light yagami |
“bok, asan yung mga allen-wrench natin?”…tanung ni kabitomon sakin sa telepono.
“Mam, nasa OPS cabinet po, pag wala dun nasa locker ko po.”…ang sagot ko
“wala dun, nahalungkat na-nakin yung OPS wala, at bakit mapapunta sa locker mo dun ba ang taguan…dadadadadaddada….o wala daw sa locker mo…dadadadada…”…ang talak ni kabitomon sakin sa telepono.
“sige po pupunta nalang ako jan.”….ang huli kong nasabi.
Scene sa phone….30-21-11, 10am.
f^&* off |
Tyrant, pangkaraniwan na ata ito sa mga taong nasa posisyon. Masyadong ninanam-nam ang sarap ng pagiging mga hinayupak na abusado sa kapangyarihan. Isang magandang halimbawa ni to si “ itago natin sa ngalan na pokemon”, isang dating manager ng santa cruz. Pagtitripan ka nya, bibiruin, aasarin, pero bawal mo syang gantihan dahil manager daw sya at hindi sya nakikipag-biruan. Hinayupak. Ilan beses din kaming nag-pang-abot nitong kupal na to, malas lang nya dahil mas kupal ako sa kanya. Kung yun ngang mga gagong costumer sinasagot ko, sya pa kaya. Paking syet.
Idagdag mo pa si “itago ulit natin sa pangalan na “ kabitomon” na kapag may toyo ay pinapakita nya sa lahat ang toyo nya, nagbubunganga, nagwawala..naisip ko lang, cool ba tignan ang ganitong ugali at masyadong “IN” sa mga ito? Ang totoo, nakokornihan ako sa mga ganitong tao, hindi porke kayu ang mga bossing ipapakita nyo na ang ugali nyong kupal samin, lahat tayu may bad day, pero yung mag-huhromentado ka sa trabaho para pakita sa lahat na bad day ka, saglit, umuwi ka muna at mag-bal-bal nalang ng iyong sarili. Kalokohan kung iniisip nila na sa ganitong ugali ay makukuha nila ang pag-galang na kanilang inaasam.
kabitomon |
Wala nga ang hinayupak na srew driver set, “oo, mali yung tawag nya. Kasi driver din daw sya.” At alam ko na kung bakit, dahil ninakaw nanaman. Kasu habang nag-papaliwanang ako, sinimulan nanaman ako ng rapidong bunganga ni kabitomon, ngali-ngali busalan ko na ng matahimik. Hindi pa nakuntento sa kabitomon, nagpunta pa sa PA para dun magpakitang gilas ng kanyang gadamit na talent, ang magtatalak. Diretso sa Ctr kung san maraming consumer ang nakakarinig. Napakagandang araw. Binunganagan ako sa isang bagay na hindi ko kasalanan…tulad ng dati.
Nung tinatago ko sa office ang OPS, pinapagalitan ako dahil hindi daw yun ang OPS cabinet. Nang itago ko ito sa OPS cabinet at nanakaw, napagalitan ako dahil hinahayaan ko daw na basta nalang kumuha ang iba. Tinago ko to sa ceiling kung san ako lang ang kasya, napagalitan nanaman ako dahil wala naman daw silang magamit. Binalik ko sa OPS cabinet, at tama ka, napagalitan nanaman ako dahil nanakaw ulit. No choice, sa locker ko nalang itago…kasu napagalitan din ako dahil hindi daw akin yun. Lupit, di sila nalang magtago nung lintik na OPS. Mga pakingsyet.
Pinagalitan ako ni pokemon at kumatsu dahil malakas daw ako gumamit ng APSC, ako kasi lagi ang pang-gabi nung panahon na-yun. Para mapatunayan na di ako yun, more than a week akong di Gumamit ng nasabing Chemical…napagalitan parin ako, bakit daw lakas kong gumamit, sabi ko isang lingo na nga kaong di nagamit nyan ako parin ang suspek nyo? Napagalitan parin ako dahil bawal daw yun….hagalpak si jepoy. Nabungangan din ako ni kabitomon dahil sa mga past UTD na manok, helow? BS-AKO-HINDI-EXPERT para pagalitan mo, inawat lang ako ni kumatsu kaya di kami nag-pang-abot.
24hrs a day, 18hrs operational, 6hrs walang tao, at sa 6hrs lang sa 24 na to ang shift ko, 18hrs o 12hrs sa operational ang wala ako. Ganun ba sila ka hinayupak para di to maiisip. Hindi ko sakop lahat ng oras para Makita kung sino ang gumagalaw ng mga lintik na gamit. Kahit na kami lang ni ian ang madalas gumamit ng tools, may mga instances na ginagamit nila ito, bukod pa yung pagnanakaw ng iilan.
allen-wrench |
Sa madalas na pang-yayari, kapag kailangan ko yung mga gamit, or chemicals or kahit ano sa OPS cabinet ay hindi naming Makita. Pero, after ilang days lalabas muli ito mula sa kung saan…parang magic lang, jaran! Nang misan mawala ang aluminum tape namin, nabenga ako ng sobra nanaman ni kabitomon..makaraan ang ilang araw lumabas, nakita sa loob ng ceiling na kung san ako lang ang nakaka-akyat, nakakatawa, panu nila naakyat yun? Yung electric tape, nakuha 3days after naming gawin yung fan-motor ng ice-machine. Ang pamosong wd40, nakita nung hindi na naming kailangan. Naibalik na ang set ng screw na nawawala, kung kelan bumili na ko ng bago, dahil sa halagang 25pesos binungangaan ako. Eto malupit, yung nawawalang set, nakahalo na sa nakasabog na bagong set..galing ng diskarte.
Isa sa mga bagay na kinaiinis ko ay yung ang problema ay kinakalat, imbis na sulusyunan ay nagwawala. Maypatutunguhan ba ang ginagawa nila? Tulad nung isang insidnete, umaga pa pala alam na ni “M.U” na wala yung globes ng isa sa character naming, hindi pa ko tinawagan ay sinabi pa sa lahat ng manager. 3pm work ko, 3pm gagamitin, 3pm ng sabihin sakin..kung imbis na pinagod nya yung bunganga nya sa pagtalak at pagkanta sa kay “aw-aw” ay tinawagan nya ko, di sana nagawan ko ng paraan. Umalis ako at nakabalik sa trabaho dala ang gloves….santa cruz – pangil, 80-100km/hr habang umuulan…magandang halimbawa kung panu hanapin si kamatayan.
who's inside |
Bakit kailangan pa nyang mag-bunganga sa harap ng mga katrabaho naming, hindi ba pede na kaming dalawa nalang ang mag-usap? Naturingan na meron kaming open/close door policy ay hindi rin naman mapakinabangan, bubungangaan ka sa harap ng karamihan, samantalang pag-sila ang mali di manlang maka-hingi sayu ng pasensya…tanung mo kay “ex-j” yan. tukad ng salitang privacy na hindi nating natitikman ay burahin narin natin ito at ibaon sa kasay-sayan. Ang highway ay ginawa para sa mga sasakyan, hidni tawiran ng mga gago, kung magka-ganito, alisin na natin ang mga pedestrian, at gawing pabansang tawiran ang malalaking lansangan. Walang pinag-iba ito sa taong di gumagamit ng side mirror, nakakabit lang, di rin naman napapa-kinabangan.
No comments:
Post a Comment