konitsiwa!!!

I'll be back...soon.

Thursday, February 17, 2011

Divided we stand, United we fall III

logo



      
            Isa sa mga bagay na kina-iinis ko ay yung kapag sa problema kanya-kanya na. Sa katarantaduhan magkakasama tayu, nang magkaproblema iniwan nyo ko..tang-ina asan ang bayag nyo?
            Foul-play, bawal talaga ang ginawa namin na pagtapon sa gutter ng tubig na pinahugasan ng kitchen. Wala kaming magagawa, barado ang drainage-system. Pero hindi ito galing sa septic-tank tulad ng ina-akusa ng bobong brgy. Captain ng brgy. 2. Siguro kung naamoy nya kami ni jay-z nung dinale naming ng plehe yung PBC na kabit sa kaluluwa ang amoy, malamng patay na sya ngyun sa baho.  Pang karaniwang tubig lang ito, nag-kataon lang na humawa yung langis ng makina ng mga sasakyan ginagawa dun sa talyer nila “kambal”, kaya nagka-ganun ang amoy. Ang totoo, Sablay na management dahil batay sa PM/BM namin quarterly ang de-clogging, pero lampas isang taon na ata ng huli ito magawa. Kahit ang siphoning na quarterly ay isang taon at kalahati bago naulit. Ditto palang sablay na kami, anu pang aasahan mong tino sa mga kasama ko. Sabagay naiintindihan ko, nagtitipid kami, pero sa sobrang kakatipid namin, mas lumalaki ang gastos, pansinin mo yung mga motor na galing sa bansang china. Araw-araw nalang may ginagawa na sirang motor yung technician. Mura nga, kasu talo ka sa maintenance.

            “...paanong  manga-ngamoy yun ng 5PM eh ng mag-padaloy ng tubig ditto ay ngayun palang.” Salita ni manong Ping sakin. Nakakuha ako ng kakampi...ang tapang, may ibubuga. Kaya lang ng dumating yung kapitan at tanod, tiklop ang tuhod. Biglang natahimik, paking-syet! Nawalan ako ng kasama..ang masakit iniwasa ila yung kapitan, di sila sumasagot, only showing that they’re admitting the fucking thing. Badtrip, dahil sana kung may bayag kaming gumawa ng mali...may bayag din kaming harapin ang consequences, langya nag solo ako nung linisan na, akin lahat ng laway ni kapitan. sobra mga tapang sa kwentuhan, mga urong naman pala ang bayag. Oo, siguro mali na nakipagtalo pa ako sa kapitan, pero teka...trabaho ko pinag-uusapan, kahihiyan nila ay akin din. Magkapitpitan man ng bayag, ipagtatangol ko pa rin sila. Kayayabang nila, puro lang pala sat-sat... wala kaming pinag-iba sa bungkos ng pera, ng hanginin nag-kanya-kanya.


devided we fall
            Pansinin mo si Miriam Defensor Santiago, nag-paka dalubhasa na ata sya sa pag-iwan sa kanyang partido basta nag-kaka-problema. Mula sa partido ni erap, nagging ka-baho nya si Gloria, at nung huling eleksyon ay nakay villar na sya. Patalon-talon, kung san makikinabang dun sya. Di bale nang masira ang pangalan, madungisan ang prinsipyo, masira ang tiwala ng bayan, ano kung mawala ang tiwala ng iilan, o bumagsak ang pundasyon ng kanilang pinag-lalaban, ang mahalaga ay nakakapit sa mainam. Walang pinag iba ito sa mga katiyap na squiller, para wag mapahamak, nag nahingi ng plea bargain agreement. Mga hinayupak na nang-iiwan sa ere. Kahit si rabusa na ngayun ay witness ganun din...iiwanan ka sa ere. Si chabit singson, bong revilla at lito lapid ang ilan sa magandang halimbawa ng suwail.

            Ang kinainis ko lalo kagabi, ay yung walang tigil na pagsasabi na si JESS pinapala yan, si JESS hangang dun sa dulo, sabi ni Jess...., si JESS. Eh pusang-ina, tawagan nyo si JESS at padalhan nyo ng PLANE-TICKET, ipa-pala nyo yung lintek na putik, pa halukaw nyo yung kanal. At ipaharap nyo dun sa kapitan na kinatatakutan nyo. Bok ang pangalan ko, hindi kung ano. ‘wag nyo kong ikumpara kay JESS, mag kaiba kayu ng diskarte, kahit ang mio iba ang kargada sa step..mga bobo. Alam ko ang gagawin ko, bakit kailanagan pa na paulit-ulit ikumpoara kay jess. Kaya nga mag-kakaiba tyu ng pangalan...

divided we stand...
            Maraming beses na din akong iniwan ng mga barkada ko, isinangkalang sa problema, idahilan sa magulang, siniraan sa kapwa. Minsan nagalit pa sakin ang magulang ni Nicole dahil dinadala ko daw sa katarantaduhan ang anak nila, pusang gala...eh emotional-depressed si epol nun, sinasamahn ko lang dahil baka kung mapa-an0, napasama pa ako. Paking-ashols...

            Kung meron akong isang pananw tungkol sa kaibigan na ipagmamalaki ko, isa lang...bagay na kina-selosan ng X ko...iiwanan ka ng mga kakilala mo, ng GF/BF mo, pero ang kaibigan hindi kahit isang Segundo...mas priority ko kaibigan kesa sa kanya...tanung nyo pa kay danna...simple lang naman ang pananw ko, hindi man kita matulungan, hindi naman kita iiwanan...
            

No comments:

Post a Comment