konitsiwa!!!

I'll be back...soon.

Monday, January 31, 2011

Eye for an eye...

nothing to say



       The Philippine Reserve Officer Training Corps (ROTC) is a military program for college students in the Philippines. It is intended to train students to prepare for national defense, and includes problem solving, military discipline, systematic planning, proper ethics, and leadership skills. In 1862, ROTC was first established in the United States as a college elective focusing on military training and discipline. Many countries that were connected with the United States then followed the same program, including the Republic of the Philippines. On the brink of World War II, in the year 1912, the Americans established the first Philippine ROTC unit in the University of the Philippines. Even after the country gained its independence, the ROTC program remained a college elective for all Filipino students.

            In 2001, under the Philippine Republic Act No. 9163, ROTC was incorporated into the National Service Training Program (NSTP), which allowed students to choose to undergo training for civic service other than the ROTC. Under the NSTP, college students are required to choose and complete at least one of its three components in order to be able to graduate. They may choose from the following:

ROTC program, which provides military training;

Literacy Training Service, which provides training on teaching basic reading and math;

Civic Welfare Training Service, which involves students in activities contributing to community welfare, such as caring for the environment, public safety, health, sports, and entrepreneurship.
           
- wikipilipinas.org

            Malapit na ko mag-aral muli, at pag-naiisip ko ang lintik na ROTC nayan, nawawalan talaga ako ng gana. I mean, para san ba talaga ang lintik na yan? Pambansang defensa? Eh, may magtatanka pa bas a bansa natin? Palagay ko kesa tyu ang pag-aksayahan ng mga teroristang bansa, eh uunahin na nila yung mga bansang may mapapala sila, siguro bukod sa tambak ng basura, eh wala na silang mapapala sa’ting bansa. Baka hindi sila mag-kanda-ugaga sa dani ng klase ng basura ditto, basura sa kalye, basurang musika, palabas, basurang gobyerno at minsan basurang pananaw...tulad nito.


pugay-kamay
            Naiintindihan ko, may banta sa seguridad natin nung araw, noon siguro yun, nung mga bobo pa ang tao, edukado na ang mga nilalang ngayun, hinidi na siguro kailangan pa ito. Bukod sa binibilad ka sa araw para mangitim at turuan ng mga formation, drill at community service, eh tingin ko hindi mo rin naman ito magagamit kung magka-gera. Kung sakali mang atakihin tayu, kahit ng korea lang, siguro kulang rin ang gamit natin na pang-depensa. Sa dami ng dating graduate ng ROTC, kukulangin ang armas ng pambansang depensa...ano susugod tayu ng ang dala ay itak, karit at martilyo? Ilalaban mo ang sarangola ni pepe sa sa mga F19? O siguro, mang-hiram tyu sa mga NPA, MILF at Abu SAYAF ng mga gamit. Sigurado mga high-powered ang arsenal ng mga yan, idagdag mo pa si ampatuan...kaboom, solve ang gamit.

            Nakasaad sa batas na maari kang mamili ng gusto mong kuhanin, pero ditto sa Laguna State Polythechnic University, pre-requisite sa mga lalaki na Rotc ang kuhanin. Sabagay, pang-babae lang ang NSTP, pero kung iisipin mo, may pinatutunguhan ba pag-ka-graduate?

            Tinuturan nila tayu ng disiplina, community service, pakikisalamuha sa mahihirap, welfare at minsan inaatasan tayu mamuno sa karamihan. Kita ko naman ang bunga, kung disiplina lang araw-araw mo na silang nakakasalamuha, mga college students na kung san-san nagtatapon ng basura, mga kawani ng gobyerno na nasakay sa no-loading-zone. Kung community-service lang ang ating pag-uusapan, hindi mo maikaka-ila ang mga ROTC sa paglilinis nila ng mga kalsada, mga nursing students na medical mission, mga co-ed na nagtuturo sa mga publick school para maka-tapos... at kung anu-anu pang pede nilang maisip para tumaas ang grades. Kaya lang, matapos ang pag-aaral, ang mga nag-medical-mission, nagtuturok na sa abroad, ang nagturo sa publick, guro na sa bansang hapon, at ang mga naglilinis ng kalsada, promoter sa dumi sa daan.

their worth...

            Kung ako masusunod, ipapatangal ko na sa curriculum ang pesteng NSTP nay an, para san pa nga ba ang mga ganyan? Disiplina? Pakiki-tao? Kung magka-ganito, para san pa ang GMRC at VALUES nung tayu ay primary at secondary pa lang? ano to reiteration?  Parang batas lang ng companya na na-by-pass?
         

