paalam. |
Ilang taun narin ang nakalipas mula ng mapatira ako kay papa, tito ko sya pero ang tawag ng mag-pipinsan sa kanya ay ganito, ewan kung bakit, basta ito na ang nakasanayan ko. Mahaba-haba din ang nagging samahan naming ni papa, at aaminin ko ilan taon din kaming nagkasira, paraning kasi kami.
Sira ang pamilya ni papa, third party, pera, respeto ito ang mga dahilan ng pagkakwatak ng pamilya nya. Sa kung anung mga bagay na minsan hindi talaga natin maintindihan.
Mabokang tao si papa, magaling mambola ika nga. Kita naman, babaero ang matanda. Pero sayang, di nya nabola ang mga tanga kong kamag-anak. May nagpunta man sa lamay nya, iilan lang.
Dogmatic si papa, bossy pa. Gusto nya sya lagi ang nasusunod, kung bakit galit ang mga kamaganak ko, siguro isa ito sa dahilan. Batas kasi si papa, ang gusto nya gusto nya, mataas pa sa empire state building ang ihi ng tito kong ito. Mayabang, mapang-mata minsan, pangkaraniwang ugali ng lahi ko, sayang di sila nagising mula sa kaugalian na to. At minsan kung mamalasin talaga, nang magsabog ng ingit sinalo nila lahat.
Sayang, din a ulit kami nagkausap ni papa, di ako nagbigay ng oras yung lang ang sagot, “di kasi ako naniniwala na kulang ang oras ng tao para magawa ang mga bagay.” Masarap kausap si papa, mga pananaw nya sa buhay, yung mga nangyari sa kanya, yung pagyayabang nya. Lahat yun masarap pakingan. Kung pano sya yumaman, kung pano sya nabaliw sa pilay na babae.. Hidni lahat ng sasabihin nya sayu tama o aayunana mo, kaya may utak ka para magdesisyon alin ang tatangapin at alin ang ibabaon kasama nya sa kahon.
Nakakalungkot ang lamay, ilan sa mga hinayupak kong kamaganak hindi nagpunta. May bisi, may galit, may tinatamad, may kunwaring sakit at yung isa hindi kasi makakapanlalaki. Sabi nga malalaman mo ang halaga ng tao kapag wala na sya, naitanim nya sa puso ng ilan...galit. Kahit ano talagang gawin mo para sa kamag-anak mo, pag dating sa huli ikaw parin ang masama.
Sa personal kong opinion isa sa mga dahilan ng pamama-alam ni papa ay sobrang lungkot, sayang, di ko manlang napakingan ang mga huling payo nya..sayang.
-sa takot kong walang maipakain sa pamilya ko nagtrabaho ako ng nagtrabaho, yumaman ako, kaso nawala sakin ang pag-galng at loob ng mga anak ko.
-papa roger
No comments:
Post a Comment