Masusspinde ata ako....
Puro ka kasi kalokohan...
Hehehehe....... (sa isip) kesa naman sa inyo na plastic.
Badtrip ako sa mga perpektong tao. Yung mga tipong makasalanan tyu at sila hindi. Yung mga pinagpala, matatalino, gifted, special sa mata ng madla, sa tagalong anak ng diyos. Sila yung mga tipong hindi nagkakamali. Kung magkwento sila, magaling sila, maganda ang anak nila, masipag ang asawa nila, halimaw sila sa kama at ang ganda nila. Isang magandana halimbawa nito si Kris Aquino, Kung may ginagawa man ang mga kapatid nya sa ugali nyang ito, ay malamang na wala. Ang mga nasabing taong ito ay yung mga tipong kung makapangaral ng iba ay napaksama na ng iba at sila ay malinis pa sa puti.badtrip.
Hindi ko alam kung likas na sa taong ang iangat ang sarili nya ng higit sa kapwa nya. Sabagay, mapapnsin mo kung paano magpa-tayo ng bahay ang mag-kapatid, pinipilit ng isa na taasan ang isa. Bahay pa lang to..panu pa sa mismong pamumuhay? Lagi nating tinitignan na mas magaling tayu kaysa kanila. Sabi nga ng manager ko.... “ pinag-isipan na ng matatalinong tao yan, ang gagawin nyo nalang ay sundin”! sa tagalong, mga bobo kami, sila matatalino. Kung saan man o kanino nila nakuha ang ideang to, malamang kahit si bill gates katatkutan maka-debate ang kumag na to.
Nang minsan makagawa ako ng katarantaduhan, na kwestyon ng isang magaling ang pananmpalataya ko. Kung kristyano daw ba ako. Napahiya ako. Pero yun ba talaga sukatan nun? Itinakwil ako ng sarili kong iglesia.. “sabagay, hindi ako ang una. Madami kaming nakaranas nito.” Inalimura, minata, minaliit, pinag-uspan sa likod ng tenga, na disrespect ng dahil sa isang kasalanan. Nakalimutan na ang lahat ng tanim ko. Ang mga paghihirap ko. Pagsisi sa nagawang kasalanan subalit kasabay nito ang muhi sa kanila. Ilang taon na din kong hinihiling na bumalik ng ilan sa nasabing iglesia, para rin naman akong sira ayukong lumipat sa iba pero ayuko ding bumalik sa kanila, ang kinalabasan. Ako ang naiwan ditto, at sila umusad na, habang pangatlong henerasyon na nang mga kiti-kiti ang kasama ko. Hangang ngayun tinatnung pa din ako kung kristyano ba talaga ako. Mina-mata.
....give us clean hand; give us pure heart...let us not lift our souls unto others.
Isinulat ni. Isa ito sa tinatawag na all-time favourite sa buhay kristyano. Malimit itong kantahin ng mga kabataan na nag-pupuri, ng mga pastor na nagbabahagi. Kung naiintindihan nila ang sinasabi nito ay di ko lang alam. Palaging nakakanta sa bahay sambahan ang nasabing kanta, subalit paulit-ulit na hinuhusgahan ang kalapit. Wala din tayung pinag iba sa taong marunung bumasa subalit walang kakayahang umintindi.
gm txt : “sinong mga magnanakaw jan?” (ang tinutukoy ay kung sino ang hindi tapat sa pagbibigay ng ikapu).
Pastor: “panginoon ‘wag mo pong biyayaan ang hindi nagkaloob” (ang tinitira, yung mga hindi nagbigay ng offering).
Charlie ariban : “kristyano ka ba”? (nasabi ko na kanina).
Jess: “tanga mo ano, kaya ka may utak jan sa ulo para gamitin. Buboy”. (pati tuloy ang pamosong buboy nadamay pa,kung ilang bese na nyang nasabi to sa tao ay di ko lang alam, pero malamang pa siguro kaysa buhok mo sa ulo.
“ ay, nag-iinom ka pala”. Ang puna sakin ni chamar matapos akong Makita na nakikipag inuman. Samantalang ako ang nagulat na marunong pala xang uminom.
Pinipilit nating itama ang iba. Wlang sawa nating kinukumpara ang perpekto nating sarili sa kanila. Lagging buti nalng tayu hindi ganito. Samantalng ang ating kapwa din a makbangun sa lusak patuloy pa nating binabaon. Hangang ngayun hindi ko maarok kung paanung naipapagpatuloy ni Charlie ariban na itama ang mali ng iba habang sya mismo sabl;ay ang pamumuhay. Walang masamang magtama ng iba, basta siguraduhin lang natin na naitam,a na natin ang sarili natin. Baka pagdumating ulit si kristo mahiya xang lumapit kay Charlie sa sobrang banal nito.
Nabastos sya ng biruin ni jayjune si farrah ng sabihan nya ito na lagyan ng malaking pinta ng ari ng lalaki sa mukha ang huli. Pero naisip ba nya ng picturan nya yung underware ng babae sa harap nya?
Bastos daw ang mga katrbaho ko pag natingin sa mga seksing babae, nakalimutan nab a nya ang mga pasimpleng hipo nyta sa dibdib ng mga tinatatooan nya? Yung tinampal nya sa puwet? Hypocrite.
Bakit daw kami nagtatrabaho kapag lingo samantalang araw daw yun para sa diyos, ayun mag-iisang taon na syang nagpipinta pag lingo sa store.
Nang mangyari ang insidente sa taas, isang bag yang naisip ko. Nagiging self righteous ako. Ang bagay na auko ginagawa ko. Sa blog na ito ganun din ang ginawa ko. Puro mali ng iba at walang mali ko. Hindi natin napapansin, kinakain na tyu ng galit na nagliliyab sa loob natin sa pagkamuhi. Unti-uni, nagiging kamukha na nating ang asong dati nating kinaiinisan. Nagiging maga-len na tyu.
No comments:
Post a Comment