   Bukod sa nasusunog na balat, may-tumitimo ba sa’ting mga isipan? Hindi naman to isang kurso siguro na dapat pa nating tapusin? Kung matapos man natin ito, may natutunan ba tayu? Sa dami ng nakatapos, ilan ba nag nasa community sevice? Ilang nga ba ang nagsisilbi para sa bayan? Meron man, mga buhayang ulis at ganid na politico lang, saying na community service yan. Kailangan pa ba nating maging handa sa paglusob ng ibang bansa? Kung maging sakuna o kalamidad, kailangan pa ba nating pumila per-platoon at mag about face with tiger look bago kumilos at tumulong sa bansa? Hindi na natin siguro kailanagn mag-drill pa bago mag-alis ng putik. Wala sna sigurong push na may DOWN, HALF, Up and HALF bago ka magsadlok ng tubig para sa nauuhaw.
           
            CWATS, eto lang ang kukunin ko, sabihan man ako na bakla, ayus lang. Maglilinis at mag-tatanim lang ako, ayus na sakin yun..dahil kailangan. Pero, hangat hindi ko naiintindihan kung para san ang ROTC, Malabo mo akong mapakuha nito.

            Training? Bakit, ilang bansa na ba ang nakalaban natin? Eh, kung sumugod naman tayu sa gera, nakatago mga ulo, panu tayu tatama? Ilang taga-ibang bansa narin ang nag-patunay nito. San tayu lalaban? Sa Mindanao? Sa kabundukan ng cordillera? Sa taas ng banahaw?  Sinong kalaban, kapwa natin Pilipino? Naiintindihan ko, ang mga rebelde walang iniisip yan, lalo na yung mga suicide bomber. Pero kung nag-training tayu lumaban sa kapwa Pilipino, wala yung pinag-iba sa sa pag-aaral pumatay para tapusin ang buhay ng sarili mong kapatid. Ano sila praktisan, para pag sugod ng taga ibang bansa handa na tayu?

             Naiinis ako sa mga humanitarian na ayaw gawan natin ng masama ang mga pumapatay, di daw to maka-tao. Di ako pabor sa ganito, sa pananaw ko lang yung mga humanitarian itapon sa basilan at ipaka-usap sa mga Abu SAYAF, sana mag-tagumpay sila. Pero hangat gumagana pa ang katwiran ko, palagay ko, wag na tyung gumaya sa kanila.

note : we didn't even practice


                        Madali man tayu ng sakuna, palagay ko hindi na natin kailangan pa ng mga platoon leader para lang kumilos tayu. Sapat ng halimbawa ang mga sunod-dunod na trahedyang sumalanta sa’ting bansa, kita ko at kita mo kung pano tumulong ang lahat, kumilos at gumaod..pero hindi lahat sa kumilos ay nag-ROTC.

tora-tora
            Walang masamang maging handa, pero sana alam nating kung para san ito. Kung para lang to sa isang imahinasyon ng mga hinayupak na politico, saglit, nabubuhay na tyu sa makabagong panahon kung san napaglupaan na mismo pati ang gagamitin nating pang-depensa. “Nang ibenta ng Estados Unidos ang pinaka-malaks nilang eroplanong pandigma (F-16) sa korea, kasabay nilang inilabas ang pan-assault sa eroplanong ito...ang F-117 o mas kilala sa tawag na stealth fighter.” Sa punto palang na to, yari na tayu, anong itatapat mo, tora-tora o isang batalyong ROTC laban sa  M1 Abram’s ng kano? Ni wala nga ata tayung Chinook, anong gagamitin natin sa mga operasyon sa bundok? Wala pa ang chemical-warfare jan...

            Tingin natin sa mga galing mindano puro war-freak, pero mas salat ata tayung mga taga Luzon sa katinuan, sabi ni raizen sa ghost fighter, minsan mas masahol pa ang mga tao kesa sa mga demon. Sang ayon ako, akala natin yung mga bobo at din nakapag-aral na suicide member ang masama, pero di mo alam kung sino ang tao sa likod ng planong ito...isang edukado. Yung mga ututo nag hahanda para sag era sa gobyerno, sana iwan na natin sa pulis at military ang pag-puksa sa bagay na to. Wag na tayung makigulo.

            Kung sakaling makatapos ako, maka-pasa sa board sa kursong gusto kong kuhanin, maka-pag-masteral, sisguraduhin kong sa college school magtuturo, simple lang, ibabahagi ko ang alam ko, ipaparinig ko ang aking mga katwiran, ituturo ang aking natutunan...dahil walang silbi ang karunungan kung wala kang pinagpapasahan.

No comments:

Post a Comment