konitsiwa!!!

I'll be back...soon.

Tuesday, November 26, 2013

The passion of the thief



eyes of an ice






            Sa patuloy na daloy ng panahon, tila pagulo-ng-pagulo ang sitwasyon ditto sa mundo. Ang mga dating magkaka-away ay magkakasama na(good thing), at ang dating naglalakad ay  ng nag-iinom araw-gabi. Ayus na sana to, pero kung sa kalokohan ng iilan ay madami ang nadadamay, parang hindi naman  ata tama ito. Masaydo naman atang madaya and tadhana kung kasali lagi ang matino sa parusa ng engot sa mga tarantado, kung magka-ganito, patuloy lang sila sa pagnanakaw at patuloy lang tayo sa pag-ako sa kanilang kakatihan, wag na natin silang sitahin o pagusapan pa, ibigay na natin sa kanila mismo ang produkto at hayaan na tarantaduhin tayo. Isipin mo, ninakaw nila babayaran natin? Para narin tayong nagpatae sa ulo at hinayaan na ihilamos pa sa mukha natin ito.

            Nakakalungkot lang isipin na yung mga inaakala mong matino ay sya palang tirador, bigtime pa, pero tulad ng paulit-ulit kong sinasabi, tip of the iceberg palang ang nakikita natin. Pas malaki pang systema ang nasa ilalim nito. Bakit mo bibilhin ang pede mo naman kuhanin, at bakit mo babayaran ang pede mo naman pagkakitaan? Engot ka pag ginawa mo to. Sa personal ko lang na opinion, walang tao ang nagreklamo sa isang mailng sistema kung sya ditto ay nakikinabang. Bakit mo itatama ang isang bagay kung ditto ka kumikita? Walang lalaban ng patas kung ditto sya nakatikim ng ginhawa,at walang nag sumbong sa pulis kung sa ganitong bagay sya kumikita. Bakit mo itutuwid ang daang baluktot, kung ang mga perang ginusumot, ay isa ka sa humahakot?

            Minsan iisipin natin, hindi ba sila natatakot o sadyang malakas lang ang loob nila? O baka may nakakalimutan lng tayo, baka sadya lng silang mga tarantado. May konsensya naman sila, minsan sila sila nadin ang nagtatanungan sa bagay na ito... Ang pagtatanong ng magnanakaw sa kapwa nya magnanakaw kung tama ba o mali ang ginagawa nila ay walang pinagiba sa pagtatanong ni hudas kay annas at capias kung tama ba o mali na hinudas nya jesus.

            Pero bakit nga ba humahantong sa sumbungan, bentahan at laglagan ang magkakatiyap? Siguro sa seryosong pananaw, isipin mo lang, ang katiyap nagrereklamo lang kapag kulang ang bayad, o hindi napartehan, onsehan sa madaling salita. Hindi ba’t nakakatawang isipin na bigla silang tinubuan ng konsensya, instant conscience? Tutubuan kaya sila nito kung nalagyan sila ng higit pa sa gusto nila, at idagdag mo pa ang mga senador na biglang nag guilt trip at kung hindi sinoli ay tinangal ang kanilang mga pork barrel. Ayus sa allright hindi ba…pero ang lahat ng ito ay mawawalan ng saysay kung hindi mahuhuli ang pinunong kawatan. Patuloy lang tayo nyang pagtatawanan habang sabay-sabay tayong sumasayaw sa balse ng kanyang katusuhan.

            Iba talaga tayong pinoy, masyadong madiskarte, lahat ng pedeng pag-ka-kitaan ay papatulan natin, noon lang nakaraang bagyong pablo, madami atang bayaning Pilipino ang nagtulak ng mga timirik saksakyan sa mga nabahang lugar sa kamaynilaan. Ang ilan gumawa pa ng mga improvise na transportation para lang makadaan ang mga tao patungo sa kanilang pupuntahan, kung magkano ang talent fee, eh bahala ka na kumarkula. Ayos sana to kung tunay at bokal na tulong ang ginagawa nila, pero hindi, diskarte ang tawag ditto. Nakaka-adwa lang isipin, hindi lang basta 20php 0 100php ang sinisingil nila lalo na sa may pasay kung san libo ang sinisingil nila lalo na sa mga desperado nating kababayan na papunta na sa ibang bansa para mad dildil ng dugo at pawis. Mga buraot. Kahit ditto samin, may mga instant tollgate sa mga daan na liblib para sa mga tumatakas sa HPG o LTO na walang ginawa kundi mang huli ng motor. Pero syempre kahit san mo tignan mali padin ang mga naka motorsiklo sa hindi pag tupad sa batas, pero yung maningil ka para sa daan na hindi sayo, isang malaking hinlalato ang para sa inyo.


