konitsiwa!!!

I'll be back...soon.

Monday, May 2, 2011

More than meets the eye...




can i too?
            Holy week, iba din ang trip ng mga tao ditto pinas, may nagpipinitensya, may nagpapako sa krus, may ilang nag-papahiwa sa likod, yung iba nag-hahataw ng kung anung kahoy sa batok, may kumakain ng bubog, lahat ginagawa para daw mabawasan ang kanilang mga kasalanan o panata, at kung panata lang din ang pag-uusapan, may ilan na hindi pumapalya sa kanilang panata sa bora.

            Sa pagdaloy ng panahon, ang mga nakasanayang tradisyon ay napaplitan ng makamundong bagay, ang dating bawal maligo kapag-biyernes santo ay napalitan na ng monte vista, ang dating bawal magpatugtog kapag holy week, puro rap na ang madidinig mo sa kalye, bawal daw kumain ng karne, pero ngayun ilang fastfood ang bumenta ng malaki dahil sa mga bakasyonista., bukod pa sa mga tindahan ng karne sa dilim. Dahan-dahang nabago ang katangahan na tradisyon nating mga pinoy. At sino nga ba ang bangag na nag-pausong patay ang diyos kapag biyernes santo?

bora
            Yung totoo, nakakita ka na ba nung mga guilt trip kapag holyweek? Yung mga walang matinong magawa sa buhay at nagpapako sa krus “bulacan”, nagpapahiwa ng blade sa likod “batangas”, mga naghahataw ng kahoy sa batok “laguna”, mga naglalakad ng nakaluhod mula sa dulo ng simbahan “quiapo”, lumuluhod sa balatong habang may dalawang aklat sa magkabilang kamay “pag galit ako kay erpat” , at mga babaeng nagpapaputok sa mukha bilang pinitensya “hahanapin ko sila”. Naiisip ko lang kung may guilt trip din yung mga may frat at nagpapahataw sila sa leeg gamit  ang kanila paddle . Pero hindi naman lahat ay may guilt-trip dahil meron ding mga food-trip “dinadaaan sa pag-kain ang pinitensya, baguio-trip :”yung iba vigan, pagsanjan, o kaya puerto gallera”, at may ibang “trip-trip” ang ginagawa. Sila yung mga nanuuod ng nasama sa prusisyon na bago matapos ang prusisyon, ubos na ang pera kakabili ng pagkain na madaanan.

             Di ko maintindihan anung bulok na tamito ang nakain nitong mga kutong ito at ganito ang takbo ng kanilang mga isip, ganun ba katindi ang manipulasyon ng romano katoliko para mabuhay tyu sa ganitong kahibangan? Nababawasan ba talaga ang kasalanan kapag ginawa natin to, kung magkaganun, idapa na natin si gloria ng masimulan na ang pinitensya, dahil malamang aabutin tayu ng ilang buwan.

            Nababawasan ba talaga ang kasalanan nila? Totoo bang pagkatapos gawin ito, ay lalo silang napapalapit sa kristo? At anu nga ba ang pakiramdam ng hinihiwa ang likod mo ng ibang tao?  Palagay ba nila natutuwa ang kanilang diyos sa ginagawa nila? Pakiramdam ba nila habang hinahataw nila ang kanilang mga likod ay nagpapalakpakan ang mga anghel at sinasabing “wow, ang galing naman nyang magpinitensya” o “mare, look at that guy over there, ang cute ng abs nya may blood stains!”, kahibanagan.

delusional

             Sa isang interview ng valley of chrome natanung sila kung anong masasabi sa mga batang nakukuha ng masipra ang tugtuog nila, si tatel ang sumagot, natutuwa daw sya dahil napu-push silang galingan pa, at the same time natutuwa sila dahil ginagaya sila. Siguro, kung tatanugin mo ang jabbawakees ay matutuwa sila kung may gumagaya sa kanila na tanda ng pag-kilala sa kanilang kagalingan,. Kahit ako , natutuwa ako kapag may nag-sasabuhay ng binibitawan kong salita, pero yung gayahin mo yung kalbaryong inabot ni jesus, saglit lang, hindi kaya mockery na ang ginagawa mo? 2ndly, hindi ito ang sinabi nyang, isabuhay mo, kundi ang kanyang mga salita. Kahit na ilang beses kang ipako, kung hindi mo naman pinapatawad ang nag-kasala sayu, wala rin tong silbi. Kahit na  ilang hiwa ang gawin mo sa likod mo, kung pagkakatapos ay laman ng iba ang pinag-nanasahan mo, wala rin silbi yan. Kahit na ilang beses kang maglakad ng nakaluhod  sa iyong simbahan, hangat di mo natutunan mahalin ang mga aratan sa lansangan, wala ring silbi  yan. At pede ba, tigilan na natin ag pagpatay sa kanya kada biyernes santo.

            Parang isang malaking katangahan ang nangyayaring ito, oo, nung unang panahon sa lumang tipan, nag-aalay sila ng dugo, nag bibihis ng sako at nagbubugbo ng abo sa ulo, pero mula nung dumating si kristo, nabago na ang batas, kumbaga revised edition na sya. Kahit ang saligang batas ay nabago na, ang higit pa sa mga mapag-imbabaw na show-off ang gusto.

