|
pagsanjan laguna 30-70-11 3am |
Accident /œksId∂nt/ : an unforeseen event or one without an apparent cause.; anything that occurs unintentionally, a misfortune or mishap, esp. one causing injury or death.
Yan ang ekplenasyon sa salitang aksidente sa oxford dictionary. Mga bagay na nang-yayari ng hindi inaasahan, ginusto o plinano. Pero hindi lahat ng aksidente ay di ina-asahan, kadalasan kasalan din ito ng isa sa mga sangkot o biktima.
Nang mabanga ang motor ko habang nakaparada, sino nga ba ang mali? Ako na nagparada sa isang pribadong lupa, o yung tangang driver na nagpatakbo ng kanyang sasakyan sa eskenita ng 60kph? Asshole. Kung iisipin, bakit nga ba nanman ako nagparada ng motor sa tabi ng kalsada, na, pribado at lupa na ng ibang tao? Nagkamali lang ba talaga ako ng parada o gago lang talaga yung mama?
Double parking daw ako, yung isang motor nakaparada sa lupa nila, ako nakaparada sa lupa rin ng iba. Nasa gitna ang kalsada na 7ft. Ang lapad. Asshole x2! Pero mas asshole ata ako, ako na ang binangga, ako pa ang nag-aalok ng areglo, ayun hanagang ngayun sira parin ang motor ko. Sa pananaw ko lang, ang problema di pinahahaba, sinusulusyunan.
|
tamito |
Nang minsang ihatid ko si jay-z sa kanila sa pagsanjan ng madaling araw galing sa isang GY na shift, may nadaanan akong senaryo pauwi. Isang mio soul ang matamis na nakikipaghalikan sa poste ng meralco, basag ng front cover. Ang driver, ninanamnam ang lasa ng dugo mula sa mukha nyang malaki pa ang baak sa puwit ko. Naka-inom ang driver at back-ride nito,sa puntong ito kita mo na talaga kung sino ang sira-ulo. Gusto kong ihatid ang mga nasabing sugatan, kaso hindi pumayag ang mga naunang tambay na rumesponde. Naiintindihan ko yung point na kailangan pa ng medic bago galawin ng mga biktima, baka nga naman mas lumala ang tama. Pero, yung kaialangan pa naming hintayin yung pulis, pulis? Teka banggaan ba ang nangyari?kailngan pa bang Makita muna yung poste at tignan kung sinong may-sala? Ano kakasuhan natin yung poste ng reckless erection resulting to serious physical injury and damage to property? Posting without license? O dahil sa gabi ito ngyari, posting without any warning device? Hahanapan din kaya natin ito ng OR CR? At kung wala ay kakasuhan ng POST-NAP? Eto malupit, Hahanapan ba natin to ng lisensya? For crying out loud....poste ang binanga hindi sasakyan.
Pasko bago dumating ang pulis “walang pinag-iba dun sa kaso ng sunog na nadaanan namin. Walang tao sa istasyon ng bumbero”. At pasko narin namin naalala na 20m lang ang layu namin sa isang pribadong Hospital, ang mga staff? Nakita namin naka tanaw sa’min at sa mga biktima..mga gadamit.
|
katan know this one...very well. |
Naalala ko pa, twice kaming nabangga ni katan, isa sa paete, isa sa callios. Kasalanan namin ang nauna, kinarera namin yung sasakyan na ni-cut kami, ang resulta, nakipag-soccer ako sa kalsada. Ang pangalawa namin aksident, di ko malaman kung malas lang ba talaga kami o may balat talaga si katan dahil sya nanaman ang driver. Tanghaling tapat, galing sa mcdo para tumingin ng schedule, binagtas naming ang kalsada pabalik ng bagumbayan. Pagdating sa callios nag-menor si katan dahil may batang nag-babike. Pag tapat ditto biglang nag-collapse ang bata, sapol ang bisikleta, si totoy nag-dribol ang mukha sa kalsada, gumulong kami ni ian kasama ang motor, wasak, basag ang mags. Sinugod kaming lahat sa provincial hospital, may kaso, daming babayadan, napag-disisyunan ko nalang wag ng dumagdag pa sa gastusin ni katan. Kinalaunan, napag alaman bakit nahimatay si totoy, wala pang anung laman ang sikmura, dala ng gutom dinamay pa ang dalawang mokong.
