay naimbento para
palitan ang tawag sa airmail bilang snailmail. Ang motor ay naimbent para sa
mga tamad mag bike, at ang bike ay naimbento para sa mga barat na ayaw magbayad
sa tricycle. Ang escalator, elevator, at gondola lift ay naimbento para bawasan
ang nakakahingal na pagakyat at baba papunta sa ibang floor ng mga mall, pero kung
bakit may taong pinipilit dumaan ng pababa sa pataas na escalator ay isang
misteryo na hindi maipapaliwanag ng mga ekperto kung bakit may mga taong
sadyang pinanganak na ungas. Ilan lang yan sa mga bagay na nagpapagaan ng
trabaho natin, simple machines ang ilan, bukod sa washing machine, rice cooker
at psp, ito ay mga simple imbensyon para maging tamad ang mga tao.
wake up baby! |
Sobra ang
trapik sa bansa, pero maniniwala ka ba na katamaran ang sanhi nito? Katamaran
sumunod batas ng lansanagan, katamaran mag-lakad ng ilang metro, katamaran,
katamaran, katamaran. Pansinin mo lang sa ibang bansa, walang tamang lugar ng
sakayan at babaan, disiplinadong mamayan lang. walang pumapara sa gitna ng
disyerto dahil walang bus stop na dito, walang biglng tumatabi na sasakyan para
mag sakay dahil maari itong magbigay ng aksidente. Kung limang kanto ang layo
ng babaan sa bahay nila, ayos lang maglalakad sila. Kung sakaling late na sila
sa trabaho at 100 kanto ang layo ng opisina sa babaan, tatakbuhin nya ito. Isa
sa sanhi ng mabigat na trapiko sa ating bansa ay ang katamaran maglakad, ang
tricycle ay naimbento para sa mag taong may pambayad at ayaw maglakad ng limang
metro. Bukod sa kaartehan, katamaran na
siguro ang ugat ng mga sakuna sa kalsada.
“bilis bilis lang ho at bawal mag-baba ditto, baka ho
mahuli pa tayo.”
Sigurado
ako, kahit isang beses ay nadinig mo nayan. Tila ng magandang loob si manong na
ibaba tayo sa lugar na hindi naman dapat babaan. Katamaran. Sobrang bagal
nating kumilos, kaya late tayo lagi, walang tamang babaan dahil kahit san may
bumababa at sumasakay, tamad mag-lakad.
Minsan sa
trabaho, may customer na tumawag at nagnanais magpa-deliver, ang siste, kung
pede na daw walang delivery charge dahil malapit lang. malapit naman pala,
bakit hindi pa sya ang mag punta, katamaran? Hindi ba? Malapit naman pala, bakit magpapa deliver pa? Kaya
nga tinawag na fix-delivery-charge. Regardless kung malapit o malayo, marami o
maunti, fix po ang bayad. Ang mga delivery service ay pabor sa mga taong
madaming ginagawang trabho at hindi maiwan ang mga ito, given na may makapal
silang bulsa para gastusan ang bayad ditto.
Kaya
maraming basura, ay dahil sa mga taong tamad mag-hanap ng basurahan. Hindi
dahilan ang kawalan ng tamang tapunan, andami, mag hanap ka lang. ang totoong may
sala ay ang ating katamaran. Mga balasubas na basta nalang nagtatapon ng
kanilang upos ng sigarilyo, mga kalat na hindi na umabot sa tamanag tapunan.
Ang bulsa ay naimbento para tapunan ng kalat mo kung walng basurahan na malapit
sayo. Sakit na ata nating mga pinoy ang salitang kunat. Kinukunat tayong gawin
ang tama. at kung titignan ko, sobra sobra ang street sweeper sa bansang ito,bagay
na hindi ko nakikita sa ibnag bansa. Walang halong pagtataas ng itlog, hindi
ako nagtatapon ng kalat ko sa kalsada, kahit si jayjune ay may ugaling ganito.
Kahihiyan ang tawag ditto, nahihiya kaming may makakita at makantsawan na
balasubas. Andaming metro aide sa bansa natin, mga basurero dahil kahit san may
basura. Hiring kaya sila?