            Kanina pag-kagising ko, lumabas kagad ako para mag-pa-gasolina, isa lang napansin ko, yung mga intsik sarado, para magbigay sa tradiyon nating mga pinoy. Yung mga pinoy bukas, para samantalahin ang pagkakataon. Minsan nga lang naman to, isipin mo, wala ka masyadong kakumpitensya, at kung pag-aaralan mo, maraming tao pg-katapos ng prusisyon...tuso. Tignan mo nalang kami sa mcdo, open kami till 11pm, dahil wala yata kaming diyos, kami yung pinoy ang owner operator na hindi nagpapa-sweldo kapag-lunes, at may dragon dance pa pag chinese new year pa...wapak. Muntik ko ng maipako si buddha.

Does it hurt?
            Hindi ko kinokondena ang mga taong ito, pero sana matauhan na sila mula sa kapraningan na ito, walang kahit anong epekto ang nangyayari sa ginagawa nila, mailban siguro sa sakit na dulot nito at “cuteness” sa mata ng mga mangmang. Kung yun mang sakit ang nagreremind sa kanila para tumigil sa kasalanan, naiinitnidihan ko na kung bakit kailngan pa nila ng santo bago manalangin.

            At ilang nga ba ang mga may sayad na nag-sasabing sinasaniban daw sila ng kung sinong santo?  Bukod ata sa pagiging number 1 natin sa buong mundo sa kategoryang “most corrupt public officials”, eh number 1 din tayu sa category ng “fake-healers”. Bukod kay m’ pre na sinasaniban ng sto. Niño araw-araw eh, wala na kong pinaniniwalaan, kung totoo man sila, isa lang sigurado ko, masamang espirito lang to na bumabatak ng utot ni katan. Kapag ganitong pnahon din lumalabas yung mga pari na de pardible, mga instant pari na nagbabahay-bahay para mang-hingi ng tulong para sa simbahan nila na never heard o seen ng kahit sino. (minsan, may nang hingi ng tulong sa bus na sinasakyan ko’, born again daw sila. Ng tanungin ko san ang church nila, sa bagumbayan daw, at “ganito” daw ang name ng kanilang simbahan, di na ko nagsalita, alam ko kung ilan at anu-ano ang pangalan ng church sa bagumbayan).

HOORAY!



            Ilang pinoy na rin ang nagsasabi na pinag-papakitaan sila ni mama mary, kinakausap ni san pablo, kainuman ni pedro, katsokarat ni santiago, ka-frat ng 3 kings at sinasaniban ng st. Bernado...minsan iisipin mo kung kulang lang ba talaga sa pansin ang mga taong ito o nasobrahan sa alkampor nung sangol pa sila. At ilang nga ba ang relihiyon ditto satin sa pinas? May roman catholic: para sa mga mahilig sa santo, ifi: sa rebeldeng mahilig sa santo, inc: sa mga trip ng kaayusn sa loob ng sambahn at yosi kagad pag-kalabas “kaya sila inc = incomplete sa pagsasabuhay”, mormons: para sa mga gusto ng kanong idealismo, jehovas witness: para sa mga gustong mapagiwanan ng panahon “wala kasi silang new year”, baptist: na may conservative at non conservative, born again christia: na hiwa-hiwalay ng church, ang dating daan para sa galit sa inc, at kung anu anu pang mga sekta na maisipang itayo para sa ngalan ng prinsipyong pinaglalaban at doktrinang tinapakan..at kung minsan pera-pera nalang. Ang aglipay tinayo mula sa rebelyon laban sa simbahng romano, si manalo tinayo ang inc nung naiisip nyang kailangan ng bagong stilo sa panloloko, counterpart nya si soriano na walang ginawa kundi tirahin ang inc na walang ginawa kundi siraan ang ibang sekta. Kung ang sekta ng relihiyon ditto sa pinas ay isang karinderia, sabog ang uhog mo sa dami ng pag-pipilian...wala pa jan si quibuloy na tinalo si emer sa pagiging delusional, bansagan ba naman ang sarili na son of god, kundi ba naman siraulo talaga, buti di pa ‘to nagawa ng sariling bible. At wag natin kalimutan ang mga follower ni ruben ecleo na may color coding ang mga bato sa kanilang sing-sing para sa iba-ibang pagagamitan, parang war of the gems lang mg marvel. Take note, divine master ang kataga ng isang ito, hanep-pa-syet! Sira na taga ang mga ulo.
Got Jesus?

            3 beses ipinag-kaila ni pedro si kristo, pero kahit na ganito hindi nya sinabi ditto na “sige pedro mag-papako ka muna sa krus para ma patawad kita”, o kaya “pedro, dumapa ka at hihwaan ka namin gamit ang mga tabak” ni walang sinabi na “pedro, suspended ka muna sa tropa”. Pero ang punto na ito ay para lang sa mga workers ng simbahan. Sa sarili kong opinion,  hindi mo na kailangan pang ipakita sa mundo yang mga ganyan, hindi mo na kailangan pang mag-power trip at mag-pahataw sa leeg gamit ang “2 na tubo. Lumuhod ka sa isang tabi, humingi ka ng kapatawaran tangapin mo sya sa iyong puso, sundin mo ang mga bilin nya...hindi nya inalay ang kanyang buhay para lang gayahin mo at magpapako rin sa tuktok ng bundok ng kalbaryo, may mas higit kapang pedeng gawin kesa magpahataw, magpapako, mag-pahiwa o’ lumuhod sa balatong. Subukan mo minsan mag-kawang gawa ng sikreto, batiin ang kaway, magbigay sa nangangailangan, sigurado sa ganitong bagay mas mapapangiti mo si kristo.

No comments:

Post a Comment