            Naalala ko nung minsan, araw ng lingo, papunta ako sa isang kaibigan ng mapansin na may checkpoint, gun-ban (pero sa di ko mapaliwanag na salita, hindi ko alam bakit lisensya at rehistro tinitignan nila, pabababain ka sa motor at bubuksan ang compartment, eh bawal to) at dahil sa matigas mukha ko, umiwas ako ditto at dumaan sa isang top-secret-with-instant-toll-gate na daan, at ayun only to find out na sarado na pala ito. Ayus sa alright, at tila isang tagalog action movie na parang mauubusan na nng paraan ang bida biglang may sinugo si donya enkantada na isang engkatarantado para para offeran ako ng daan sa halagang 20php. Ano daw? 20php? Ano ko gago, hindi na oi, papahuli nalang ako at sasabihin sa mga pulis na anak ako ni napoles,burat at yun. Di ko kinagat umikot nalang ako.di pa ko desperado para patulan sya.


kasya ka pa!

            Sa totoo lang, mula nung nagka-motor ako, tamad na tamad na akong sumakay ng jeep. Dahil ito sa ilang kadahilanan. Una ay dahil sa ang bagal nila, pangalawa ay nabuburaot ako sa pagtigil nila sa lahat ng kanto at pag minamalas ka ng todo, ang masasakyan mo pa pag late ka ay yung lintik magpatama eh magpapagas pa ito. At ito ang isa sa makikita kong katamaran ng Pilipino.

            Gasolinahan, hindi ko alam kung tamad ba talaga ang mga pinoy , o, sadyang batugan lang talaga tayo. Hindi ko din alam kung tyo lang sa mundo ang may gasoline boy, dahil si takumi (initial-d) ay ito ang trabaho. Siguro madami pang ganito sa ibang bansa, pero hindi siguro sa katulad natin na 3rd world country. Sa personal kong opinion, isa syang matibay na ebidensya ng katamaran at kaartehan nating mga pinoy. Kaya masyadong mahal ang gasoline ditto, subukan natin silang alisin baka mag mura. Oo naiintindihan ko na hindi ganun kalaki ang sweldo nila, yet still. Ayaw natin masira ang japorms natn, nakakapagod mag operate ng mga automated gas fuelling pump kaya ayaw natin ditto…tsk, ang tamad natin talaga.

            Sobrang okray ng bago kong boss, pag di mu nabuhat ang isang bagay, bakla ka, pag di mu nagawa, tamad ka, pag di mo inayos, nagtatanga-tangahan ka. At yung mga hindi gumamit ng tools, eh mga bobo. Naalala ko, ng minsan pumasok sya at mapansin na hindi nalinis ng ayus ang glass panel ng tindahan. Obyus daw na maliit dahil hindi naabot yung taas na bahagi ng salamin, bobo daw dahil di gumamit ng hagdan, at tanga dahil di ginamit yung bangko sa tabi nito. Tama sya, pero may mas malalim pa itong pinag-huhugutan.  Masyado na atang naging alibi ng maliliit  na maliit talaga, gas-gas ng linya yung papa-abot sayo dahil di nila abot, katamaran?

            Nakakaburaot lang, imbis na gawan ng paraan, papakisuyo sayo. Kahapon lang nakisuyo yung pinakamataas samin:

            Jezza: kua ian paabot nung liner.
            Ian: ayan sai bok mas matangkad           
Ako: aling liner?
            Jezza: ayan! “with turo sa over head ko.
            Ako: liner lahat yan alin jan?
            Jezza: kahit alin.
            Ako: ba, magkakaiba ng design yan, pano kung mali?
            Jezza: kahit alin.
Ako: bahala ka basta kukuha ako. “inalis ko yung nakapatong at binigay yung isang inner na ang design coffee float.
Jezza: balik mo to. “yung inalis ko”
Ako; usapan natin abot ko lang yung liner.

Pagdating sa office, sabi ni mam pre mali yung kinuha, ubusin muna yung coca-cola glass. Lumapit sakin at palitan daw. Iniwan ko na, tangna kaya nga may 3-step ladder. Tinuturuan ko maging tamad ang mga to. Kung lagi nalang alibi ng maliit ay di nila abot, tangna wag na tayung mag-hire ng maliliit diba? Sabi nga ni papa joel, ay tanga, kaya nga may hagdan. Ignorance is a word excessively abused by my many.

            Yet on the contrary,

Dumarami masyado ang marunong sa mundo, yung mga taong pag tinanong mo kung marunong magtayo ng bahay, sasabihin sayo ay oo, pero pag nagtayo ng poste ay pabalagbag, di mo alam kung matutuktukan mo o uuwi ka nalng at susunugin mo ang sarili mo sa sobrang badtrip. May mga taong pag tinanong mo sasagot sayo depende, minsan pag inabot ka talaga ng malas sasabihin sayo, madali lang yan, pero pag sinabi mong ipaliwanag sayo, puti na mata mo, wala pa din masabi ang mga ito. Mga buraot ang tawag ditto.

