Lahat ng tao gusto ng kapangyarihan. Yung iba nabubuhay sa imahinasyon, may ilan sa panaginip, may ilan sa posisyon at ang iba sa gobyerno, at mas marami dito ang mga alalay ng politico.
Kamakailan lang habang nakatambay kami ng aking mga katrabaho sa railings ng gusali na aming pinagtatrabahuhan. Isang government vehicle ang pumarada sa likod namin.. kita ko dahil sa red plate nito. Isang lalaki ang bumaba mula sa drivers seat para pumasok sa establisyamento habang naiwan ang kasama nitong babae sa sasakyan. Makaraan lang ang ilang minuto biglang bumaba ang nasabing babae para sundan ang kasama nitong naunang pumasok sa gusali.
“kuya” tawag samin ng babae
“pakibantayan naman tong sasakyan namin”
“papasuk lang ako sa loob”
Sunudsunud na salita ng huli sa maayus na tono at pakiusap.
“Ok po” ang naisagot ko at ng dalawa ko pang kasama
“kay gobernor E.R. yan ha, pakibantayan!”
“Ako ho si bok-bok, taga dito ako. Di mo na kailangan sabihin pa na kay gobernor yan”.
Natatawang napahiya ang babae.
Eh ano kung kay gobernor yun? Dapat ba igalang ko yun? Dapat bang sambahin ko yun? Dapat ba namin pangilagan yun?
Yan ang hirap sa mga alalay ng politico. Sila ang sumisira sa imahen ng mga amo nila. Mas malalki pa ang ulo na mga damuhong na’to kesa sa mga nagpapsweldo sa kanila. Teka , diba nagbabayad ako ng tax? Punyeta, eh ako nagpapasweldosa kumag nayun. Aminin man natin at hindi, kung taga dito ka sa district 4 ng laguna, alm mo ang sinasabi ko. Mga PGESL.
Nang kumuha ako ng brgy. clearance napagsabihan ako ng isang babaeng nakaupo sa harap ng mesa na magbigay galang muna ako kay kapitan bago ako kumuha ng pakay ko. diyos? Teka, di ako nagpunta para magdasal.pathetic naiintindihan ko yung bagay na mataas na posisyin yung inuupuan nila..pero hindi ibig sabihin nito ay ipaguutos na nila ang respeto, pagalang at kung anu pa man.
No comments:
Post a Comment