puro ka-bayag-an lang ang paguusapan natin! |
Eleksyon nanaman, panahon kung san
ang mga politico ay buong babang loob na kumakandidato at kumakatok sa mga
pinto natin, babatiin ka at kakamayan wag mo lang silang kalimutan sa araw ng
halalan. Panahon nanaman kung san ang bawat aspirant ay nagiging contestant ng
PGT, Politicians Got Talent. May kakanta, sasayaw, kakain ng bubog, ipapako sa
krus “san kaya ito?”, at kung ano ano pang talentong pede ilabas para lang sila
matandaan ng mga mangmang kong kababayan. May makikikain sa bahay mo, may
makikitulog, makikiligo at kung ano-ano pang pwedeng gawin para lang
makasalamuha ka nila, maglalakad kasabay mo, makikiyosi sa erpat mo, kakain ng
nakaka-kamay sa meeting de abanse, yung iba pag matindihan na talaga, taas pa
pati paa. Ang mga pinoy nga naman, gagawin ang lahat manalo lamang.
Kanya kanyang diskarte ang mga
politico manalo lang, at masiraan lang ang kalaban, kanya kanyang batuhan ng
tae, walang nakakapansin na sa pag kapit nila ng tae, sila mismo, amoy tae na
ang mga kamay. At tuwang tuwa naman tayo sa komedya ng mga payasong
nangangandidato, kung ano anong programa sa television ang ginagawa mapasaya
lang tayo sa araw-araw. Gera ng mga kuto. Kulang nalang ay lumabas sila sa face
to face ni Amy sa ch. 5 at dun makipagsabunutan habang pinagtatawanan ng mga
tao. Sabagay tayong mga Pilipino ay likas na masayahin, kaya nga sumikat sila
katsupoy at palito sa ating bayan, idagdag po pa si rene requestas. Masyadong
maka masa ang taste ng mga kababayan natin kaya nakukuha nila ang kiliti ng mga
tao. Sa panahon ng elelksyon, gaano mo kayang balahurain ang sarili mo manalo
ka lamang. Eh ano kung nagtapos ka sa Harvard Law School, kung graduate ka ng
MIT o sa Universidad ng Pilipinas. Walang saysay yan kung di ka marunong suma
yaw ng Gangnam Style. Ano kung cum laude ka ng isang sikat at mamahalin na
Universidad, baliwala yan kung di ka kakanta ng pusong bato o ng kung ano-ano
pang katarantaduhan sa entablado. Mas katatawa-tawa ka, mas maalala ka ng tao
at mas malaki ang tsansa mo na iboto ka nila.
Ditto lang samin sa laguna,
masyadong showbiz ang laban, sabagay, dating artista si Gov.ER, at dating
nagtatarabaho sa isang TV station si egay. Kulang nalang ay mag barilan sila
pagkakatapos ng mahabang palitan ng maaanghang na salita, kung sino ang bida at
sino ang kontra bida, ay bahala na kayo sa bagay na yan. Dahil kung ako
tatanugin, boboto ko na yung taong nagnanakaw habang gumagawa, kesa puro nakaw
wala naman ginagawa, pero sana mas may iba pang choices. Paulit-ulit nalng na sila
ang pagpipilian mo, naturingan tayung democratic acountry, ang choices naman
masyadong limitado. Ang masakit pa nito, kung hindi artista, eh gustong maging
artista.
Pagandahan ng jingles, palupitan ng
poster, pa astigan ng stickers. Pero kung battle of the showbiz ang
gubernatorial position ditto samin, wala yan sa pagsanjan laguna. Dahil ang
labanan sa pagka vice-mayor doon ay battle of the food chains. KFC VS
McDonald’s. Ka Fred Capsitrano vs terryl gaMit.. pati poster matatawa ka sa
kanila. Dahil kuhang kuha ang pati mga logo ng mga food chain na ginaya nila.
Lamag lang si gamit, dahil ang food na pinamigay nya ay galing talaga sa
MacDonald’s.
Naalala ko, nung unang taon ni Cong.