            Opinion ko lang to ha, pag sinabi ng mahal mo na hindi mo sya na-alagaan ng tama, iwan mo na yon, gaguhan na ginagawa nyo, yaya kailangan non, hindi bf o gf, muli opinion ko lang yun, back to regular programing…

help?
            Napanood mu na bas a television ang ngyari sa LEYTE? Sa ka-VISAYA-an, sobra ang dinulot ng bagyong Yolanda, o “typhoon haian”. Mass devastation, hunger, sorrow, hopelessness, any word of pain and grievance that you can imagine was generously cast upon that area by mother gaea. Wala ata akong nakita kundi destruction. Nakakalungkot mapanuod sa tv, nakakabahala yung mababasa ko sa dyaryo, at nakaka ligalig ang nadidinig ko sa radio, sa mga networking site trending ang mga tungkol ditto, pero kung bakit “like” ang ginagawa nilasa mga litrato ng mga kawawawang tao, hindi ko talaga mauunawaan. Parang “like” pa nila yung ngyari.
           
            Pero aminin mo…sang media mo ito nakita?

            Iba talaga ang television, isipin mo, kung di pa natin nakita sat v yung insidente, wala atang kikilos para tumulong, kung di pa kumalat sa mga networking site, wala ka pang kilos na gagawin. Lahat ata ng decision sa mundo naka salalay sa nakikita natin sa tv. Masyado na tayung media oriented, kung di pa natin makikita sa tv, wala pa tayung magagawa.

            Sayang lang, hindi ba? Lahat ng gagawin natin depende sa kung anong dinidikta satin ng Mercado? We are deeply affected by the recent catastrophe and moved by it, seeing those dead carcass makes us weep and mumble upon ourselves, those human being carrying lifeless  corpses unknowingly. Yes, it manage to slip a tear from my eyes, but tell me, weren’t you moved by it? Lahat ng tao sa buong mundo, thirld world country o hindi o tumigil sandal para tignan ang kapatid nila na nasalanta. Madadama mo ang pagmamahal, affection, mula sa bawat bansa na handing tumulong satin, pero kung san napunta yung pera at mga in kind, ay ibang usapan na.

            Pero bakit nga ba, yung ngyari sa leyte ay napansin natin, samantalang yung nagugutom natin na kapitbahay ay wala tayung ginagawa? Sadya lang ba tyumng mga mapag-imbabaw, o nakabatay lang tyu sa nakikita natin sa tv? Harap-harap na natin nakikita yung tugom,kahirapan at kung ano-ano pang senyales ng kawalang pag-asa sa ting paligid epro wala tayong ginagawa, bakit? hindi kasi to pinapakita sa tv, hidni kasi to na feature sa paborito mong programa. Napansin mo ba to?


            Ayus n asana talaga to, kaya lang, masyado na atang naabuso ang salitang ito. Masyado ng umasa ang mga taga doon sa tulong, relief goods at kung ano ano pang bigay. Umalma ang mga taong naapektuhan ng bagyo ng sabihin ng DSWD na titigil na sila sa pagtulong sa mga ito, bagkos, sisimulan na silang turuan paano mamuhay. Hindi nga naman tama na turuan na sial mamuhay habang walang natira ni isa sa kanilang kabuhayan. Pero hindi rin tama na patuloy nilang ikatwiran ang sakuna at umasa nalang sa biyaya. Para sila mga israelita na mamumulot nalang ng mana sa umaga…ayos! Paulanan na nga lang natin sila ng ga-plangganang nutribun tulad ng sabi ni Anthony pangilinan.



weh?

           
Passion…

: a strong feeling of enthusiasm or excitement for something or about doing something

-Merriam-Webster
                                                                                                                                        
            Sabi ng kaibigan kong si Merriam, ito daw yung malalim o matinding pagnanais sa isang bagay na ginagawa. Sa isang madaling salita gustong-gusto mo yung ginagawa mo. Ayos diba? Parang kung iisipin mo, yung “the passion of the Christ” ni pareng mel Gibson,  tila yata may pagka-masokista (sorry for the word) si Jesus, isipin mo naman, passion.

            Isang kaibigan ang nagpa ala-ala sakin ng salitang ito, si maan. Bakit ka nga ba hihingi ng kapalit sa bagay na gusto mong ginagawa? Bakit ka maghahanap ng dahlia sa bagay na masaya kang ginagawa at bakit ka tatamarin sa bagay na gusto mong ginagawa? Sobrang nakalimutan ko na ang salitang to.  Salamt sayo kaibigan.