Hindi ako kas-kasero, madalas mabagal pa sa mga tao sa city-hall ang andar ko. Pero aminado rin ako na may mga kinakarera ako, lalo na at bayabas ni binobombahan ako. Kadalasan, 20-30kph lang ang andar ko. Tipid sa gas, at hindi naman kasi ako mauubusan ng kalsada para mag-mabilis..at nalulunod ako sa hangin. Hirap ako sa helmet, nakabatay parin ako sa tama ng hangin, tunog ng sasakyan, lawak ng nakikita. Kaya pag-naka helmet, hindi ako lalo kuma-kaskas, nakabatay parin kasi ako sa reflexes ko. Oo, madalas makikita mo kong naka headset, pero hindi ibig sabihin nito ay hindi ko na naririnig ang tunog “ anung sabi mo?” ng mga sasakyan. Kahit nung may banda pa ko, nasanay na ata ako ng hati ang atensyon ko pero focus sa pareho, ewan ko, nasanay lang talaga ako. Saka walang kinalaman yun sa pag-drive dahil rinig ko parin kayo “ ano ulit ang sinasabi mo?”.
Rock music is my blood, it runs through my veins. It’s the air I breathe; it’s who I am. It’s the only sound my heart can comprehend. It gives me the rush to a new me, regardless of all mourns. It is me...
Maingay ang pinapakingan ko sa daan, it gives me the adrenaline rush. Mas malupit, mas buhay ang dugo ko. Alerto, hindi ko lang talaga maintindihan bakit ito ang sinisisi nung makitid na mga hinayupak.
10:00 am, mula sa isang delivery sa Wendys Resort sa Pagsanjan, dumaan ako sa loob ng pagsawitan kung san ako madalas dumaan. Tamang takbo lang ng sasakyan, binagtas ang tintawag na “pulong dyablo”. Sa di inaasahan na kamalasan, isang bata ang biglang tumawid at sumalpak sa motor na gamit ko. Hear me...sya ang bumanga sakin, left side ko. Naka-preno pa ako, kaya hindi ko sya nadali pa ng foot-rest. Tama lang ang takbo ko, kung mabilis ang takbo ko, at ako talaga ang bumanga sa bata ganito dapat ang senaryo.
- dapat tumalsik yung bata, dahil mabilis ang takbo ko.
- kung hindi man, sana nasagasaan ko ito.
- nag-semplang sana ako dahil :
Una, sa salpukan eto ang epekto.
Pangalawa, kung makapreno man ako, sa bilis ko dapat nag-slide ako dahil sa buhangin.
- kung makapreno man ako, sa bilis sana sa Box humataw ang mukha nito.
Kaso, talaga atang sa likod ng bawat pagtatalo ay may isang gago. Sa pagkakakita nung tsismosa eto ang kwento:
“kitag-kita ko ambilis-bilis mo, yung bata tumingin pa ng kaliwat kanan tumigil. Ikaw diretso kaya binanga mo. sinalpak mo yung ulo..dadadadadada....”
|
80km/hr = rip |
Siraulo talaga gumawa pa ng lintik na kwento, walang pinag-iba kay kris Aquino na ang cerebral cortex ay kadugtong ng bunganga. naisagot ko nalang “di ako manalo sa bunganga mo.” badtrip, dahil di talaga ako nanalo sa bunganga nung gago. Nun lang ako napahiya ng ganun, badtrip x2 dahil kung sa arsenal lang kargado lagi ang utak ko. Tinalo ako dahil kinukuyog na ako kanina, badtrip kung di ko pa sinabi na kibigan ko si roma sa katapat bahay lang, baka malamang asshole sila mula sa bunganga ko. Lumala lalo ang pagtatalo, may mga umepal pa sa kwento, iwanan daw dun yung motor kung di naman talaga gago. Kaso mas tuso pa ko sa kanila...