Egay, tinalo pa siguro nito ang vote buying, mahina sa isang araw non ang
gumawa kami ng 3000pcs ng burger. At 1000pcs ng chicken meal. Yan pa yung
panahon ng bago palang ang campaign period, bahala ka na mag-isip kung gano
karami gingawa namin nung malapit na ang mismong araw ng eleksyon. Pero kung
san nya kinuha ang budget nya, di ka naman siguro mang-mang para hindi malaman
na bata sya ni Gloria. Kaya nga sya inakusahan ng bogus impeachment ay dahil sa
ginawa ngynag walang kwentang file ng kaso para wala ng maka pag file na iba
dahil mas matindi pa ang ikakaso nila, dahil ditto sa pinas once ka lang pede
kasuhan nito. Amen. Pero paano mo nga naman iboboto si Egay, eh 4 na taon na
nakakalipas hanagan ngayun sira parin ang tulay namin, paano na ngayun natalo
sya, nganga nanaman ang tulay namin. Nakakatawa biglang daming road widening
project ni egay nitong malapit na ang eleksyon. Pero bago mo ko maisipan na PRO
ER, eh uunahan na kita. Hindi, anti Showbiz-politician ako, pero tyatyagain ko
na to kung nakikita ko naman ang progreso.
Hindi lang naman ditto sa laguna
talamak ang ganito, dahil kung manunuod ka sat v at makikinig sa radio,
mapapansin mo na talamak in pala ito sa iabang lugar. Sabi ni Prof. Randy David
sa isang lugar pa nga daw sa Mindanao kailangan mo ng 1million para lang sa
position ng konsehal ng bayan, masyadong magastos maglinkod sa bayan. Sa
Pampanga, ang laban ay sa pagitan ng isang dating pari at aswa ng jueteng lord,
at obyus naman kung sino ang iboboto ng masa. Naalala ko yung sinabi ni dating
Gov. Chavit Singson, kung di nya papayagan ang jueteng sa probinsya nya, sino
pa ang boboto sa kanya. Tama sya, dapat huli mo lagi ang kiliti ng masa. Pero
kung iisipin mo, bakit nga ba natalo ang mga lingcod ng Diyos, eh kung tutuusin
sila ay bataan nan g Maykapal? Baka hidni ito ang kalooban?
Sa personal kong opinion, ang mga
lingcod ng simbahan(Diyos) ay hindi dapat nakikialam sa pamahalaan, kung mag
kaganito, sana hindi na nag hanap ng hari ang mga propeta ng Israel, hindi ba?
They demanded for someone who will rule upon them, kaya lumabas ang mga hari, pero
bakit hindi yung mga propeta nalang? Dahil mag kaibang aspeto sila. Trabaho ng
propeta paalalahan ang hari ng tama, parang itim lang yan, kung walang itim
baka makalimutan na nag puti na puti sya. Pero opinion ko lang yan, pede mong
wag pansinin.
Pero sa kaso ni Doc Allan Sarmiento,
aamini ko na nanghihinayang ako. Dahil sa bukod sa nagging maestro ko sya sa
musika, siguro may malaking pagbabago sa tugtugan ditto saming distrito kung
saka-sakali. Baka nag ka roon ng organize na tugtugan, hindi puro underground
nalang. Pero tulad ng sabi ko, ang lingcod ng Diyos ay di pede makelam sa
pamahalaan.
Oo na, alam kong itatanong mo si
Bro. Eddie Villanueva, hindi ko sya ibinoto o iboboto, magka pitpitan man ng
bayag hindi padin. Ikaw ba iboboto mo ba ang kandidatong may ganitong slogan:
(this country is too poor to buy my principles and convictions). Still, he’ll
be needing this countries vote, am I not right? asshole.
Habang ginagawa ko ang post na ito,
matunog na ang balita sa mga nanalo at nadaya. May nag didiwang na, at
pailan-ilan na tinanggap na ang pagkatalo. May nagyayabang na at ang iba ay
nagwawala na sa kanilng pagkakadaya (oops, pagkatalo pala).may nalulungkot, amy
nagdidiwang halohalo ang emosyon ngayun ng sambayanang Pilipino. Kahit ako
nalulungkot sa pagkatalo ng ilan na pedeng maging taga serbisyo, mas nanalo pa
yung mga magnanakaw, mangagantso at kalaban. Habang na nunuod ng tv kanina, may
isang komentarista ang nagsabi na, ang binoboto natin ay ang salamin ng kung
anong pag-iisip meron talaga tayong mga pinoy. Sayang, puro pagbabago kaso
walang progreso.