            Dati hindi ako ngtuturo ng musical instrument sa mga taong gusto lang magpapogi, bukod sa sakit lang sila sa ulo, walng I aasenso sa larangan ng musika ang mga ganito, sa personal kong opinion, incentive mo nalang na maatract ang crush mo kung magaling ka na, pero kung alam mo palang ay D-A-G-A at sobra ka pa kay Sir steve vai magpa-ikot ng gitara o mag head bang at kumain ng gitara, eh umuwi ka na inyo at baka maihataw ko sayo gita ko. Ang mga ganitong tao ay walang pinag iba sa mga lalakeng nakikipaglaro ng volleyball sa mga c-mate nilang babae na hindi marunong pero spike sila ng spike…nakakaburaot. For Gods sake, kung gusto nyo mag papogi dun kayo sa varsity.matino pa yung dalawa kong youth na varsity player, hindi mo aakalain na halimaw sila sa sports nila, dagdag mo pa si jayjay na isang halimaw pa pag dating sa ping-pong.
Mahirap nga naman gawin ang isang bagay na wala don ang puso at isip mo, at isa sa mga rason kung bakit nag-e-excel ang tao sa larangan nya ay…passion. Ngayon naiintindahan ko na kung bkit ayaw na humayo o magbahagi ng salita ng Diyos ang Pastor ko, hands down, wala na kong masasabi.

            Napansin mo ba, pag nag bas aka ng biblia, ang mga propeta naglalakad, nagugutom, binubugbog o kaya pag sinusuwerte talaga, pinapatay. Ang mga apostoles, may gulit trip ata sa pag hayo kung san-san at ayaw paawat kalalakad papunta sa mga tao, ang mga sina-unang misyonaryo bangag ata at inuubos ang lahat ng meron sila makarating lang sa ibang dako para maibahagi ang salita ng diyos, si Tolstoy hindi pari, misyonaryo o pastor ay nagbenta ng lahat ng kanyang ari-arian para ipamigay sa mahihirap. Ang mga pari, pastor at ministro ngayun napansin mo na ba? Oo, nakasunod sila sa daloy ng panahon, may cp, laptop at projector, no offense ako sa bagay nay an, visual aids ika nga. Pero napansin mob a, lahat at ng mga yan ngayun naka tsedeng, motor, at kung ano pa na pede mo maisip na pede nilang sakyan. Nabago na ang job description nila. Noong araw ganito:




right!



            Preachers, Ministers and Priest job description:

            You will be accused of wrong doings in Gods name everday.
            You will be verbally abused over and over again your only incentive is nothing.
You will be emotionally assaulted, physically battered and mentally tortured day and night and if given by chance, you’ll be stoned to death, crucified upside-down or burned alive…guillotine is exclusive at rome only.
            You must endure a lifelong walking without any means of transportation for no one will want to give             you a ride.
            You will be worse than a pauper for you owe nothing.

            Prayer and fasting is your best friend
           

Peor ngayun eto na.

            Monthly salary of ************* with incentive and bonuses tax free!
            Free meal allowance, gas allowance, pantry allowance ____________(insert any allowance that you            can think)
            Free ride (depends on the income of your church)
            You can pesterize your congregation whenever you like, you’re the boss, just like big D.
            You can always pass the burden to your subordinates and just hang around and play PS3
            Sss, philhealt, and pag-ibig are included




passion!
.




            Nakalimutan ko na bakit ako tumutugtog, kung bakit ako gumawa ng blog at kung bakit ako gumawa ng photo blog, dami xadong excuses. sa huli ako lang ang gumagawa ng mga ankla na hihigit sakin patungo sa katamaran at kawalang buhay. Habang nakatunganga ako ditto, ang iba ay patuloy sa pag asenso at pagbabago.walang senyales sa taong tamad, at walang simula ng bagong bukas sa mga taong nabubuhay sa nakaraan. Pasinin natin ang mga Jehovah’s witnesses wala silang new year kaya napag iwanan na sila ng panahon, pero muli, ibang topic na ito. Hindi kao naniniwala na may taong gumagawa ng buong puso sa isang bagay ang humihingi ng kapalit, kung magkaganito, hindi pasyon ang twag ditto, business. Hindi na ko nagtataka kung bakit hindi ganun kadami ang naakit nila, sa personal kong opinion dapat lahat ng pastor my crash course sa people management at marketing strategy. Sabi ng isang pilosopo, kung lahat dawn g nagbabahagi ng salita ng diyos ay tulad ni Hesus, marami ng kristyano ngayun, ang problema? Nabuhay na tayu sa imahinasyon na tao ang lumalapit sa ministro…grow up man, it’s the other way around. Read the bible.





i was just wondering...was stealing a passion?


No comments:

Post a Comment