Mainit masyado ngayun ang usapan tungkol sa divorce, tayu nalang daw ang bansa sa mundo na wala pang batas ditto opinapayagnang nasabing solusyon sa naghihingalong relasyon. Ibig sabihin ba nito ay sagrado parin ang matimonyo ng kasal satin, o nabubuhay nalang tayu sa imahinasyon ng romano katoliko?
Annulment lang ang meron satin ditto sa pinas, kahit daw third world country tayu ay sagrado parin ang kasal satin, batay yan sa survey ng adik kong kaibigan. Annulment kung san mayayaman lang ang nakakatamasa, dahil masyadong mahal ang nasabing batas, mas mahal pa kaysa magpakasal. Kung iisipin mo, annulment lang ang mayroon tayu, isang batas kung san pwedng maghiwalay ang mag-asawa pero hindi pedeng mag-pakasal sa iba. Ayus, asan ang sagradong matrimonyo ng kasal ditto?Masyadong sagrado kaya ata, mas marami ang live-in ditto kaysa nagpapakasal.
Sabi sa isang interview sa tv na napanuod ko, binibigayn mo lang daw nang dahiln yung mga ulupong na mgpakasal ng pa-ulit-ulit, parang trial and error lang ano? Sabagay, may punto, rin naman sya ditto. Ang mananamasa lang nito ay yung mga kung mainlove ay parang palito ng posporo, mabilis magliyab, mabilis rin mamatay. Sayang lang yung ginastos sa kasal.
hug?
Ang pinag-isa ng diyos ay wag pag-hiwalayin ng sinuman, pero naisip ba kung si God ba talaga ang may gusto ng pagpapakasal nila, o baka bugso lang ng damdamin ang lahat ng yan? Dahil kahit ang mga dimonyo ay nkakaramdam ng tinatawag na adrenaline rush. Kala mo sya na talaga yun pala sarili mo lang ang sinunod mo, at kung may nakalaan talaga para sayu “ tulad ng sinasabi ng mga hipocrito”, eh palagay ko walang sense yung sinasabi natin na freewill.
Sabi ni rick warren sa aklat nya na A PURPOSE DRIVEN LIFE o ANG BUHAY NA MAY LAYUNIN, maari mo raw pillin kung ano ang gusto mo maging trabaho, kung gusto mo maging inhenyero, musikero, cook, o isang lasingero, lahat yan ikaw ang pipili para sa sarili mo, kahit ang iyong mapapangasawa ay maari mo rin piliin, ang tanging di mo mapipili ay kung anong layunin mo ditto sa mundo. Ito na marahil ang pinakamagandang paliwanag ng salitang free-will. Mula sa pag-gising mo ikaw na an gang dedesisyon para sa sarili mo, kahit ang desisyon na tangapin sya bilang Panginoon at Tagapagligtas ikaw ang magdedesison nyan. Baka iniisip lang natin na ito sya talaga ang kaloob ng diyos, pero nag totoo ang sinunod natin ay ang ating puso, bukod sa iba na utak ang ginamit at bulsa ang tinignan..
$%#^@(* 'WAG KANG UMILAG!
Maituturing pa bang kaloob kung araw araw kayung nagaaway? Kaloob parin ba ito kung past tym nyo na ay suntukan? Kung may-iba na sya, kung sa iba na sya nauwi, kung may isa pa syang pamilya. Oo, naiintindihan ko yung point na kawawa yung bata, dahil walang ibang magsa-suffer kundi ang mag tsikiting. Nangalin din ako sa broken family kaya naiintindihan ko yung point na mahirap mabuhay ng sira ang pamilya, may haterd, envy, grudge at minsan animosity. Ang mabuhay ng hindi kilala o alam kung mahalaga ka pa ba sa magulang. Kaloob parin ba ito kung wala ng pagmamahaln sa isa’t-isa? Kung mgakaganito asan ang freewill ditto? Freewill mo siguro na bugbugin ka ng asawa mo, at kung hindi man kalooban nya siguro na bugbugin ka ng asawa mo, pili ka nalang sa dalawa. Nasasayu narin siguro kung mananatili kang nakangitit sa harap ng mga bata kahit mata mo nalang ang walang latay. Ikaw ng bahala sa mga sugat mo, ipapakita sa kanila na ayus ka lang kahit ginawa ng punching bag ang buo mong katawan..at patuloy na iisipin at mangangarap na maayus pang ang pamilya mo, na magbabago pa ang asawa mong adik, na titigilan na ang panlalaki ng asawa mong Makati, iba talaga ang tao hindi basat nawawalan ng pagasa, nasa perception lang talaga yan. Apir!