Ngayun na tapos na ang eleksyon,
kung iisipin mo, paano nga ba nila babawiin ang mga perang nagastos nila? Yung
mga natalo pahinog nalang? Pero paano yung mga nanalo? Sigurado naman na hindi
lang isang milyon ang nagastos nila. Kawawa nanaman ang bayan ni juan, tayo
nanaman ang papasan ng katarantaduhan ng iba. Tuwid na daan? Nakakatawa, sa cavite lnga hindi pinababa ni Pnoy si Gov.
Remulla kahit na talo talaga sya nung huling eleksyon. Tuwid na daan? Siguro
bago yung tuwid na daan, ayusin muna ni pinoy si Kris Auino. Sa debate palang
malayong-malayo pa tayo anats ng talastasan ng ibang bansa. Ang alam lang ditto
ay siraan at patayan, walang tungalian ng plataporma para sa bayan, kung meron
man puro kasinungalingan.
Kung ako ang tatanungin mo ng
hinahanap ko sa isang kandidato, yun yung matapat. Yun tipong eto lang
sasabihin nya: “sinisigurado ko sa inyo, wala akong gagawin kundi nakawan ang
bayan, magpapayaman lang ako at sampu ng pamilya ko. Uubusin ko ang kaban ng
bayan, at magpapagawa ng maraming mansion!”. Yan iboboto ko talaga yan, at
least totoo sya, alam mo na ang gagawin nya, kesa sa mga binoboto nyo ng puro pagpapangap.
Nakalimutan na ata ni juan ang cybercrime law, ang motorcycle helmet law, ang
kasambahay bill. Ang rh bill nakalimutan na din. Sayang, nagawa na natin
lumaban, nagging makakalimutin lang tayo. Maraming
kwalipikadong government official, kaya lang hindi sila kandidato, madalas taga
boto lang sila, pag mina malas, hindi pa sila nakaka boto. May pa-ilan-ilan na
karapatdapat manalo, natatalo naman sila ng iba na anak ng kung sino, at minsan
ang tumatalo pa sa kanila ay yung kumakanta ng pusong bato. Sa panahon ng
eleksyon, ang daming circus na paikot-ikot sating mga bayan, may kasamang mga
payaso at artista at sa bawat tapos ng pelikula, tanungin mo kung may naalala
ang tao sa bingait na plataporma, sigurado wala, dahil ang na reatain lang ay
kung sinong artista at ano ang kinanta.
Siguro para mas maging matipid at mabilis ang eleksyon natin, daanin
nalang natin sa FB, like nalang ng like ang pedeng I like. Total ganun din
naman, nagkakalokohan lang din naman tayo.
Paulit-ulit lang tayong nagpapaloko,
ditto lang sa bayan ko, ka-ticket ni Pnoy sa tuwid na daan ang mga talamak na
magnanakaw. Sigurado nagkalat nanaman ang sugalan, Kara ‘y Cruz sa gabi at kung
ano-ano pang uri ng sugal na maiisip mo. Marami nanamang ghost employee ang
munispyo, at sigurado baka maging halimaw na mansion na yung bahay sa may ilog
sa nung nanalo muling politico. Kung iisipin mo, bakit nga ba magrereklamo ang
mga tao sa maling sistema kung sila mismo ay ditto nakikinabang. Bakit mo
iboboto yung totoong matuwid, kung bawal ang mailng iyong pinagkaka kitaan.
Sayang, bumoboto pa tayo, eh pinipili lang natin yung mga gago. Ilang taon ng
nakaupo ang mga yan, may nakita ba kayong progreso? Eh bukod sa tarpaulin at
mga kung ano ano pang intials nila sa kalsada, eh wala ka naman makikitang
progreso sa ating bayan. 3 taon ang hihintayin natin bago mapalitan ang mga
yan, 3 taon din ang masasayangg. Sana sa loob ng 3 taon, mag karoon nan g
pagbabago at progreso ang aming bayan. Pero tingin ko, tatllong taon nanaman
tayong magsisi, at pagkatapos nito, isang kanta lang nila, isang endorse lang
ni sarah Geronimo, makakalimutan na natin ang pagkakamali nila at iboboto na
natin ulit sila, tsk, tayu talagang mga Pilipino. Masyadong malambot ang puso,
harap-harap na tayong ginagago, patuloy padin tayo sa paglangoy sa kumunoy ng
mga loko. Magtataka pa ba tayo kung bakit #1 na tayo sa buong mundo sa most
corrupt public officaials?
No comments:
Post a Comment