Mabaho at
mapanghe ang bansa natin at ito ay dahil sa mga taong tamad mag hanap ng tamang
palikuran, ang solusyon, bukod sa portable toilet ng mmda, mga kanto, at
masisikip na eskenita na ginagawang palikuran. Katamaran sa pag hangad ng
kalinisan. Hindi ako naniniwala na may kakulangan tayo sa tamang ihiian, sa
dami ng mall sa kamaynilaan pano nila sasabihin na walang tamang maihian.
Naalala ko yung katrabaho ko dati,nung 3 araw
na walang kuryente sa pagsanjan, buong lakas loob sya naki plantsa sa isang
bahay na hindi kakilala, malapit sa bar na pinagdadausan ng party namin. Kung
ang mga pinoy lang ay may ganitong ugali, kesa gawing public urinal ang mga
pader.
tamad nga ba si juan? |
Ang commonwealth avenue ay
kilala din sa bansag na killer highway dahil sa dami ng aksidente na nangyari
sa nasabing lugar, bukod sa mga f1 truck driver at mga f16 jeeepneey driver na
mahilg makipag karera kay kamatayn dahil sila ata ay mauubusan ng daan, ang isa
sa pinakamataas na dahilan ng kamatayn ditto ay ang mga hinayupak na
jay-walkers. Mga taong tamad tumawid sa tamang tawiran. Tignan mo to ha, sa
pinas ka lang makaka kita ng mga taong tumatawid sa ilalim ng overpass at
ibabaw ng underpass, ang mga ganitong katamaran ay talagang bagay na hindi mo
makikita sa mga banyaga… now tell me, isn’t it more fun here in the
Philippines?
Fixers – isa sa mga necessity
ng tamad, kaya sila nabubuhay ay dahil sa katamaran ng mga tao. Hindi lang
naman sila ditto sa pinas nag-e-exist. Katamaran pumila. Kahit ang mga e-pass
sa mga express way ay isang paraan para sa mga tamad mag-hintay. Kahit ako asar
akong pumipila lalo na at naka duty ako tas pipila ako ng mahaba sa mga
establishment na binibilan ko, marami pa kong pedeng magawa kaysa pumila. Isa
sa sanhi ng buhol-buhol na sanga ng mga taong pawisan ang kili-kili ay ang
katamaran sa pag-pila. Sobrang ayaw nating nag-hihintay kaya nagging bihasa na
tayo sa “palakasan” at “pagsangat”. Kahit nung scholar pa ng dating gobernador
ang dati kong katipan, nauuna pang tawagin sa kanya yung mga late comer na may
kilala sa loob. Pugay kamay.
Minsan muli sa trabaho, isang
kupal na kasama ditto ang inatake g katamaran. Habang naghuhugas sya ng kamay
sa hand-sink namin ay umapaw ang drainage system namin dahil sa kapabayaan.
Barat na ang kumpanya para gastusan ang dapat gastusan, may bala subas pa
kaming kasama. Alam ng barado, di pa inalalayan ang pagpapadaloy ng tubig. Nang
umapaw, imbes na mop-pin at tuyuin, nilagyan ng “wet-floor-signage” kung crew
chief ako tulad ng kupal na to, siguro aasta ako ayon sa rate ko. Pero di lang
naman sya ang foul sa bagay na itom dahil kahit ang ka sama ko minsan may
pag-ka ganito, dahil kahit anong “tulo o water drippings” ang solusyon nya ay
“water-stop-sealanat. Katamaran pagaaralan ang sira.
Hindi ko naman sinasabi na
lahat ng pinoy ay tamad, mga 85% lang. ang natitira ay ningas kugon tulad ko.
Kahit ako inaatake ng paminsan-minsan katamaran. “oo, nagtatapon ako ng basura
sa ilog pag tinotoyo ako.” Pero sana wag naman sa lahat ng oras ay tamad tayo.
Minsan kasi yung tamad magtapon ng basura sa basurahan, ay sya pang tamad umihi
sa tamang palikuran at pag minamalas sila yung mga taong tamad mag t-shirt sa
labas ng bahay. Sabi nga ng isang pilosopo, mas nagtatagumpay daw yung
masisipag kaysa matatalino. Hmmm, kaya pala puro bobo at artista ang politico
ditto sa bansa, masisipag magnakaw ng pera ng bayan. Kung may talino ay di ko
lang alam. Siguro ditto ibinatay nung pilosopo ang kanyang kasabihan…
No comments:
Post a Comment