‘Wag kang maingay ha, tulad ng naka post sa fb acct ko, nanakaw ang pitaka ko. Kaya sa tagalong wala akong lisensya ngayun. Nyahahaha, kung tutuusin, talo ako. Kaya lang tuso pa ko kay iscariote. Nang sabihin na dalhin ito sa provincial hospital di ako pumayag, simple lang, tatawag pa ng pulis dun, sa laguna doctors hospital ang sinabi ko. Kung may plano sila na perahan ako, goodluck!
Kaso swerte ko talaga dinala ako sa brgy. Hall para i-blotter...gadamit talaga. Bago umalis sa lugar ng aksidente my mamang nag-malasakit sakin, paulit-ulit nyang sinasabi sa mga tao dun na “hindi nabanga yan, kung nabanga yan dapat hangang ngayun naiyak pa yan, pero kita nyo tahan na yan.” , isa pang driver ang nagsalita sa kin na nakita nya ang pangyayari, kaso kuyog nag mga gago anung laban namin.
Pagdating sa brgy. Hall, yung bata ay naglakad, umakyat mag-isa sa hagdan. Tanung kagad nung kapitan anung nangyari, sino nakabangga, sinong witness? Nang malamn na yung babe bungangera ang witness biglng nagsalita yung kapitan, walng tama yang anak mo, pa-chek-up nyo nalang para maayus yan. Naiisip ko tuloy bigla, pilit kong pina-patawag yung labilera, pero nung nalaman nila nay un ang witness biglang ayus na....
|
crafty |
Sa hospital, agad na nilunasan ang sugat ng bata na malki pa ang cut ko sa fore-finger. Nagtanung ang nurse kung anung masakit, thorough chek-up ang nangyari, kaya ang diagnosis ng doctor...”iuwi nyo na ho at hindi ho nabanga yang anak nyo, kung nabanga ho yan, sagsusuka at durog ang ngipin sana nyan, kita nyo naman ho, walang masakit at ngalalakad pa ho.” Salamat nalang rin at sanay na yung mga nurse at doctor, na analyse nila yung situation...kudos!
May mga bagay na hindi inaasahan na mangyari, tila ba nakatadhana. Mga pangyayari na para bang kahit iwasan mo na, iaadya parin na mangyari. Mga aksidente na magpapabago ng pananaw mo sa buhay, sabi ni rech, anu daw kung sakin mangyari at anak ko mabanga? Nakakatawa, simple lang...mahinahon utak ko, aalamin ko muna yung nangyari. Walang patutunguhan ang away, pinapaliit mo lang ang mundo mo. saka sa panahon ngayun, nakakatawa na kung uso pa suntukan. Pero anot-ano man, hindi pede ang basta sisihan. Kailanagn solusyonan. Sa madalas na pag-kakataon, lagi akong napipigilan mag-salita, di ko maisip kung natutunugan kagad nila ang mga sasabihin ko. Malamang narinig na nila bunganga ko.
Asshole na babae, pag-naiisip ko yung ginawa nya sakin nag-iinit talaga ang ulo ko. Galing gumawa ng kwento. Kaso nung hinihilng ko na iharap sakin sa brgy. Hall, ayaw na iharap sakin. Naiinis ako dahil alam kong hindi ko kasalanan, ni walang tumulong sakin..pangkaraniwang sitwasyon sa buhay ko..pero next time bago sana magsalita yung sigurado na...para sayu isang hinlalato.
Accusation without evidence is like riding an stationary bike, we’re getting nowhere..fast.