May pagasa pa bang maisalba ang relasyon kung san may iba na sya, kung san ang kaya mo lang ibigay ay deathcyrollat sya ay flicker jab? Maayus mo pa rin ba yung relasyon ng adik mong asawa?Kung mura nalang ang kaya nyang sabihin, magtitiis ka pa ba?
ikaw lang mahal ko....
Ang pag-aasawa ay parang pagbabanda lang yan, sa una akala nyo iisa lang parehas ang gusto nyo, ang sumikat, pero pag sumikat na kayu, lumalabas na ang pag-kakaiaba sa gusto, may gusto pala ay pera, meron din naman gumaling pa at pilit man nilang iwasan sa pagkakawatak lang ang binabagsakan, kahit na ang dream theater ay iniwan na ni portnoy.
round 1:
Ang pag aasawa ay parang isang zipper, hindi pantay, may angat at lubog. Hind tulad ng utak ni chammar na flawless. Kung ano yung kulang nang isa pupunuan ng isa, at kung ano yung sobra nung isa tatangapin ng isa. Pero kahit na mag kaganito, patuloy parin silang mawawasak, dahil wala yung gamit sa gitna na naglock sa kanilang dalawa, ditto papasok si God, kung san sinasabi nilang si God ang nagkaloob. Hindi sapat na mahal nyo ang isat-isa, kailangan nyo yung magpapatibay na lock nyo. Kailanagn sya yung sentro ng lahat ng ginagawa nyo. Subukan mo alisin yan kung mananatili parin kayong intak sa isat-isa.
lalake + God + babae
Kung dadating man ako sap unto ng ganito, parang hindi ko kaang magpakasl ng dalawang beses o higit pa. Siguro kung mangangako ako sa harap ng pastor at tao, kayako yun, yung sabihin sa mga pakakasalang ko na mahal ko sila at magsasama kami habang buhay kayak o rin siguro yun. Pero yung humarap kay God ng paulit-ulit at sabihin na “ lord, sorie mali pala ako dun sa una.” Or “ eto na po talaga.” O “lord, pramis, this is it.” Hindi ko kaya yung mga ganito, parang trial and error lang? Tipong, lord, ulit ha?Tsk, ano to computer game, na kapag di mo matapos yung game, magpapalit ka ng character? Ayus!
Mula pagkagising sa umaga, nagdedesisyon na tyu kung tatangalin ang muta o magmumumog para mawala ang panis na laway, sa buong maghapon nagdedesisyon tyu kung ano ang gagawain natin, hangang sa pagtulog nagdedesisyon ka kung san o anong posisyon ka matutulog, lahat ikaw. Kung lahat ng gagawin mo ay kaloob, malamng isa ka ng robot na susunod. Hindi ako naniniwala na kalooban pa kung sinasakatan na nag isa, hindi kalooban ang lokohin ka at magpakamartir ka, desisyon nyong dalawa yan.Wag nyong ibunton ang nagging desisyon nyo sa kanya. Kayo ang nagdesisyon na sumakay sa byahe nay an.
ayus!
Isang lingo matapos ikasal ng aking kaibigan, nakilala nya yung tao na nagpabago sa nagging desisyon nya habambuhay. Ang tanong, kung totoo na ito ang tadhana, sino ang may kasalanan? Sya na nagging masyadong mapusok, o ang tadhana na nahuli ng isang lingo?
No comments:
Post a Comment